[8years later]
—MARIGOLD POV—
Nandito kami ngayon sa Bar para sa surprise proposal ni Daniel kay Janice.
Kami nila Kate, Terrence, Zeddrick at Ruzzel ang nag decorate ng buong Summer Bar.
Habang magkasama naman sila Aicelle at Janice, pero papunta narin sila dito.
“Yan ok na.” nakangiting pagkakasabi ko matapos mag decorate.
“Asan na nga pala sila Janice?” tanong ni Daniel.
“Wag ka mag alala on the way na dito ang soon to be fiance mo.” nakangiting sabat naman ni Kate.
“Hindi na ako makapag intay, na tanungin siya ng will you marry me.” nakangising pagkakasabi ni Daniel.
“Ngayon palang pre, gusto na kita i-congrats.” nakangiting sabat naman ni Zeddrick.
—JANICE POV—
Nandito na kami sa Bar ni Daniel dahil ang sabi ni Aicelle sakin ay bigla nalang hinimatay si Daniel.
Nag alala ako ng sobra sa sinabi ni Aicelle kaya agad kami nagpunta sa Bar.
Pero pagdating namin sa Bar ay napansin ko na nakapatay ang ilaw sa loob ng Bar.
“Sure ka ba sa nalaman mo?” paninugurado ko.
“Oo, si Marigold at Zeddrick mismo nagsabi sakin.” sagot naman ni Aicelle.
Agad nga kami pumasok sa loob ng Bar, pero kapansin pansin na sobrang tahimik sa loob at madilim din dahil nakapatay ang ilaw.
Ilang saglit pa ay bumukas ang ilaw sa gitna, kasunod ng mga christmas light.
Bumungad sakin ang lubo sa paligid at mga petals ng pulang rosas sa sahig.
Ilang saglit pa ay lumabas na si Daniel.
Naka toxido siya, at sobrang gwapo niya ngayon may hawak siyang bouquet of flowers at nakangiting papalapit sakin.
“Teka, anong meron? Hindi naman natin anniversary ngayon.” pagtataka ko.
Ngumiti lang siya sakin saka siya nagsalita.
“Ayaw ko na magpaligoy ligoy pa, Janice will you marry me?” agad niyang tanong sakin pagkatapos niya lumuhod sa harapan ko.
“Say Yes!” rinig kong sigaw ni Aicelle.
Naiiyak naman ako na ngumiti kay Daniel.
“May dahilan ba para hindi ako mag yes?” nakangiting tanong ko.
Agad naman sinuot sakin ni Daniel ang singsing at agad akong niyakap.
Maya maya pa ay naglapitan na ang mga kaibigan namin.
“OMG Janice soon to be Mrs. Reyes kana.” naiiyak na pagkasabi ni Marigold.
“Grabe 'no, parang kailan lang crush lang nila isa't isa noon.” sabat naman ni Aicelle.
[6months later]
—JANICE POV—
Halos anim na buwan narin mula ng maikasal kami ni Daniel at ng gawin ni Zeddrick ang proposal niya kay Aicelle.
Sa ngayun 3months na akong preggy sa first baby namin ni Daniel.
Nakatakda naman ikasal sila Aicelle at Zeddrick sa first week ng January.
Habang si Ruzzel naman, ayun pina-plano ng yayain magpakasal si Marigold sa 6th Anniversary nila sa May.
[Zeddrick's and Aicelle Wedding Reception]
—MARIGOLD POV—
“Terrence and Kate done, kami ni Daniel done narin at ngayon sila Aicelle at Zeddrick. Who's next?” nakangiting parinig ni Janice.
“Ano ka ba Janice, tinatanong pa ba yan? Edi yung nahuli rin magka-love life satin.” sagot naman ni Aicelle sabay tingin sakin.
“Darating tayo d'yan.” natatawa kong sagot.
“Oo nga pala, may naisip na kayong ipapangalan sa first baby niyo Daniel?” tanong ko.
“Sparkle.” sagot naman ni Janice.
“Sparkle? Bakit 'di na lang Royal or Mountain Dew.” natatawang tanong ni Terrence.
“Gusto mo saboy ko 'to sayo?” mataray na pagkakasabi ni Janice habang hawak ang Wine Glass na may laman na Red Wine.
At agad naman kami nagtawanan.
“Eh tayo ba kapag nagkaanak tayo anong gusto mong pangalan?” tanong ni Zeddrick kay Aicelle.
“Anak agad? Saan niyo muna gusto mag Honeymoon dapat ganun ang tanong pre.” natatawang sabat ni Daniel.
Agad naman kami nagtawanan.
[5months later]
—MARIGOLD POV—
It's been 5months since ikasal sila Aicelle at Zeddrick, at ngayong buwan nga ay ang 6th Anniversary namin ni Ruzzel.
Kinabukasan, nagising nalang ako na nakangiti sakin si Ruzzel habang nakatitig siya.
“Oh, kanina ka pa ba dito?” tanong ko at agad ako napabalikwas sa higaan ko.
“Oo kanina pa ako. Tulog ka pa ng dumating ako kaya binantayan nalang kita habang natutulog.” nakangiting pagkakasabi ni Ruzzel.
“Happy 6th Anniversary.” nakangiting bati ko sakanya.
Ngumiti lang siya sakin saka kinuha ang maliit na box sa bulsa niya.
“Ever since I met you, wala na akong pinangarap kundi ang makasama ka habang buhay. At ngayon, ito na ang right time para sabihin ko 'to sayo. Will you be my wife?” nakangiting tanong sakin ni Ruzzel saka binuksan ang maliit na box na naglalaman ng magandang singsing.
“Wait, nagpo-propose kana?” natatawa kong tanong.
“Bakit natatawa ka?” tanong niya.
“Wala, binigla mo kasi ako masyado. Tignan mo nga oh, kagigising ko lang. Hindi pa ako nakakapag hilamos o toothbrush man lang. Pero Yes, I want to be your wife.” naiiyak na pagkasabi ko at agad na yumakap kay Ruzzel.
[1year later]
—AICELLE POV—
It's been a year since Marigold and Ruzzel get married. Dito narin nag stay si Marigold sa Pilipinas pero tuloy parin ang business niya sa France, may mga branch na nga lang. Sila Janice at Daniel ay mukhang magkakaroon na ng second baby, habang sila Terrence at Kate naman ay nagkaroon na ng first baby after halos ilang taon matapos ikasal.
Kami naman ni Zeddrick, inaasahan namin na ngayon buwan darating ang first baby namin.
Lahat kami ngayon ay masaya na kaniya kaniya naming buhay may pamilya, pero paminsan minsan ay nagkikita-kita pa naman kami para mag bonding lalo na kapag wala kaming schedule ni Zeddrick tulad ng TV Guesting or MV Filming at iba pa.
Nitong kamakailan nga lang ay nagkaroon kami ng CoLOVE Concert ni Zeddrick at special guest nga namin ang mga kaibigan namin na sila Marigold, Janice, Ruzzel, Daniel at Terrence.
Nagperform kaming anim na para bang noong High School lang.
—THE END—

BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL: Batch 2012
Teen FictionLove and friendship story of six 4th year high school students from section Sampaguita.