抖阴社区

44

458 10 2
                                        

Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa ilang lugar na gustong puntahan ni Knot.

Agad din naman kaming umuwi bago dumilim.

Halos sumakit na ang panga ko sa pagngiti at pagtawa dahil sa kagagawan ni Tokyo. Kung ano-anong kalokohan ang ginawa. Akalain mo ba namang tanungin 'yung kahera sa Department Store ng mall na pinuntahan namin kung may pera ba raw 'yong kaha.

Sabay sabing, "Ah, ako rin po may pera."

"Anong iniisip mo?" Naputol ang pag-alala ko sa nangyari kahapon nang tawagin ni Wright ang pangalan ko.

Nandito kami sa mall kung saan din gumawa ng kalokohan si Tokyo.

"Wala." Tugon ko.

"Ba't ka ngumingiti? Iniisip mo 'ko 'no?" Tiningnan ko siya na para bang sinabi niya ang pinakamalaking kasalanan sa mundo.

"Ang kapal mo naman." Pambabara ko. Ngumuso naman siya at nanatiling nakatingin sa akin.

"Masama bang isipin mo ako? Girlfriend mo naman ako." Nguso pa niya. Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-kain.

"Ano ba 'yan! Wala man lang epekto?" Dagdag niya pa.

Hindi ko na pinansin si Wright at dire-diretso sa pag-kain. Bahala siyang mag-ingay diyan, basta kakain ako.

Mamaya na nga pala ang uwi ni Dad mula sa UAE, kailangan kong umuwi nang maaga.

"May pupuntahan pa ba tayo?" Tanong ko kay Wright.

"Wala naman, isasama sana kita sa condo ko." Napatango ako sa sagot niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Maaga akong uuwi, may kailangan pa akong gawin." Sagot ko na lang. Tulad ng sabi ko, ayoko pang ipaalam sa iba.

"Patamb—"

"Hindi pwede." Putol ko sa sasabihin niya.

"Bakit?" Parang bata niyang tanong.

"Basta hindi pwede." Susunduin ako ni Tokyo sa harap ng luma naming bahay mamaya.

Tumahimik na si Wright pagkatapos kong sumagot. Mas gusto ko iyon, mababawasan ang ingay sa paligid.

Nang matapos kaming kumain ay nakasunod lang ako kay Wright hanggang makarating kami sa harapan ng kotse niya.

"Hindi ba pwedeng mamayang gabi ka na umuwi?" Nakangusong saad ni Wright.

Ano ba naman 'to? Mas lalong nagmukhang oso.

"Sige na, Brade. Mamaya ka na umuwi." Pamimilit niya pa.

Sumulyap ako sa oras at medyo maaga pa naman. Halos ika-2 pa lang nang hapon.

"Sige na nga." Sumakay ako sa kotse niya at  nagsimula na siyang magmaneho.

"Para kang tanga." Puna ko nang mapansin ko ang ngiti niya sa labi.

Totoo naman eh!

"Sa ganda kong 'to, tanga lang itatawag mo sa'kin?" Umakto akong nandidiri sa sinabi niya.

"Ang sama mo sa'kin. 'Di mo na ako love." Napairap ako sa sinabi niya.

"Talaga naman." Nakanguso lang siya buong byahe.

Bumaba kaagad ako nang makarating kami sa gusali ng condo niya.

"Tara." Hinawakan niya ang kamay ko at sumakay kami sa elevator.

Mahiwaga-k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon