Simula n'ong banggitin ko ang mga salitang iyon ay hindi ko na pinansin si Wright.
Kung ano-anong ginagawa niya pagpapapansin pero hindi ko pinagtuonan ng pansin.
Bahala siya.
"Hindi mo ba papansinin si Wright?" Bulong ni Jennie sa akin.
"Bahala siya diyan." Nakaabang si Wright sa may labas ng room namin at may hawak na isang stem ng tulip.
Pangatlong araw na niyang ginagawa iyan. Nakaabang sa labas ng room namin tuwing dismissal at may hawak na bulaklak. Pangatlong araw ko na rin siyang hindi pinapansin. Naka-blacklist ang number niya sa phone ko.
Hinihintay ko ang mensahe ni Tokyo para sunduin ako dito.
Nagsiuwian na ang ibang mga kaklase namin, kakaunti na ang natitira sa loob.
"Uuna na kami, Brade." Paalam ni Jennie at Nayeon. Tumango ako sa kanila at kumaway.
Nakaupo pa rin si Wright sa labas ng pinto namin at nakaabang. Tch, d'on siya sa mga babae niya.
Nagsimula na akong maglaro sa telepono ko habang naghihintay kay Tokyo. Isang oras pa ang igugugol ko sa paghihintay.
Unti-unting naubos ang mga tao sa loob ng room hanggang sa ako na lang ang naiwan. Nagsabi naman si Tokyo kanina na baka hindi siya agad lumabas dahil ng isang proyekto nila.
Nakabukas ang pinto at tanging ingay na lang ng aircon ang naririnig ko. Wala na masyadong tao sa labas dahil nagsiuwian na ang mga tao sa katabing silid. Sumulyap ako sa may labas at napansin si Wright na nakaupo pa rin doon.
Infairness, matatag.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalaro. Ilang saglit pa ay tumunog na ang telepono ko, nag-text na si Tokyo.
Inayos ko ang gamit ko at napalingon sa pinto nang makarinig ako ng katok doon. Nakangiting mukha ni Tokyo ang bumungad sa akin.
Lumapit agad ako sa kaniya at bago pa makatayo si Wright ay iniharang ko ang katawan ni Tokyo sa kaniya. Mas matangkad si Tokyo kaya naman madali akong naitago ni Tokyo.
"Wala ka pa rin bang balak na pansinin si Wright, Syd?" Tanong ni Tokyo nang makapasok kami sa kotse niya.
"Tch, d'on na siya sa mga babae niya." Tugon ko.
"Baka naman inaasar lang siya ng mga kaibigan niya." Saad niya habang pinaaatras ang sasakyan.
"Bahala siya." Tinatamad kong sagot.
"Bakit hindi mo alamin kung anong totoo?" Kami ang hindi totoo, Tokyo.
"At paano naman?" Tanong ko.
"Puntahan mo sa lugar niya. Nakapunta ka na naman doon 'di ba?" Napaisip ako.
"Paano naman ako pupunta doon? Sa hapon lang naman siya umuuwi doon at isa pa, baka hanapin ako ni Dad." Tugon ko.
"Ihahatid kita, si Dad? Sabihin mo lang ng ayos, papayag na 'yun." Sagot ni Tokyo.
Napabuntong-hininga ako.
Oo nga naman.
"Sige…" Walang alinlangan kong sagot.
"Bukas ng hapon." Saktong-sakto, huling araw ng pasok.
"Magsabi ka kay Dad na mag-o-overnight ka sa bahay ng kaibigan mo." Turo ni Tokyo.
"Ginagamit mo rin kay Dad 'yan 'no?" Biro ko kay Tokyo.

BINABASA MO ANG
Mahiwaga-k.sg x b.jh
FanfictionMaging pula man ang araw, hinding-hindi kita magugustuhan! "Ba't ba napakakulit ng lahi mo?!" "Wala akong pakialam sa mga damit na 'yan!" Katapusan na ba ng mundo? ~a TAGALOG seulrene fic Kang Seulgi x Bae Joohyun (RED VELVET) Bae Joohyun/Irene as B...