抖阴社区

The Search for the Bride (Com...

By iamMerzi

246K 4.6K 104

"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen... More

SYNOPSIS:
PROLOGUE.
Chapter 1: First Encounter.
Chapter 2: That Day
Chapter 3: That Jerk!
Chapter 4: Little Revenge
Chapter 5: Registration.
Chapter 6: Call of Nightmare.
Chapter 7: Challenge Accepted
Chapter 8: Meet the Contestants
Chapter 9: Let the games begin!
Chapter 10: First day. (Sixth Week!)
Chapter 12: 2nd Day Part 2 (The Exes)
Chapter 13: 3rd Day (Reflection of the Past)
Chapter 14: 4th Day (Period)
Chapter 15: 5th Day (He's Back) Part I
Chapter 16: 5th Day (Mahiwagang Itlog) Part II
Chapter 17: 6th Day (Sick Liar)
Chapter 18: 7th day (Farewell)
Chapter 19: Avoidance.
Chapter 20: Badtrip!
Chapter 21: Shit Happens (Part I)
Chapter 22: Shit Happens (Part II)
Chapter 23: Vague thoughts
Chapter 24: New Kid
Chapter 25: The Announcement
Chapter 26: Kurt's Decision
Chapter 27: That Awkward Moment
Chapter 28: Take a chance
Chapter 29: Happy Together!
Chapter 30: Shit happens
Chapter 31
Chapter 32: Hindrance
Chapter 33: Doubt
Chapter 34: Plans
Chapter 35: Her Decision
Chapter 36: Downside
Chapter 37: Lover's Quarrel
Chapter 38: Second Thought
Chapter 39: Kelly's Birthday (Part 1)
Chapter 40: Kelly's Birthday (Part 2)
Chapter 41: Her Wedding Day (Part 1)
Chapter 42: Her Wedding Day (Part 2)
Chapter 43: The Aftermath (Part 1)
Chapter 44: The Aftermath (Part 2)
Chapter 45: Her Last Resort
Chapter 46: Downfall
Chapter 47: Life Must Go On
Chapter 48: Pain
Chapter 49: His Wedding Day
Chapter 50: The Comeback
Chapter 51: Better or Bitter
Chapter 52: Harsh
Chapter 53:
Chapter 54: Always
Chapter 55: Sorry
Chapter 56: Confrontation
Chapter 57: Second Time Around
Chapter 58: Search for the Bride Version 2.0
Chapter 59: Search for MY Bride
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 11: 2nd Day (Pouring Rain)

4.6K 90 6
By iamMerzi

| KELLY'S POV |

 

Tuesday. 5:13am.

*Blink Blink*

Parang ayoko nang umalis pa dito sa kama ko... Ang lamig sa kwarto ko... Ramdam na randam ko yung lamig ng aircon. Para akong nakamagnet sa kama. Waaaah!! Ayoko nang tumayo dito. Ang sarap matulog...

"Miss Kelly... Gising na po kayo..." Rinig kong nagsalita ulit si Ate Maya.

"5 minutes pa po...."

Actually, Kanina pa talaga nila ako ginigising. May dalawang maids ngayon sa kwarto ko at ginigising nila ako sa aking masarap na pagtulog :(

Narinig ko nagsara ang pinto... Lumabas yung mga maids. Wahahah! Makakatulog pa ako ulit :3

-_________- zZzZzZz...

Narinig ko na namang bumukas ang pinto... Err, Gigisingin na naman ako ng mga katulong -.- Ano ba yan. Di pa nga ako nakakatulog eh!

Naramdaman kong may humawak sa braso ko...Tapos bigla akong inuga-uga..

"Ate Maya...5 minutes pa...Di pa nga ako nakakatulog ulit eh..." Pagrereklamo ko.

Lalo pa akong inuga-uga nung may hawak sa akin... Grabe! Ang lakas naman ni Ate Maya. Pffft >.<

"KELLY. WAKE UP. NOW." O_____O Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin.

K-KURT?!?! >/////////<

"WAAAAAAAAAAH!!!!!" Sigaw ko.

"WAAAAAAAAAAH!!" Sigaw din niya.

"Bakit ka sumisigaw?!?!" Pasigaw kong tanong.

"Eh sumigaw ka eh!!" Pasigaw din niyang sagot.

"Abnormal!!" Sigaw ko.

"Mas abnormal ka!" Pagsusungit niya.

"Eh ikaw eh!! B-bat ba k-kasi ganyan ang suot mo?!" >/////< Ugh. Ano bang pumasok sa utak niya?! Bat siya pumasok sa kwarto ko nang nakatowel lang? Basa pa buhok niya, Halatang bagong ligo... Ermergerd. I can see his pandesal :O *Droooools!!* A-Ang hot lang kasi niya eh...

Bwisit!! Scumbag brain!! Ano bang pinag-iisip mo, Kelly? Mandiri ka nga!! Ewww, Fantasizing over that guy. Pwe!

"Eh kasi dumaan ako dito para i-check kung nakaready ka na, And to my surprise! Tulog ka pa pala!"

"Ang aga pa kaya!"

"Kelly, It's already 5:30, Babyahe pa tayo."

"Oo na, Oo na! Eto na nga eh, Babangon na!" Sabi ko sabay tayo at nagdabog papunta sa cr. Argh!! Kainis talaga yung lalaking yun! >.< Makaligo na nga!

****

| KURT'S POV |

Ang tagal naman ni Kelly maligo! Natapos ko nang sagutan tong homework niya sa trigonometry, Wala pa rin siya. -_- Ang bagal!

Pumunta ulit ako sa kwarto niya para i-check kung tapos na siya. At hindi pa rin pala siya tapos -.- Tsss. Nilagay ko na lang yung notebook niya sa loob ng bag niya tapos bumaba na rin ako. Mauuna na nga ako mag-almusal.

Pagbaba ko, Sabi ni Francis, Bodyguard namin ni Kelly, na umalis na daw si dad. Pumasok na daw sa trabaho.

Maya maya lang bumaba na rin si Kelly, Salamat naman at natapos na rin siya -__-"

Sumubo lang siya ng konting pancakes, Tapos uminom ng gatas.

"Tara na!" Pagyayaya niya.

Umalis na rin kami kaagad kasi baka malate pa kami.

*

*Sa sasakyan*

Tahimik ang byahe. Walang nang-aaway. Tulog na tulog tong babaeng to oh. Akala mo puyat na puyat.

"Kelly!"

"....." Aba, Tulog talaga.

"Pst! Kelly!" Sabi ko sabay kalabit sa kanya.

"mmmmm?" Inaantok niyang sagot.

"Puyat ka ba kagabi?"

"mmmmmm..." Psh. Walang kwentang kausap.

"Hoy, Kelly, Ginawa ko homework mo sa Trigo, May kapalit yun ah!"

"....."

Psh. Tulog na tulog talaga oh! Napatingin ako sa kanya... Dapat lagi na lang siyang tulog para hindi siya sigaw siya ng sigaw. She looks better that way.

*

| KELLY'S POV |

"Kelly!" Narinig kong tinawag ako ni Kurt. Pero inaantok pa rin ako... Nakapikit lang ako. Kalahati ng diwa ko tulog na.. -____-

"Psssst! Kelly!" Ano bang kailangan niya? Bat niya ako tinatawag?

"mmmmmm?" Sagot ko.

"Puyat ka ba kagabi?" Tanong niya.. Wala ako sa mood sumagot..

"mmmmmm..." -_____-zZzZzZz...

"Hoy Kelly!! ASDFGHJKLZXBNM...." -____- ZzZzZzZz...

**

Normal naman ang takbo ng araw ko ngayon, Sabay kami pumasok ni Kurt, Pinagtingginan na naman kami. As usual. Pero okay naman, I mean, Wala, Normal ang lahat ngayon.

At andito ako... Aantok antok sa Filipino subject namin. -__- Ugh. El Fili ang topic ngayon at lalo akong inaantok... Kainis naman kasi eh. Di ako nakatulog ng maayos kagabi... Kakaisip sa kalokohang sinabi ni Kurt kagabi.

"Sabi mo kasi...Naiilang ka, na maraming tao ang tumitingin sa atin, Kaya hinawakan ko ang kamay mo para mabilis tayong maka-akyat papunta sa room... Well, Sorry..."

Bakit niya sasabihin yun? I mean, Knowing Kurt ha, Hindi naman siya yung tipo ng tao na magmamalasakit sa akin -__-

NAKO KELLY HA! DON’T TELL ME KINILIG KA SA SINABI NIYA! NOOOOO!! NAGSABI LANG NG SWEET, ILANG MINUTO LANG KINILIG AGAD? ANO YAN, MINUTE TO WIN IT? -_-“ NO!! NO!! NO KELLY!!

ANYWAY! Bakit ko ba pinoproblema yun? -___-"

*Tok Tok* May biglang kumatok sa room namin. Binuksan naman ng teacher namin yung pinto....

"Uy!! KURT!!!!" Sigaw ng isa kong kaklaseng babae.

Ano namang ginagawa ni Kurt dito? Di ko siya makita eh, Nasa huling row kasi ako nakaupo eh.

Napansin kong pumasok siya ng konti...

"Ms. Cristobal, May I excuse Kelly Torres." Wika niya.. Nagtinginan yung mga kaklase ko sa akin

AKO? Ano na namang trip to? -.-

Nag-usap sila ni Ms. Cristobal (Filipino Teacher namin). Maya maya lang biglang pumasok si Kurt sa room namin.

Hi Kurt!!

Hello Kurt!! Pogi mo!!

Kurt!! Pansinin mo naman ako!! Hiyawan ng mga kaklase ko.

Okay. Tingin pa lang niya, Na-sense ko na na papunta siya sa upuan ko. Nako!! Kurt! Gawa ka pa ng eksena! -__-"

Tumigil naman siya sa harap ng upuan ko.

"Ano na naman?!" Naiirita kong tanong.

"Aalis tayo." Kinuha naman niya bigla yung bag ko.

"Uy!! Akin na nga yan!!" Itinaas niya yung kamay niya, Psh! Bwisit! Di ko maabot! Ano na naman ba kasing kailangan niya sa akin?

"Kumalma ka nga!" Utos ni Kurt. Sumunod naman ako. Ano? Parang aso lang -_- Nakita kong may hinahalungkat siya sa bag ko. Err!! Pakialamero!!!

Nilabas niya bigla yung trigonometry notebook ko. OH SHIT!!! YUNG HOMEWORK KO T___T Di ko nga pala nasagutan kagabi.

"Miss.." Sabi niya sa katabi ko, Si Jonah, (Hindi si Cheska ang katabi ko dahil nagbabago kami ng seating arrangement kada subject)

"B-Bakit?" Nangingislap pa mata ni Jonah oh!! Grabe!

"Pakisabi kay Mr. Salvador (Teacher namin sa Trigo) na may homework si Kelly. Ikaw na lang ang magpacheck ha. Aalis kami ni Kelly. Salamat." O_____O LAKAS NG TOPAK NI KURT!! Eh hindi niya nga ako tinulungan kagabi eh!! Akala niya nasagutan ko na?!

"Hoy! Hindi pa---" Bigla na namang niyang hinawakan ang kamay ko. What the...

"Thank you Ms. Cristobal, And Sorry for disturbing your class." Sabi ni Kurt, Sabay hila sa akin palabas ng room.

"Kurt!" Sigaw ko pagkalabas na pagkalabas namin sa room. Binitawan din niya agad yung kamay ko...

"Saan ba tayo pupunta?! Ang gulo mo naman! Bigla bigla kang pumapasok sa klase ko." Psh. Badtrip! Ginagawa niya kung anong gusto niya!

"Alis tayo..."

"Saan nga?!"

"Kahit saan."

"Nababaliw ka na ba Kurt?! Ano na naman bang trip to?"

"Samahan mo ako." Utos niya.

"Saan nga?!" Ugh! Unli? Paulit ulit?!

"Hindi ko pa nga alam. Basta samahan mo ako."

"Bakit ako?! Hindi ka na lang magtawag ng mga fan girls mo o kaya si Alex o si Sander na lang isama mo!"

"Please." Yung mga mata niya...Nakiki-usap. Err! Ano ba! Bat ang irresistable ng mga mata niya @____@

"Fine!!" Napangiti naman siya sa sagot ko.

"Ayyy!! Wait lang!!" Sigaw ko.

"Wag ka sumigaw! May nagkaklase!"

"Ayy! Hehehe. Sorry." Okay! Ako na ang maingay. XD

"Ano? Bakit ka nagwewait?"

"Wala pa kasi akong homework!!! Adik ka! Mamaya i-check nga ni sir yung notebook ko! Wala yung sagot! Baliw! Teka, Babalik ako sa loob para kunin yung notebook ko." Naglakad na ako pabalik sa room...

"Sinagutan ko na yung homework mo." O___O

"Ha?"

"Ang sabi ko, Sinagutan ko na yung homework mo."

"Lokohin mo lelang mo! Eh ang damot damot mo nga eh!! Ayaw mo akong tulungan kagabi!!"

"Psh. Sinagutan ko na nga yung homework mo! Di ka ba nakikinig sa akin kanina?"

"Kelan?" O___O Sinagutan niya talaga yun?!

"Tsss. Ano ba yan, Kelly! Ang bopols mo naman! Kanina! Sa sasakyan! Papunta dito sa school, Sabi ko sinagutan ko na homework mo kaya may kapalit yun!"

"Maka-Bopols ka naman! Talaga? Hindi ko matandaan! Eh? Baka naman kasi tulog ako nung sinabi mo yun!"

"Ewan ko! Basta sinabi ko sayo kanina eh."

SERYOSO TALAGAAAA!? SINAGUTAN NIYA HOMEWORK KO?! WAHAHAHAHA \:D/

"Teka, Eh kelan mo sinagutan yun?!"

"Kaninang umaga nung inaantay kita matapos sa pagligo. Ang tagal mo kasi eh! Nasagutan ko na homework mo, Di ka pa rin tapos! Ano ba kayong mga babae? Ano bang ginagawa niyo sa cr?!"

"Eh di naliligo! Ano pa bang gagawin namin? Pero...ano...Thank you ha... Ikaw ha!! Kunyari ka pa! May malasakit na naman pala sa akin!" Ahihihi :)))

"Hoy, Hindi ah! May kapalit kasi yun!"

BWISIT! AKALA KO BUMAIT NA SIYA KAHIT 1% LANG EH! HIHINGI LANG PALA NG KAPALIT!

"Tsss. At ano namang kapalit aber?!"

"Aalis nga tayo!"

"Sus! Aalis lang pala eh! Oh Tara!"

"Tignan mo, Kanina nag-iinarte ka pa dyan."

"Eh syempre! Wala akong alam sa mga nangyayari!"

"Tssss."

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, Pero sumama na ako. Nyahaha! Tutal naman aalis lang naman ang kapalit ng pagsagot niya sa homework ko XD

Nasa sasakyan kami ngayon...

*Riiiiiiing!! Riiiiiiing!!*

Nakita kong kinuha ni Kurt yung phone niya sa bulsa niya...

"Hello?....Yes dad...Sige po...Ahhh. Okay...Sige po...Bye Dad." Wika niya.

Hmmmm.. Si Tito John pala yung tumawag...

"Kuya Robert (Driver namin), Wag na po tayo dumiretso sa bahay, Sa base na lang po tayo."

BASE?? SAANG BASE? ANONG BASE? SUPER…BASE? HAHAHAHA! WEEEEEH!! CORNY!!! -.- SUPER BASS YUN EH!! >.<

Hindi na lang ako nagtanong, Makikita ko naman yun mamaya eh. :)))

*

Maya maya lang, Andito na kami sa....Base? Eto nga ba talaga yun? O____O

"Uhm, Kurt... Dito mo ba talaga gusto pumunta?"

"Mag-antay ka lang."

Eh paano naman kasi eh, yung base na sinasabi ni Kurt ay isang malaking malaking lupain. I mean, Para siya golf course... Alam niyo yun? Yung madamo! Ano namang gagawin dito? Magpipicnic?!

"Magpipicnic ba tayo?" I curiously asked. Nakita kong napangiti si Kuya Robert (Driver namin) Pati si Kuya Francis (Bodyguard namin) May nakakatawa ba sa sinabi ko? -__- Eto namang si Kurt, Poker face lang.

Ano to? Tatayo lang kaming apat dito? -___-"

Maya maya lang... Lumakas ang hangin!!! What the f*ck, Hurricane?! Tapos ang ingay ingay. Tunog ng elisi... Ang lakas. Napapikit lang ako habang nakahawak sa tenga ko. Sobrang ingay kasi at lakas ng hangin...

>____O Sumilip ako sa kung anong nangyayari....

O______O M-May Helicopter!!!!! :O Anyare? Naglanding ang helicopter right in front of my eyes :O Totoo ba to?! This is just too good to be true :O

Binuksan ni Kuya James yung pinto ng helicopter....

"Tara..." Pagyaya ni Kurt

"Sasakay tayo dyan?!"

"Ay Hindi! Tititigan lang natin yung helicopter!" Psh! Pilosopo!

"Psh!" Naglakad na siya papasok dun sa helicopter, Sumunod naman ako... I CAN'T BELIEVE IT!!! SASAKAY AKO SA HELICOPTER!!! WAAAAAAH!!!! \:D/

May pinasuot sila sa akin na headphone... headphones nga ba ang tawag dito? Itsurang headphones eh? O.o Para daw hindi sumakit ang tenga ko sa air pressure. Ganon din si Kurt....

"Mr. Kurt, We will arrive in Batangas in just 15 minutes." Sabi nung pilot...

WADAPAK! Sa Batangas lang naman ang punta namin naghelicopter pa kami?! Pwede naman kami magbus! o magkotse na lang?!

"Bakit naka-helicopter pa tayo?!" Tanong ko kay Kurt

"Kasi nandun na yung mga pinsan ko. Kailangan natin magmadali sabi ni dad."

So..I-memeet namin yung mga pinsan niya?!

**

At after 15 minute ride papuntang batangas, Andito na kami sa rest house nila Kurt.

O_______O Ang ganda dito :3 Simple lang yung bahay :3 Tapos nasa tapat ng parang river :O

"Kurt..." Sabi ko habang papasok kami dun sa bahay.

"Bakit?"

"Hmmm... Hanggang kailan tayo dito?"

"Hindi ko pa alam eh. Pero baka mga mamayang gabi umuwi na rin tayo. Hmm. Depende..."

"Ahhhh." Hihihi. May time pa ako para enjoy-in yung lugar. Wahahaha :3

Nasa living room kami ngayon... Sinusundan ko lang si Kurt kung saan siya pupunta? Pffft. Para naman akong aso nito -.-

Hahahahaha! You must be kidding!

 

O_____O May nagsalita!! :O May tao na ba dito?!

At ayun nga, Pagpunta namin sa dining room, May tao. Dalawang babae at dalawang lalaki. O.o

"KUUUUURT!!! Finally, You're here!" Sabi nung isang babae na parang medyo mas matanda sa amin ng konti.

Nagyakap naman si Kurt pati yung babaeng yun.

"Hahaha! We've been waiting for you! Akala namin di ka matutuloy!" Sabi nung lalaki na parang kasing age lang namin.

"Oo nga insan! Buti tumawag si Tito at sinabing papunta ka na." Sabi din nung isa pang lalaking ka-age lang namin.

Nag-uusap usap sila.. At nakatayo lang ako dun sa gilid -_- Bat pa kasi sinama ako nitong mokong na to.

"Oh Hi There! Are you Kurt's girlfriend?" Late kong narealize na ako pala yung kausap nung isa pang babae na parang kasing age lang din namin.

"Ahhh--N-No. Hindi po! Hindi ko siya boyfriend!"

Napatingin naman sila kay Kurt na para bang nanghihingi ng explanation.

"She's....Uhm.." ANO?! BAT NAGIISIP PA SIYA?! -__-" HINDI LANG NAMAN ANG SAGOT!

"Okay! Okay! No need for you to answer! Hahaha! Kids today!" Sabi nung medyo mas matanda sa aming babae.

ANO YUN?! ANO SA TINGIN NILA? Girlfriend ako ng mokong na yun? Ewwww! NO WAY!!

"Ipakilala mo naman kami, Kurt!" Sabi nung isa pang lalaki.

"Guys, This is Kelly, Kelly, This is Ate Rina, She's 19 years old (Ahhh, So eto yung babaeng mas matanda sa amin.), This is..Lianne, 16, This is Jeffrey (Yung lalaking brown ang buhok) And this is Harold. They're also 16. Mga pinsan ko sila. They just arrive here from Los Angeles." AHHHH. NOW I KNOW. May mga dugong porindyer pala tong mga to :O

"By the way Kurt, Hindi naman kami magtatagal dito sa rest house. Aalis din kami mamaya after natin magdinner."

"Ha? Bakit?"

"Nakapagpareserve na kasi kami ng hotel. They are expecting us tonight. We have to be there or else macacancel booking namin."

"Eh bakit hindi na lang kayo magstay dito?"

"We still want to go to Laguna and Tagaytay eh. You know, Ilang years din kami nawala. Hahahaha! Dont worry, By next next week siguro pupunta rin kami sa bahay niyo. We just really want to spend time with you right now. Kaya ka namin pinapunta dito."

"Mga loko kayo! Pupunta rin pala kayo sa bahay, Pinapunta niyo pa ako dito." Pagsusungit ni Kurt.

Tapos nagpaluan silang magpipinsan. Hahaha! Ang kulit nilang magpipinsan. :))) Kaya lang, Dapat talaga hindi na ako sinama ni Kurt -__-" Family get together to eh. Nakaka-OP tuloy. Nakaupo lang ako dito sa dining table habang nag-uusap sila.

Lumabas muna ako sa dining room, I'm pretty sure hindi naman nila napansin na umalis ako, Lumabas muna ako sa bahay tapos pumunta ako dun sa riverbank :3 Grabe, Ang presko presko ng hangin dito. Di katulad sa manila, Puro pollution! -.-

*Pikit sabay feel ng hangin* Hmmmm, This is life!!! Drama on!

"Hoy!!"

"Ayy! Anak ng kabayo!" Bigla akong napadilat sa gulat. Ano ba yun? Napalingon naman ako dun sa nag-hoy..

"Ate...Rina?" Umupo siya bigla sa tabi ko.

“Bakit pumunta ka dito sa labas?”

“Ahh—Ehhh, Wala lang po. Hehehe.”

“Pasensya ka na kung medyo na-OP ka sa loob, Namiss lang kasi namin si Kurt, Tagal na kasi naming di nagkikita eh.”

“Okay lang po.” Simple lang si Ate Rina, Normal teenage girl. Medyo matangkad siya ng konti sa akin. Pero, Gustong gusto yung long black silky hair niya, Ang ganda *u*

“Kelly, You must be one of those contestants..”

“Uhm—Ano, Opo.”

“Alam mo… Nung mga bata pa kami, Galiiit na galit si Kurt kay Tito John dahil nga alam niya na dadating tong time na to, Dumating pa nga sa panahon na nagkaroon siya ng girlfriend, Inisip na, Baka yun na yung pagkakataon niya para makatakas sa contest na yan.” O___O So ibig sabihin… Ayaw din ni Kurt tong contest na to?

“Uhm—Nagkagirlfriend po si Kurt?”

“Yes, If I’m not mistaken her name is Bea. Kaso she died in an accident.” :O WAAAAH!! Kawawa naman pala si Kurt :O

“Hala! Bat po siya naaksidente?”

“One night, Ihahatid na dapat ni Kurt si Bea sa kanila, Ang kaso, Itong si Kurt, tumakas dala dala yung sasakyan, marunong naman magdrive si Kurt, pero sa kasamaang palad, Nawalan ng controls yung sasakyan. Nabangga sila. Dead on arrival si Bea nung dinala sa hospital.”

“Hala!! Kawawa naman po pala si Kurt!!”

“Oo nga eh. After that incident, Nagbago si Kurt. I mean, masayahin talaga yang si Kurt, puro kalokohan, alam mo yun? He’s just like any other boys. Pero nagbago siya, Naging tahimik, galit na galit ng si Tito John kasi nakakulong lang yun sa kwarto niya. Halos hindi na siya pumapasok sa school. Mabuti nga ngayon, medyo okay na siya. Mabuti na nga lang, andyan yung mga kaibigan niya na sina Alex at Sander para kumbinsihin siya na magsimula ulit.” O___O Now I know, May dahilan pala kung bakit ganon si Kurt, minsan magaspang ang ugali.

“Kaya Kelly…”

“Ano po yun?”

“Kung sakaling ikaw ang mapili, Mahalin mo si Kurt ha, Kailangang kailangan niya yun..”

“N-Nako, Ate Rina.. Kasi ano po.. Hindi ko naman po talaga balak sumali sa contest na to eh, kaya lang po kasi napilitan lang po ako dahil sa bestfriend ko.”

“Ay! Ganon ba? Psh, Sayang naman! Pero basta! Kahit sana sa isang linggong magkasama kayo, Sana maging okay kayo.”

*Splick* (Pwede ba tigilan niyo ako readers, Walang kokontra, Tunog to ng tumalsik na tubig.)

Ayyy, Laway? Tumalsik? Hinipo ko yung mukha ko, May basa… Tumalsik na tubig mula sa kung saan.

“Kelly, Nafefeel mo bay un?” Tanong ni Ate Rina sa akin.

“Ano po yun?” O__O May third eye ba tong si Ate Rina? Anong nafefeel?!

“Umaambon ba?” Sabi niya habang nilalahad niya yung palad niya… Akala ko naman kung ano! Ambon lang pala. Oo nga no? Parang umaabon…

Maya maya pa, Unti unti nang bumuhos ang ulan… Nagtakbuhan naman kami ni Ate Rina papasok sa rest house.

“Saan ba kayo galing na dalawa? Bat ba kasi kayo nasa labas? Psh.” Tanong ni Kurt

“Girl talk!” Sabi I Ate Rina sabay dila kay Kurt.

****

Kakatapos lang naming magdinner, Eto sina Ate Rina nag-aayos na ng gamit kasi pupunta na daw sila sa hotel nila. Psh. Sayang naman, bat di na lang sila magstay dito? -__-

“Sigurado ba kayong aalis pa kayo?” -Kurt

“Oo nga, Kurt.” –Ate Rina

“Lakas kaya ng ulan oh.” –Kurt

“So? Nakasasakyan naman kami eh!”

“Psh.”

Tama nga, Lakas ng ulan, parang may bagyo. Gara naman, ang ganda naman ng panahon kanina eh, tapos biglang umulan. Weird!

Hindi namin napigilan sina Ate Rina sa pag-alis. Hayun at umalis na nga. Nagpaalam naman sila isa isa sa amin tapos umalis na sila, mabuti nga at may sasakyan sila para hindi na sila mahirapang magcommute.

Andito kami ngayon ni Kurt sa living room. Kasama pa rin naman naming si Kuya Francis at Kuya James (Mga bodyguard)

“Tsk. Tagal tumila ng ulan.”

“Oo nga eh.”

*Riiiiiing Riiiiiiing*

Phone ni Kurt yun! Di ako nagkakamali! Oha! At tama ako, kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya tapos sinagot.

“Hello?....” Mahabang katahimikan, para bang pinakikinggan niyang mabuti yung kausap niya…

“WHAT?!” Shit na malagkit! Nagulat naman ako, biglang sumigaw tong si Kurt! Intense ang nararamdaman?!

“Pero dad…Ugh, Fine....Teka…” Bigla niyang iniabot sa akin yung phone niya… Kinuha ko naman, Hmmm, Bat naman ako kakausapin ni Tito John?

“Hello…”

Kelly? Iha, Pasensiya ka na ha.

“Bakit po?”

Eh kasi, tinanong ko yung piloto kung pwede na kayong sunduin diyan, Sabi niya sa akin hindi daw kakayanin dahil napakalakas ng ulan, Eh kung magsasakyan naman kayo, naisip ko na delikado na sa daan at gabi na. Kaya bukas ko na lang kayo ipapasundo diyan ha?

“PO?! BUKAS PA PO?!” I’M ALONE WITH THIS MOKONG?!?!?!

Oo, Pasensya na Kelly ha, Pero iniisip ko lang ang safety niyo ni Kurt. Don’t worry bukas, Ipapasundo ko agad kayo.

“S-Sige po tito.” -____-“ WAAAAAH!! ANO BA!!!!! BAKIT!??!?!?

And by the way Iha, Maghiwalay kayo ng kwarto ni Kurt ha, BEHAVE! Sabi ni tito, Inemphasize pa niya yung word na “BEHAVE” Like ewww! No way!! Hindi naming gagawin yung iniisip niya no!

“Opo, Tito John.” Inaabot ko ulit kay Kurt yung phone.

WAAAAAAH!!! BAKIT NAMAN KASI?!?! WHY!!! BAKIT UMULAN PA NG PAGKALAKAS LAKAS?! T________________T

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 40.9K 103
What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a Relationship with? A total Strangers or...
473K 5.4K 40
Tinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm"聺 Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious L...
163K 2.6K 76
Ailee Cernon doesn't really know the meaning of the word LOVE. Maybe because her mom left them when she was thirteen. She doesn't believed that LOVE...
716K 17.1K 36
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit ano...