抖阴社区

Chapter 10

130 10 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 10:

—DANIEL POV—

Kinabukasan ay nagpunta kami sa bahay nila Marigold para mag food trip at mag bonding.

Pero pagdating namin doon ay wala pa sila Janice at Aicelle. Pero nandoon na si Zeddrick.

“Uy pre, nandito kana pala.” bati ni Zeddrick sakin.

“Oh! Pasok ka, wala pa sila Janice at Aicelle, pero on the way na daw sila.” sambit naman ni Marigold.

Agad naman ako tumuloy at naupo sa sala.

“D'yan muna kayo ah. Ano gusto niyo? Juice? Softdrinks? Kuha nalang kayo sa Fridge kapal naman ng mga mukha niyo kung ako pa magse-serve sainyo.” seryosong pagkakasabi ni Marigold pero maya maya ay tumawa rin siya saka siya umalis kaya naiwan kami ni Zeddrick sa sala.

“Pre, may itatanong lang ako sayo.” seryosong pagkakasabi ko kay Zeddrick.

“Ano yun?” tanong naman ni Zeddrick.

“Alam na ba ni Marigold na may kinalaman ka sa tuluyang pag iwas ni Terrence kay Aicelle?” seryosong tanong ko.

—ZEDDRICK POV—

“Hindi, hindi niya alam. Tayong dalawa lang ang nakakaalam non, kaya pakiusap. Wala kang ibang pagsasabihan.” sagot ko.

<Flashback>

“Sinong tinitignan mo?” tanong ko kay Kate na pasilip silip sa bintana ng classroom namin.

“Ah ikaw pala Zeddrick. Ah, si Terrence. Yung bago niyong classmate.” nakangiting pagkakasabi ni Kate.

“Anong kailangan mo kay Terrence?” seryosong tanong ko.

“Ah, gusto ko lang ibigay 'to. Saka gusto ko sana makipag kaibigan sakanya.” nakangiting pagkakasabi ni Kate sabay abot sakin ng isang tila love letter.

“May gusto ka kay Terrence tama ba ako? Kapag ba tinulungan kita na mapalapit kay Terrence tutulungan mo rin ako na magkalayo sila ni Aicelle?” seryosong tanong ko.

“Anong kinalaman ni Aicelle kay Terrence?” pagtataka ni Kate.

“Wag mo ng alamin. Basta ang gusto ko magkalayo sila Aicelle at Terrence. Dahil walang ibang karapatdapat kay Aicelle kundi ako lang.” seryosong pagkakasabi ko.

<End of Flashback>

“Eh ikaw, kailan mo aaminin kay Janice na gusto mo siya?” nakangising tanong ko kay Daniel bahagya naman siya napangiti sa tanong ko.

“Hindi ko alam pre, natatakot kasi ako na baka iwasan ako ni Janice kapag umamin ako sakanya na higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko para sakanya.” seryosong pagkakasabi ni Daniel.

—JANICE POV—

Pagkarating namin ni Aicelle sa bahay nila Marigold ay nandoon na sila Zeddrick at Daniel.

“Akala namin hindi na kayo darating eh.” nakangiting pagkakasabi ni Daniel samin ni Aicelle.

“Na-traffic lang. Nasaa si Tita? Saka si Marigold.” sabat naman ni Aicelle.

“Si Tita, kanina pa umalis. Si Marigold nasa kwarto niya yata.” sagot naman ni Zeddrick.

“Ah sige, puntahan muna namin si Marigold.” nakangiting pagkakasabi ko.

—MARIGOLD POV—

Kasalukuyan ako nagliligpit ng higaan ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok sila Aicelle at Janice.

“Oh, ano ginagawa niyo dito? Sila Zeddrick at Daniel nasa sala sila. Sa sala na muna kayo may nakahanda ng pagkain nakalagay sa fride kunin niyo nalang pati yung 1.5 na coke. Maya maya bababa narin ako tapusin ko lang 'tong ginagawa ko.” sambit ko.

“Tulungan kana lang namin para mabilis ka na matapos. Tapos sabay sabay na tayo bumaba.” nakangiting pagkakasabi ni Aicelle.

“May kasambahay naman kayo diba? Bakit hindi mo nalang ipaligpit sakanya 'tong higaan mo?” malumanay na tanong ni Janice.

“Kaya ko naman gawin 'to, mahirap kasi pag palaging inaasa sa kasambahay diba?” nakangiting pagkakasabi ko.

“Kung sabagay tama ka. Kaya idol ka namin eh.” nakangiting pagkakasabi naman ni Janice.

—AICELLE POV—

Nang matapos namin tulungan sa pagliligpit ng higaan si Marigold ay magkakasabay na kaming bumaba at pumunta sa sala kung saan ay nandoon naka upo sa sofa sila Zeddrick at Daniel habang kumakain ng popcorn.

“Marigold, kumuha na kami ng pagkain sa Fridge ah.” sambit ni Daniel.

“Lagi naman eh.” sagot naman ni Marigold saka ito tumawa.

Agad nga namin nilabas ang ilang pagkain sa Fridge nila Marigold tulad ng Macaroni Salad, Pizza at Softdrinks.

Masaya kaming kumakain habang nagki-kwentuhan at nagtatawanan sa Garden nila Marigold na para bang nagpi-picnic kami.

Pinag kwentuhan namin kung paano kami naging magkakaibigan 4years ago.

Nagsimula ang lahat dahil sa isang pirasong papel at sa upuan na pinag aagawan namin nila Aicelle at Marigold. Parehas kasi namin na gusto maupo malapit sa whiteboard.

Hanggang sa nagkakainitan na kaming tatlo at agad kaming inawat nila Zeddrick at Daniel.

Naging unang magkaibigan kami ni Aicelle, bago namin naging kaibigan si Marigold.

Mukha kasing mataray si Marigold kaya hindi ko agad siya nakasundo. Pero noong umuulan. Pinahiram niya sakin yung payong niya dahil maliligo naman daw siya sa ulan.

At simula nga noon ay naging kaibigan ko narin si Marigold. Hanggang sa pati sila Zeddrick at Daniel ay naging kaibigan na namin.

HIGH SCHOOL: Batch 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon