抖阴社区

Chapter 5

138 14 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 5:

—JANICE POV—

“Umamin ka nga sakin, ano ba talaga nangyari kanina?” seryosong tanong ko kay Zeddrick.

“Wag mo nalang kulitin pwede?” seryosong sagot naman ni Zeddrick.

Mukhang wala talaga siyang balak na sabihin kung ano ba talaga ang nangyari kanina.

Ilang saglit pa ay dumating na ang last subject teacher namin sa Filipino kaya tumahimik na ang buong paligid ng classroom.

“Good Afternoom Class.” bati niya samin.

“Good Afternoon Ma'am Joyce.” — section Sampaguita.

“Magkakaroon tayo ngayon ng group activity. So ilan nga kayo lahat dito sa classroom? 30 right?” tanong niya sagot niya rin.

“Opo Ma'am, 30 po.” sagot ng Class Auditor namin.

“Ok, group yourselves into 5 groups with 6 members. At yung group niyo na mabubuo ay magiging permanent group niyo na sa mga susunod pang activity natin.” saad ni Ma'am.

—ZEDDRICK POV—

Nang sabihin yun ng Filipino Teacher namin ay agad namin ginrupo ang sarili namin.

Pero napansin namin na kulang kami ng isa.

“Ilan na kayo d'yan?” tanong samin ni Ma'am.

“5 palang po Ma'am.” sagot ko naman.

“Kulang dito ng isang member. Dali, lumipat na dito kung sino gusto lumipat.” sigaw ni Ma'am.

Maraming may gusto lumipat sa grupo namin. Ka-group kasi namin ang palaging Best in Filipino na si Marigold.

Pero nagulat kaming lima ng biglang lumapit samin si Terrence at umupo sa tabi ni Aicelle.

“Ok na Ma'am, anim na kami dito.” sambit ni Terrence.

—AICELLE POV—

Bigla ako natahimik ng biglang umupo sa tabi ko si Terrence.

“Ang gagawin natin ngayon ay isang roleplay. So each group, mamili na kayo ng leader. Then bawat leader ay lumapit sakin para bumunot ng scenerio.” paliwanag ni Ma'am Joyce.

Agad kami nagkatinginan kung sino ang magiging leader.

“Si Zeddrick nalang ang leader natin.” seryosong pagkakasabi ni Daniel.

“I agree.” sagot naman ni Marigold.

“Me too. Kaya sige na, lumapit kana kay Ma'am para malaman na natin kung anong iro-roleplay natin.” sabat naman ni Janice.

Agad nga tumayo si Zeddrick at agad na nagtungo kay Ma'am.

—JANICE POV—

“Anong scenerio natin?” tanong ko kay Zeddrick ng makabalik na siya sa pwesto namin dala ang kapirasong papel.

Hindi nagsalita si Zeddrick at agad na binigay sakin ang papel.

“Magkasintahan na masasalubong ang ex niya sa daan.” — scenario.

“Ay bakit naman satin napunta yan?” natatawang pagkasabi ni Marigold.

“Bibigyan ko lang kayo ng limang minuto pagkatapos ay pumunta na sa harapan kung sinong gusto maunang mag-present ng roleplay nila.” saad ni Ma'am Joyce.

“Mag isip na kayo kung sino yung gaganap na magkasintahan at sino yung ex.” seryosong pagkakasabi ni Aicelle.

“Tayong dalawa yung magkasintahan.” halos magkasabay na pagkasabi ni Terrence at ni Zeddrick.

Dahilan upang magkatinginan kaming tatlo nila Marigold at Daniel.

“Ganito nalang, kami nalang kaya ni Janice yung kunware na magkasintahan ok ba yun?” nakangiting pagkakasabi ni Daniel habang nakatingin sakin.

“Mauubos na yung 5minutes na binigay satin hindi pa kayo nakakapag decide?” sabat ni Marigold.

—MARIGOLD POV—

“Sige, sila Zeddrick at Aicelle nalang ang magkasintahan tapos sino yung ex? Babae or lakake ba yung ex?” saad ni Janice.

“Lalake nalang dapat yung ex. Ikaw nalang Terrence. Ok ba yun?” nakangising pagkakasabi ko.

“Hoy!” sabat naman ni Janice.

“Sige ok sakin yun.” seryosong pagkasabi ni Terrence.

—DANIEL POV—

Matapos ang unang grupo na nag roleplay sa harapan ay kami naman ang sumunod.

Agad na nagtungo sa harapan sila Zeddrick, Aicelle at Terrence upang mag role play.

“Bakit naman si Terrence yung pinapunta mo sa unahan kasama nila Aicelle? Alam mo naman na parang may something sa tatlong yan diba?” mahinanong pagkakasabi ko kay Marigold.

“Alam ko, kaya nga si Terrence napili ko na gumanap bilang ex ni Aicelle eh. Para mukhang makakatotohanan. Dagdag points din natin yun.” nakangiting pagkakasabi ni Marigold.

<Roleplay>

—AICELLE POV—

“Siya na ba yung bago mo? Itong lalake na 'to na ba ang pinalit mo sakin?” seryosong pagkakasabi ni Terrence.

Nagulat ako ng magsalita na si Terrence. Hindi yun ang script na binigay sakanya ni Marigold kanina.

Adlib na lang ba?

“Bakit hindi ka magsalita?” muling tanong ni Terrence.

“Oo siya na. Siya na yung bago kong mahal. Siya lang naman kasi yung laging nand'yan para sakin. Noong panahon na minamahal pa kita at wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Si Zeddrick ang nasa tabi ko.” naluluhang pagkakasabi ko saka hinawakan ang kamay ni Zeddrick.

“Tigilan at layuan mo na si Aicelle, hindi kana niya kailangan.” seryosong pagkakasabi ni Zeddrick kay Terrence saka tumitingin sakin.

<End of Roleplay>

Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang narinig namin matapos ang performance namin na yun.

—JANICE POV—

“Napansin mo ba na wala sa script na sinulat mo at binigay mo sakanila ang sinabi nilang tatlo?” seryosong pagkakasabi ko kay Marigold.

“Oo, napansin ko.” nakangiting sagot naman ni Marigold ng tumingin siya sakin.

—MARIGOLD POV—

“Good job.” nakangiting pagkakasabi ko kila Zeddrick, Aicelle at Terrence.

Ilang saglit pa ay in-announce na ni Ma'am Joyce ang score ng bawat grupo.

At ang grupo nga namin ang nakakuha ng highest score na 29/30.

To be continue...


HIGH SCHOOL: Batch 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon