抖阴社区

Don't Blame Me, Blaine!

By Minivel

1.9K 102 75

Lumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 11

91 5 0
By Minivel

Nakaupo na kami ngayon sa mahabang sofa sa sala ng bahay nila Caleb. Nasa kusina raw kasi ang Tita Eve niya, kaya hindi ko pa nakikita ayaw raw kasi noon mag pa istorbo pag nagluluto. Kaya nandito kami ngayon may piattos na nakalagay sa bowl, tapos mango juice sa maliit na mesa.

"Mahilig pala kayo sa puzzle?" tanong ko kay Caleb habang mayroon siyang tinitext.

"Ahh, oo." sagot niya.

Napansin ko kasi sa bahay nila, may mga puzzle na buo na nakadisplay sa loob ng bahay nila. Sa unang tingin aakalain mong painting ayun pala mga puzzle.

Tumayo ako at lumapit sa pinakamalaking puzzle na nakita ko na nakadisplay sa sala nila. Ang design ng puzzle ay may iba't-ibang bulalak na iba-iba ang kulay pero mayroong malaking sunflower sa gitna, parang ayun talaga ang focus ng design ng puzzle na yun.

"Alam mo ba ayan ang pinaka favorite puzzle na binuo namin." sambit si Caleb na nasa tabi ko na pala.

"Talaga? Kayo ang bumuo nito? As in kayo? Ang laki nito ah! Feeling ko maraming tao dapat ang bumuo nito."

Ngumiti siya. "Matagal namin pinaghirapan bago mabuo yan..pero alam mo ba na kasama namin ni Mavy sina Mommy at Daddy na buohin yan.."

Tinitigan ko siya nakita ko yung lungkot ng mga mata niya. "Naalala ko pa, naging bonding namin buohin yan, kahit busy si Daddy sa pagtatrabaho mag bibigay talaga siya ng kaunting oras niya para tumulong saamin noon."

"Talaga?" ayun na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Oo..matagal naming nabuo yan kasi madalas pagnagkasama-sama na kami nila Mommy sa kwarto kaysa buohin namin yan ang kinakalabasan ay naghaharutan kami. Ang saya.. Ang sayang ala-ala." 

Hindi ko maintindihan parang sumakit yung puso ko sa tanawing nakikita ko ngayon. Malungkot na mukha ni Caleb habang titig na titig sa puzzle na binuo nila ng pamilya niya. Tumingin siya sa akin sabay ngiti pilit niyang tinatago ang lungkot na nararamdaman.

"Halika, ililibot kita sa bahay."

Umo-o na lang ako sa gusto niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Okay ka lang?" tanong ko.

"Oo naman. Okay pa ko sa okay!" sabay ngiti ng pagkalapad-lapad. Ang galing talaga nitong magtago ng nararamdaman niya.

"Papakita ko yung kwarto ko sayo. Halika!" sabay hila niya sa braso ko.

"B-bat sa kwarto mo? Baka kung anong gawin mo sa'kin doon?"

"Hahaha. Anong tingin mo sa'kin?" sambit niya sabay ngisi. "Teka? Ano bang iniisip mo ang gagawin ko sayo?"

"W-wala, masama bang magtanong? Halika na nga dun sa kwarto mo." nahihiyang wika ko sa kanya.

"Yes Yenyen kow!" 

Umakyat kami sa second floor, "Ito ang kwarto ko." turo niya sa kanang pinto, "..at ito naman ang kwarto ni Mavy" turo niya sa kaliwang pinto. 

"Magkaharap lang ang kwarto namin." ngiting banggit niya. "Ahh" ang tugon ko.

Pagbukas niya ng kwarto niya. Wow, malinis at mabango. parang hindi kwarto ng isang lalaki. "kwarto mo ba talaga 'to?" tanong ko kay Caleb. "Oo naman. Bakit?" tanong niya habang napasok kami.

"Wala. Natanong lang." nilibot ko yung kwarto niya, tinignan ko ang CR, binuksan ko yung mini ref niya maraming lamang chocolates. "Favorite mo ang toblerone?" tanong ko.

"Hindi ba obvious?" ngisi niyang tanong. napa-"tsk" na lang ako sa kanya.

Pumunta rin ako sa study table niya. May isang black notebook na nakalagay.

Binuklat ko at medyo nagulat sa nakita. Ang nakalagay sa front page. "Diary" tinignan ko pa yung next page. "Dear Pogi.." pa lang ang nababasa ko hinablot na agad sakin ni Caleb ang hawak-hawak ko.

"Bastos ka nakikita mong binabasa ko pa diba." 

"Eh, hindi mo pwedeng basahin 'to. Diary ko 'to."

Hindi ko mapigilang matawa. "Ano nag da diary ka? akala ko gawain lang ng mga babae yan? Talo mo pa ko ah! Ako nga walang ganyan, eh. Atsaka bakit Dear pogi.." 

"Bakit hindi ba pwedeng mag diary ang mga lalaki? saka kaya Dear pogi.. kasi pogi yung diary ko." sabi niya sabay tago ng diary niya sa cabinet. "Nakasanayan ko yan nang umalis si Mommy nung bata kami para mag punta sa Amerika para alagaan si lola, sabi ni Mommy isulat daw namin yung mahahalagang nangyari sa amin ni Mavy araw-araw para raw pag uwi niya alam niya kung anong nangyari sa amin noong panahong wala siya." paliwanag niya.

"ibig sabihin si Mavy may diary rin?"

"Noong bata kami, oo meron siya. Pero ngayon hindi na. Pang gay raw kasi."

Natawa ako sa sinabi niya. "Eh, bakit ikaw nag da diary pa rin?"

"Nakasanayan ko na rin kasi." sabi niya. "Ang diary na 'to ang lahat ng nakakaalam ng kalokohan at kadramahan ko sa buhay." dagdag pa nito.

"Corny mo." natawa siya. "Hayaan mo na pogi naman ako." natatawang sambit niya.

"Pero teka, uso naman ang telepono dati ah, bakit hindi na lang tumawag ang mommy mo para makausap kayo para di na kayo nag da-diary." 

"Ang dami mo namang sinasabi. Oo, tumatawag si Mommy pero gusto niya pag uwi niya mabasa niya yung mga pinag gagawa namin, sa telepono raw kasi hindi namin nakwekwento lahat, pero pag sa diary nasusulat namin yung lahat ng nangyari.. Ahh basta ganun yun. Unawain mo na lang."

Natawa na lang ako dahil parang naiirita na siyang mag paliwanag. "Siguro natutuwa yung Mommy mo kasi hanggang ngayon ginagawa mo pa rin yan kahit wala na siya."

Ngumiti siya. "Siya lang.. siya lang ang taong pinapayagan kong basahin ang diary ko. Naalala ko pa habang binabasa niya yung diary ko, humahagalpak lagi siya ng tawa." naglakad siya papunta sa veranda kaya sinundan ko siya. "Nakakamiss.. nakakamiss si Mommy."

Tinapik-tapik ko siya sa braso. Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako. "Masaya yung mommy mo kung nasaan man siya ngayon, kasi may mabait siyang anak kagaya mo."

Ngumiti siya ng malapad sabay kurot sa kanang pisngi ko. "Ang sweet mo talaga... Halika na nga, itutour pa kita rito sa bahay."

Naglibot-libot pa kami, hanggang sa nakaramdam na ko ng pagod. "Anong oras na?"

"6:30pm na. Halika na sa baba, malamang ready na ang lahat dun."

Pag baba namin, dumiretsyo na kami sa dining room. Ang daming pagkain, parang biglang nagwala yung tiyan ko. nakaramdam agad ako ng gutom. 

Mukhang narinig ni Caleb ang pagtunog ng tiyan ko dahil tumingin iya sa akin sabay ngisi.

May pumasok na isang ginang. Ang ganda niya. Malamang ito na si Tita Eva. may dala-dala siyang pasta, inilagay niya muna ito sa table bago ako pinuntahan.

"You must be Yenelle, right? You're so beautiful hija." hinawakan niya ko sa mukha, hinalikan niya ko sa pisngi bago niyakap.

 "Please be seated." ngumiti ako "Thank you po Ma'am."

"Hija, don't call me ma'am, just call me Tita Eve." 

"Okay po tita Eve."

Tumingin ako kay Caleb na ngiting-ngiti napapansin niya atang medyo naiilang ako sa Tita Eva niya.

"Let's eat!" 

Inuusog ni Caleb ang upuan para sa akin, kaya umupo na ko. Ganoon din ang ginawa niya sa Tita niyang nasa harapan ko nakaupo, si Caleb sa tabi ko siya umupo.

"Caleb, did you text Mavy?"

"Yes Tita! Baka papunta na po yun?"

"Good evening! I'm sorry, I'm late!"

Lahat kami napatingin sa nagsalita.

Si Mavy pala, kamukhang kamukha talaga niya si Caleb, ang nunal lang ni Caleb malapit sa mata ang pinagkaiba nila.

"Goodevening Tita!" humalik siya sa pisngi ng Tita Eve niya at nakipag-brofist naman siya sa kanyang kambal, at tumango naman siya sa akin, kaya tumango rin ako sa kanya.

"Saktong-sakto lang ang dating mo hijo." 

Umupo siya sa tabi ng Tita Eve niya. "Before we start, we need to pray first. Hija please lead the prayer."

Ngumiti ako, bago ko pinikit ang aking mga mata, pinagdikit ang aking mga kamay tsaka nagdasal.

Pagkatapos magdasal ay nag simula na kaming kumain.

"You know hija, you look familiar."

Ngumiti lang ako, hindi ko naman kasi alam kong anong sasabihin ko.

"What is your last name hija?"

"Andrade po?"

Parang nagulat si Tita Eve. "Are related to Yulyn Andrade?"

"Yes tita, she is my mother"

"Oww. Really? That's why you look familiar to me. Kamukhang-kamukha mo siya, kaibigan ko siya noong highschool nawalan kami ng contact nang pumunta na ko sa amerika. Kamusta na siya hija?"

Tumingin silang lahat sa akin, si Caleb, si Mavy at si Tita Eve na excited na excited na malaman kung kumusta na yung mama ko na dati niya palang kaibigan.

"Masaya na po siya sa langit." 

"W-what langit? What do you mean?" tila naguguluhan na tanong ni Tita Eve.

Ngumiti muna bago ako nagsalita. "Namatay po siya noong pinanganak niya ko."

Tila nagulat silang lahat. "Ahm. Sorry to hear that." sabi ni Tita Eve. "Wala po yun." sagot ko.

Tumingin ako kay Caleb, napansin ko yung awa sa mga mata niya. Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Okay lang ako." mahinang bulong ko sa kanya.

Okay lang naman talaga ako, kung noong bata ako tinanong tungkol sa mama ko malamang umiyak na ko, pero ngayong dalaga na ko tanggap ko na nawala na talaga si mama.

Nagkwentuhan pa kami pero ibang topic na lang, yung puro masasaya. Kwinikwento ni Tita Eve lahat ng kalokohan na alam niyang pinaggagawa nila Caleb at Mavy dati. 

Nang matapos ang hapunan, ay niyaya na ko ni Caleb umuwi. Nagpaalam na ko kay Tita Eve at kay Mavy, bago kami tuluyang sumakay sa sasakyan niya, katabi ko na si Caleb sa back seat at si Kuya Con ang driver. 

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Caleb nang pinaandar ni Kuya Con ang sasakyan.

"Oo naman! Okay pa ko sa okay." ginaya ko yung pagsasalita niya nung tinanong ko rin siya kanina kung okay lang siya. Tumawa lang si Caleb.

"Pasensya napag-usapan pa yung mama mo kanina."

"Wala yun, ano ka ba? Diba napag usapan na natin yun sa Melody of flowers, nasabi ko na yun sayo na tanggap ko na, at okay lang pag-usapan."

Ngumiti siya bago ako inakbayan. "Sigurado akong napakaganda ng mama mo, kasi sabi ni Tita Eve kamukhang-kamukha mo raw siya."

"Nambola ka pa, nanananching ka lang eh." 

Tumawa siya. "Hindi ah! Hayaan mo ng akbayan kita. Salamat nga pala ngayon ah, sumama ka sa bahay at pumayag kang mag dinner kasama kami. Ano nga palang masasabi mo kay Tita Eve?"

"Sobrang bait ng Tita Eve mo, nakikita ko rin sa kanya si Tata Medel ko." 

"Oo nga pala, kailan ang uwi ng Tita Medel mo?" tanong ni Caleb.

"Dapat itong linggo na, pero mukhang hindi matutuloy kasi may inaasikaso pa raw yung team nila, kaya next next sunday pa siya makauwi."

"Ahh. Yenyen ko, thank you ah! Nainis man ako kanina, napalitan naman yun ng saya nang kasama na kita sa bahay, feeling ko mag-asawa na tayo."

"Baliw!" hinampas ko yung hita niya.

"Haha, hindi lang yun. Masaya ako kasi ang daldal mo ngayong araw. Bagong record 'to nu? Dati bilang lang yung mga salitang binibitawan mo pero ngayon.. dinadaldal mo na ko.. Ang daldal mo na!"

Natawa ako "Ayaw mo?"

"Hindi ah! Gusto ko nga eh!" 

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo at narinig ko ang mahina niyang pagbulong.

"I love you Yen.. I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

164 3 22
hindi naman sinasadya na lumingon ako sa side kaya nagtama na naman ang aming mga mata as in konti nalang mag kikiss na naman kami iiwas na sana ako...
2.9K 175 12
Prologue "Sorry Charlotte... may girlfriend na ako.". nilagpasan ko lamang siya. Wala akong amor sa mga babaeng Sige ang habol sa mga lalake...
34.7K 525 27
This is a story that you commonly see in here but i hope you'll gonna like this. I decided na gawin siyang thriller at the same time romance. Ready...
484K 18.8K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...