STEP #8: Magpaganda ka! Baguhin ang hairstyle, mag diet, mag ayos. Ipamukha mo sa kanya na dyosa ka at magsisisi sya.
STEP #9: Bawal maging bitter! Wag kang hugot ng hugot.
STEP #10: Siguraduhin mong handa ka na sa gagawin mong paglimot at ng di mawala sa ewan ang mga steps na 'to.
2 MONTHS LATER
"LESSANDRA!" Tawag ni Jhelyn sa akin.
"O M G!!" napanganga ang reaksyon ni Lara. Pakisarado po.
"Anong nangyari sa buhok mo?" pambungan na tanong ni Emory sa akin ng makita ako.
"Bakit? Di ba bagay?" pabalik ko na tanong sa mga tanong nila.
Summer is up. Third Year is coming. Andito na naman ulit kami sa paboritong tambayan ng CAS Students at kahit Engineering Students o Nursing Students. Maingay na naman ang CAS Park. May mga pamilyar na mukha at may bago rin lalo na ang mga 1st year students.
Sa kabilang banda, nakita ko sina Inna at yung mga kaklase nya na masayang nagke-kwentuhan lalo na yung napaka-daldal nyang kaklase na kung hindi ako nagkakamali ay si Nova ata yun. (A/N: The Post-it Stranger, Post-it 1.) Libre Plug lang. xD
Bagong Semester, Bagong School Year, Bagong Buhay este Bagong Buhok! ^____^
"Naku, bagay na bagay nga sayo ang short hair eh. Ang ganda mo!" puri naman ni Lara.
"Talaga?" Nahihiyang sabi ko.
"Oo naman, mukha ka ng ate ni Dora ngayon. Hahahaha!" pambihirang Emory. Sinaway naman sya nina Jhelyn at Lara.
"Bagay sayo." tanging komento ni Nash.
"Hehehe. Salamat! STEP #8: Magpaganda ka! Baguhin ang hairstyle, mag diet, mag ayos. Ipamukha mo sa kanya na dyosa ka at magsisisi sya." Sabi ko sa kanila.
Nagtawanan naman kaming lahat.
"At dahil new hairstyle ka ngayon, libre libre libre!" Haaayyyy naku Emory! Ikaw ng may hawak ng korona ng mahilig sa libre. xD
Akala nyo magpapabola ulit ako? Syempre.... HIndi! Hahahaha. KKB kami o kanya-kanyang bayad. Hehehehe! Pero ako at si Nash yung naatasang bumili ng pagkain sa canteen. Para lang talagang pag-ibig yan, kahit ayaw mo wala kang magagawa kundi sumunod. HAHAHAHA. Joke lang, Step #9 Bawal maging bitter! Wag kang hugot ng hugot. Hehehehe.
Kakaisip ko ng hugot may nabangga ako habang papunta sa pila. Ayan kasi, sabi ng tigil-tigilan na ang kakahugot eh. Tsssss!
"Ahhyy, sorry!" sabi ko. (*___*)V
"Ayos lang." sagot naman nung taong nabangga ko.
Nung lumingon na sya, pamilyar sya..
"Lessandra?" sabi nya.
Hala, ba't kilala nya ako? May nautangan ba akong nakaligtaan ko?
"Ahhh, hi?!" @_________@
"Hahaha, di mo na ba ako matandaan? Si JM 'to yung kaibigan ni Dimple." pagpapaliwanag nya.
"AAHHHHHHH! Oo, oo. Hello! Sorry ha, may 2 months amnesia na ata ako eh. Hehehe!"
"Okay lang." ngiti nyang sagot.
"Hehehe, sige JM sorry ulit at mauuna na kami ha." pagpapaalam ko.
Pero kaibigan? Diba boyfriend nya ata yun? Hmmm..
"Uy, Lessandra? Ba't tulala ka na naman diyan? Tanong ni Jhelyn sa'kin.
"Hindi mo ba kakainin pagkain mo? Sa'kin na lang yan". Humirit na naman si Emory.
"Ang takaw mo talaga Emory! Ayoko nga, gutom ako no" at binilisan ko ang pagkain nung sandwich na binili ko. Hehehehe!
------------------
BOARDING HOUSE
"Uyyy, Dimple ano may itata..." Di ko natapos ang sasabihin ko sana ng bigla nyang inagaw yung cellphone ko sa'kin.
"May load ka ba Less? Pa'text ako ha," nagpaalam pa sya eh samantalang nag ta'type na ata siya ng itetext nya.
Ako naman na wala ng nagawa.. "Ahh, ohh sige sure."
After 5 minutes. Ibinalik niya na ang phone ko. Di ata nag reply yung tinext nya.
"Sige, salamat Less."
"Sige, sige." Tipid kong sagot.
"Ano na nga yung sasabihin mo sana sa'kin?"
"Ahhh, wala.. Hehehehe!" I decided not to ask kasi parang wala ata sa sarili ang babaeng 'to ngayon.
Itatanong ko lang sana kung kumusta na sila nung boyfriend nyang si JM.
Binasa ko ulit ang " Operation Ibasura na si Jim".
STEP #10: Siguraduhin mong handa ka na sa gagawin mong paglimot at ng di mawala sa ewan ang mga steps na 'to.
It's been 6 months since nag-break kami. Ibig sabihin 3 months of getting off myself away from him. Hindi naging madali, may mga araw na parang gusto ko na lang punitin ang papel. But I decided to stick to Step #10. Ganyan naman talaga ang buhay diba? Walang madali. Lahat ay proseso, lahat dapat may tiyaga.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakangiti.
NEXT DAY.
"Aggghhhh, ba't di ko narinig ang alarm ko?" -____________-
Alas-syete pa naman ng umaga ang klase ko. Number 1 rule pa naman ng professor na yun ang "bawal ma'late" at tsaka first meeting namin 'to for this 1st Semester.
Haaayyy naku Lessandra! Napakabuti mong estudyante.
Late nga ako ng 10 minutes. @_______________________________@
Ninja moves na 'to upang hindi mahalata na late ako.
Nang..
"Oh, good morning Ms. Tizon!" Naku! Patay..
Humarap ako.
"Ahhh, hehehe.. Good morning po Sir Abello. Sorry po, late ako." Nakayuko kong bati kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nya.
30 seconds of silence.
30 seconds rin akong halos di makahinga.
"Go to your seat. And oh, by the way, nice hair. You look good." Aba, naihipan ata ng mabuting hangin ang prof namin sa magandang komento niya.
Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan ko sya na punooooooooo ng pagtataka.
Wait, tama ba 'tong naririnig ko? Hindi ba ako nabibingi?
He's smiling. "Go and sit down." Baka nakatanggap siya ng bonus nung summer kaya maganda mood? Mwahehehe. Swerte ko naman. Salamat sa hair ko. Lol.
Kaya naman dali-dali akong umupo baka kasi magbago pa ang isip nya. Hehehe! Good mood ba sya? Tsaka pinuri nya pa ako. Yessssss! Lusot!
AFTER CLASS.
"Uy, ba't ka ba na'late kanina?" tanong ni Lara sa'kin na ni ako hindi ko alam kung ba't di ko narinig yung alarm ko. Nabibingi na ata ako o yung alarm ko ang nabibingi? @__________@
*Titit! Titit!* (Message Tone daw yan. xD)
Uy may message.
10 Messages Received
Oh wow! Talaga? May nagmamahal pa pala sa'kin. HAHAHA!
Message 1
From: +639201111111
Received: June 14, 2010. 10:05 PM
Who you?
Message 2
From: +639201111111
Received: June 14, 2010. 10:07 PM
Sino ka? Saan mo nakuha ang number ko?
Message 3
From: +639201111111
Received: June 14, 2010. 10:10 PM
Ba't di ka nagrereply?
Message 4
From: +639201111111
Received: June 14, 2010. 11:00 PM
HOOYYY!
And the rest is history.
What the, anong nangyayari. Sino ba'to? Ba't sya nagtatanong kung sino ako samantalang dapat ako ang nagtatanong nyan sa kanya. -__________- Nababaliw na ba ang taong 'to? Ma'replyan ko nga.
To: +639201111111
Hoy ka rin! Dapat ako ang nagtatanong sayo. Text ka ng text sa'kin eh di naman kita kilala. *Beastmode*
Message not sent. Not enough balance. Please reload.
Arrggghh! Kung minamalas ka nga naman oo. Oh load sa'n ka na?
Di ko namalayang kanina pa pala ako tulala.
"Hooyyy Lessandra Tizon!" Sabay may sapak pa ni Lara sa'kin.
"Ha?? May sinasabi ba kayo? Ano ulit yun?"
"Wala wala wala. Tara na nga kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh." Laging gutom talaga ang mga bituka ni Jhelyn kasi paboritong-paborito nito ang canteen eh. "Wala na si Lessandra, dahil umiksi na ung buhok nya umiksi na rin yung pag-iisip nya." dagdag nitong hirit sa akin.
"HMMMPPP! Ewan ko sa inyo. Pero atleast maganda ako. Bwahahahaahaha!" Pagmamalaki kong sagot.
HAHAHAHAHA.