"Ang ano?" takang tanong ko.
"Yung ano 'teh, yung ano niya?" Ano ba 'tong baklang 'to, di pa diretsyahin yung gustong sabihin e.
"Yung ano nga?"
"Yung ano niya.." ngumuso siya, tapos parang nginunguso niya yung nasa bandang ibaba niya. Kaya tumingin ako sa ibaba niya. Ahh, yung paa siguro yung tinutukoy niya.
"Oo nakita ko na." simpleng sagot ko.
Nanlaki yung mga mata niya na para bang hindi makapaniwala. "Talaga 'teh, kailan? Saan?"
Pati ba naman paa ni Caleb pinag-iinteresan niya pa.
"Sa bahay, kagabi lang."
"Yiiiieh, talaga? Ohmygosh! Ohmygosh!" tapos pinaypayan niya yung sarili niya gamit ang kanyang mga kamay. Ang O.A lang ah?
"Ano malaki ba?" nanlalaki yung mga mata niya habang tinatanong yan, para bang excited na excited sa sasabihin ko. Grabe naman 'tong baklang 'to kahit sa paa interesado.
"Oo, malaki at tsaka medyo mahaba." Nakita ko yun kagabi nang pumasok siya sa bahay na nakayapak.
"Wow!! Naiingit ako sayo 'teh." hinawakan niya ko sa balikat ko sabay yugyog sa'kin.
"Ano matigas ba?" katulad kanina excited na naman siya sa isasagot ko.
"Hmm. Mukhang matigas, tsaka medyo maugat." Siguro dahil lagi siyang nagbabasketball.
"Ano mukhang matigas? Tsaka maugat? Ohmygosh! Ogmygosh! Hindi ko na kayang ma-handle 'tong nararamdaman ko.. Ano.. ahmm.. Masarap ba?" tanong niya.
"Huh? Kailan pa naging masarap ang PAA ni Caleb? Pinagloloko mo ba ko?" medyo naiinis kong tanong. Para kasing sira e.
"Ha? Paa?" parang nadidismaya niyang tanong.
"Oo, diba sabi mo kung nakita ko na yung paa niya."
"Ahh. Hehe, oo yung paa niya." parang nanghina siya bigla at nawalan ng energy.
May mali ba sa sinabi ko, paa naman talaga ni Caleb yung tinatanong niya diba?
"Ang gandang babae kaso slow"
"Ha? May binubulong ka ba diyan bakla?" sabi ko sa kanya.
"Oh.My.Gosh! Don't call me bakla nu! Roar ang pangalan ko nu?" naiinis niyang sabi, siguro bipolar 'to. Pabago-bago yung mood niya e.
"Okay." simpleng sagot ko at nanood na lang ulit ako sa laro.
Tumayo na si Roar at tumingin sa'kin "Oo nga pala, papasok na si Rhica bukas. Humanda ka, galit sayo yung babaing yun." nag-aalala niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Don't Blame Me, Blaine!
RomanceLumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumahimik din bigla rito sa court, ano bang gagawin nito? Tumingin siya sa mata ko, sa ilong ko, at sa labi k...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa