抖阴社区

Upshot: Divulge the Truth (SP...

By onyx_black28

27.2K 562 2

The future may seem bright but little did we know, future is ruined by us. Learning the truth and finding wha... More

PROLOGUE
Chapter I: Gathered Evidence
Chapter I: First Piece
Chapter I: Vivid Dreams
Chapter I: Breakdown
Chapter I: Encounters
Chapter I: First Truth
Chapter I: Pleasure in Pain
Chapter I: Connecting Dots
Chapter I: Partners
Chapter I: Back to Zero
Chapter II: Breakthrough
Chapter II: Revelation
Chapter II: Ruins
Chapter II: Survival
Chapter II: Disconnected
Chapter II: Rescue
Chapter II: Wild Reunion
Chapter II: The Turn-around
Chapter II: Escape
Chapter III: Top Criminals
Chapter III: Reporter
Chapter III: Recovered
Chapter III: Unexpected Visitor
Chapter III: Realizations
Chapter III: Letter
Chapter III: Confrontation
Chapter III: Betrayal
Chapter IV: The Real Plan
Chapter IV: Comeback
Chapter IV: Euphoria
Chapter IV: Total Darkness
Chapter IV: Needed to be Heard
Chapter V: Still Breathing
Chapter V: Before I DO
Chapter V: Best Buddies and More
Chapter V: Last Piece
Chapter V: Husband and Husband
EPILOGUE

Chapter IV: Hidden Lies

249 8 0
By onyx_black28

MALIK'S POV

I have no idea na may ganitong plano pala si Nathan. All this time yun pala ang ginagawa niya sa mga araw na dapat nagpapahinga siya matapos ang aksidente sa may isla.

Kay doctor Henry niya lang sinabi ang plano dahil alam niyang madami ang kukuntra. Ang pagpunta niya sa magulang niya ay kasama sa plano para magpahuli siya. At yun nga talaga ang nagyari. Base sa tracking device niya ay nasa gitna sila ng dagat. Tinignan namin ito sa satellite map at may malaking barko o base ng militar dito na walang nakakaalam.

Nathan had implants sa katawan niya na chip o device kung saan mag-uupload ito ng information sa system nila at ipapakita ang mga detalye na dapat nilang makita and also to let them see the truth.

Kung ano ang ginawa ng Tori-X kina Nathan ay ginawa nila yun sa mga ilang pumasa na militar kung saan lahat ng sinalang nila ay nawalan ng buhay. Yun ang balak ilabas ni Nathan dahil sa loob ng tatlong buwan, nakuha niya ang video footage at documents galing sa kanila at inaantay lang niya ang tamang pagkakataon.

Ang lugar na dinalhan sa kanya ay ang mga kasamahan nung mga namatay sa eksperimento kaya as long as andun si Nathan ay matagumpay itong mag-uupload na kusa basta malapit siya sa mga computers ng lugar na iyon.

Kasama din sa plano nung dumalaw si Nathan sa magulang niya bago siya mahuli. Lingid sa kaalaman nila, nag-iwan si Nathan ng hearing device kung saan pwede naming marinig ang pinag-uusapan nila. Malabong makikita nila ito dahil sobrang liit nito. Dun namin narinig lahat ng kausap ng tatay niya at na trace namin lahat ng nakausap niya simula nung araw na iyon.

For now, matagumpay din ang plano para kay Sean at andito kami sa paligid para magbantay. Ilang minuto na siyang nasa loob hanggang sa may nakita ako na kahina-hinalang sasakyan at mga tao.

Siguro kasama na siguro sa pagiging detective ko na pagkatiwalaan ang hinala ko kaya sinundan ko ang sasakyan na kanina pa umiikot.

Pumasok ito sa loob ng gusali sa may basement kung saan ang parking area. Inantay ko muna ang ilang segundo bago sumunod. Pagkapasok ko, hindi ko na mahanap ang sasakyan dahil sa madami ang nakaparada na sasakyan at sa kamalas malasan madami siyang kapareho na sasakyan. Mabuti nalang at naisaulo ko ang numero ng sasakyan kaya magiging madali sa akin ang pagtukoy dito.

Nakailang ikot ako at dun ko muli nakita ang mga kahina-hinalang tao. Nilampasan ko sila para kunwari magpapark sa dulo. Nakatitig ako sa side mirror at alam ko na nanghihinala din sila sa akin dahil sinusundan nila ako ng tingin.

Nang wala na sila sa paningin ko. Hininto ko ang sasakyan at lumabas matapos magpark. Alam ko na wala akong signal dito sa ibaba kaya hindi ko mababalaan ang kasama ko kung sakaling magkakaroon ng laban o palitan ng bala.

I just saw them na pumasok sa isang pintuan at mga staff lang ang pwede pumasok duon. Oras na para sumunod ako.

"San ka pupunta?" Tatlong baril ang nakatutok sakin habang pinapalibutan ako ng tatlong naglalakihang lalaki.

I don't know kung handa akong kalabanin ang tatlong lalaki pero wala akong choice. Napapaisip ako kung ano ang gagawin lalo na at isang maling galaw ko lang ay sasabog ang ulo ko.

Tinaas ko agad ang kamay ko habang tumitingin ng anggulo para umatake pero mukhang sakto ang dating ni Austin at sya na mismo ang unang nagpaputok ng baril dahilan para maiba ang atensyon nila. Kaya dun ko hinugot ang baril ko at tinamaan ang isa sa kanila.

Sa isang iglap tumba ang tatlo sa huling pagpapaputok ng baril nina Troy at Calvin na kasunod ni Austin. "Thanks!" Saad ko.

"Next time, magdala ka ng kasama." Saad ni Jack na sumulpot mula sa likuran.

"Hoy!" biglang sigaw ko at bigla kaming pinagbabaril ng mga lalaking tumatakbo galing sa lugar kong saan ko dapat sila balak sundan.

Hindi na kami nakaganti dahil pagkalabas namin sa tinaguan namin ay wala na sila at narinig din namin ang umandar na sasakyan.

"Sundan niyo ang sasakyan, titignan ko kung ano ginawa nila sa loob." Sabi ko.

Agad kami kumalos. Maingat padin ako na pumasok sa parang isang electrical room dahil madaming mga wires. Maingat ko na tinignan ang buong silid at may tunnel pa dito paloob na puno ng mga wires at tubo.

Nakaangat padin ang baril ko sa harap just to make sure. Dumating na ako sa dulo at wala naman akong nakitang kahit ano. Nagtataka ako kung ano ang ginawa nila dito. Wala naman akong nakikita na putol na kable o anuman kaya patuloy ako sa paghahanap.

Dumaan na sa punto na paalis na sana ako ng may marinig ako na mahinang tunog galing sa loob ng electrical box.

"Holy sh*t!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakakabit na bomba at nakalagay dito na sampong segundo nalang at sasabog na ito.

Nagmadali ako na tumakbo at tinignan kung saan ko iniwan ang sasakyan. Huli na ang lahat ng maalala ko na yun ang ginamit nina Austin para habulin ang sasakyan.

Tumalikod ako at kasabay nun ang malakas na pagsabog at kita ko ang biglang pagbasag ng makakapal na pader. Dali dali akong pumasok sa fire exit at sinara ito sabay dapa dahil yumayanig ang paligid kaya tinakpan ko ang ulo at inantay na tumigil ang pagyanig.

Eto na siguro ang pinakaligtas na lugar dahil walang nabasag at walang debre na nahuhulog. May hagdanan pataas mula itaas ay walang bumagsak. I can still hear ang sunod sunod na pagsabog sa labas dahil sa mga sasakyang kinakain ng apoy. Minabuti ko nalang na umakyat pataas at maghanap ng daanan palabas.

Sa unang akyat ko na palapag ay hindi ko mabuksan ang pintuan. Mukhang may humaharang dito na bumagak na mga pader kaya ayaw bumukas. Sinubukan ko naman sa itaas pa na palapag hanggang sa mabuksan ko na ang pintuan.

Maayos ang palapag na ito at mukhang kaunti lang ang natamo na sira mula sa pagsabog. "Tulong!" May naririnig ako na boses ng isang babae.

Agad akong tumakbo para lumapit sa kung saan nanggagaling ang sigaw. Pagbukas ko ng pintuan, naabutan ko ang isang lalaki na may nakabaon sa hita niya na malaking basag na salamin na walang malay at isang babae na nakaipit sa bumagsak na kabinet.

Agad ko siyang tinulongan at mabuti naman at wala siyang kahit anong basag na buto.

Continue Reading

You'll Also Like

165K 6.2K 56
Warning: Mature Content|R-18|SPG(BxB) Quill Agu铆re, a well known business man who supplies expensive kind of wine to the entire philippines and other...
87.8K 1K 43
RE-PUBLISH! COMPLETED! 馃敒 饾棯饾棓饾棩饾棥饾棞饾棥饾棜 娄 饾椇饾棶饾榿饾槀饾椏饾棽饾棻 饾棸饾椉饾椈饾榿饾棽饾椈饾榿; this explicit and sensitive content does not allow young audiences, espe...
152K 4.4K 74
庐+18 BL NOVEL COLLECTION #1: All I Ever Need [COMPLETED] This is my first BL erotic novel! And if you are too sensitive or doesn't prefer reading a...
5.7K 231 47
There are always three sides of the story --- mine, yours and the truth. This book covers Mac's perspective and what's really running through his hea...