Agad kong isinarado ang pinto ng bahay matapos kong pumasok. Maliwanag pa sa loob at panay pa ang ikot ng mga katulong ni Dad.
"Syd!" Napatingala ako at nakita si Tokyo na nakayuko mula sa ikalawang palapag ng bahay.
Bumaba siya sa engrandeng hagdan at inakbayan ako papunta sa sala.
"Dad! Nandito na 'yung hinahanap mo." Saad ni Tokyo at napataas ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng pormal na damit.
Kamukhang-kamukha ni Tokyo si Dad.
Inalis ni Tokyo ang pagkakaakbay niya sa akin kaya't umayos ako ng tayo.
"Dad, nandiyan na pala kayo. Akala ko po bukas pa ang uwi niyo galing Austria?" Bati ko sabay yuko nang bahagya.
"Oh? Binisita ko lang 'yung farm natin doon." Tugon ni Dad at hinubad ang coat niya, may lumapit naman na katulong para kunin iyon.
"Kailangan natin maka—Teka, ano 'yan?" Lumapit si Dad sa akin at itinaas ang baba ko.
Napalunok ako, takte.
"Ikaw ah!" Mapang-asar na sabi ni Dad.
"Sino ba 'yang maswerte mong 'kaibigan'?" Tinusok-tusok niya pa ang tagiliran ko.
Sinulyapan ko si Tokyo at sumenyas siyang wala siyang sinasabing kahit ano kay Dad.
"Uhmm." Halos mag-init ang pisngi ko sa tanong ni Dad.
Paano ko sasabihin kay Dad?
Putspa.
"Ano na lang apelyido?" Nakangiting tanong ni Dad.
"Hahanapin ko na lang sa student list ng Rope Academy."
"Dad!" Natuluyan na ang pamumula ng mukha ko. Tinawanan lang ako ni Dad at ginulo ang buhok ko.
"Gaano ba ka-intimate ang inabot niyo ha? Pati scent mo tinalo." Sumabog na ang tawa ni Tokyo at ngumiti nang delikado sa akin.
Tangina.
"Alam mo ba, Dad? Ang harot nila n'ong 'kaibigan' niya sa school. Kahit yata sa parking area, naghaharutan sila."
Bakas ang gulat sa mukha ko dahil sa ikinukwento ni Tokyo.
"Saka Dad, PDA silang dalawa. Buti na lang walang faculty members na dumadaan kapag naglalandian sila." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Tokyo.
"Tokyo?!" Tumawa ng malakas si Dad at agad na nagtago si Tokyo sa likod niya.
"Dad, protect me from the wrath of the bunny!" Ibinagsak ko ang gamit ko sa ibabaw ng isang couch at agad na nakipaghabulan kay Tokyo.
Lumakas lang lalo ang tawa ni Dad at pinanood kaming maghabulan.
"Lagot ka sa'kin 'pag naabutan kita!" Tangina, ang hirap habulin ng mas mahaba ang biyas sa'yo.
"Ah! Dad, hinahabol ako ng kuneho!" Sigaw ni Tokyo at ipinangharang si Dad.
Agad kong kinutusan si Tokyo nang maabot ko siya. Nakanguso siyang umalis sa likod ni Dad.
"Si Wright Kang, Dad." Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo si Tokyo paakyat sa kwarto niya.
"I love you, sis!" Sigaw niya bago isarado ang pinto ng kwarto niya.
Napalunok ako at humarap kay Dad.
"Wright Kang pala ha? Parang pamilyar sa akin ang pangalan ng batang 'yon." Inilabas ni Dad ang phone niya.

BINABASA MO ANG
Mahiwaga-k.sg x b.jh
FanfictionMaging pula man ang araw, hinding-hindi kita magugustuhan! "Ba't ba napakakulit ng lahi mo?!" "Wala akong pakialam sa mga damit na 'yan!" Katapusan na ba ng mundo? ~a TAGALOG seulrene fic Kang Seulgi x Bae Joohyun (RED VELVET) Bae Joohyun/Irene as B...