EPILOGUE
TAHANAN BY NICA DEL ROSARIO
NASA El Nido kaming dalawa ni Noah para magbakasyon ng ilang araw. Medyo nakakapagod na din kasi sa Manila. Lord binabawi ko na 'yong sinabi kong ready na ako maging alipin ng salapi, ayoko na ulit mag-work. Gusto ko na lang ulit mag-aral. Parang sumasahod lang ako buwan-buwan para magbayad ng bills.
"Baby," Nabigla ako noong kinalabit ako ni Noah na katabi kong matulog sa kama.
"Hmm..."
"Gising ka pa?" Tanong niya sa akin. Ano na naman ang trip nito sa buhay? Anong oras na kaming nakauwi kanina dahil sumama kami sa island hopping kanina. May mga isla pa kasing hindi napupuntahan si Noah na gusto niyang makita. Ito, ang ending ay pagod na pagod ako. Hindi makakilos mag-isa, parang baldado.
"Tulog na. Kanina pa." Inaantok kong sagot dahil nakakakuha na ako ng tulog kanina, eh. Bigla niya lang akong kinausap.
"Huwag ka muna matulog, Kelvs." Sabi niya.
Humarap ako sa kaniya at inis siyang tiningnan. "Ano na namang trip mo sa buhay? Kapag may gusto ka na naman gawin ng dis-oras ng gabi ay bibirahin talaga kita." Banta ko sa kaniya.
Paano ba naman, may time na bigla niya ako ginising ng hating-gabi... mag-scooter daw kami sa BGC, masaya raw 'yon. Ayon dumayo pa kami ng BGC para lang mapagbigyan siya. May time naman na ginising niya ulit ako ng alas-onse ng gabi, mag-Stargazing daw kami sa Antipolo... ayon, nag-glamping naman kaming dalawa sa Antipolo. Ang hilig niya sa mga spontaneous trip, ewan ko rin ba sa sarili ko dahil lagi ko naman siyang pinagbibigyan.
"Huwag ka muna matulog." Sabi niya at binuksan ang laptop.
"Ano 'yan, movie night?" Tanong ko at umupo sa kama.
"Lumabas na 'yong result ng Board Exam. I am kabado." Nawala rin ang antok ko. Maging ako ay kinabahan para sa kaniya.
Ginawa nga ni Noah na pagka-graduate niya ay nag-take kaagad siya ng board exam. Puspusang aral ang ginawa niya dahil dalawang review center ang ina-attend-an niya, pagkatapos no'n ay nag-aaral pa siya sa bahay, tapos bumibili pa siya ng mga kung ano-anong materials online na makatutulong sa pagre-review niya. Hinayaan ko nga siyang maging makalat sa kuwarto kahit iritang-irita 'yong mata ko dahil organized mess daw 'yon. Ang daming alam.
Tapos nagpahula pa 'yan sa Quiapo kung papasa siya, ang hula ay hindi. Ayon nagmukmok ng isang buong gabi.
"Check mo na." Umupo ako sa tabi niya at in-open niya ang browser para ma-search 'yong list ng mga passer.
"What if I don't pass?" He asked me at ramdam ko ang pagkuyakoy ng kaniyang binti. Halatang kabado nga siya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "E 'di bawi next year. Ang dami rin naman na hindi pumapasa ng first take lang. There is always next year." I smiled
"Hindi mo ako iiwan kahit bobo ako?" He asked sa pabebeng tono. Sarap tadyakan.
"Noah, nakilala kitang bobo. Matagal na kitang tanggap na ganyan ka." Sagot ko sa kaniya at bahagya akong natawa. "Check mo na 'yong site."
Nag-i-scroll na siya sa listahan ng mga pasado. Nag-i-scan siya mula sa letter A hanggang papunta sa letter F. "I can't. Fuck. I am nervous." Sabi niya at tumayo. Nagtatalon-talon siya para mawala ang kaba sa katawan niya.
"Gusto mong ako ang mag-check?" Tanong ko sa kaniya. Moment niya 'yan, eh. "Ganito na lang, kapag wala 'yong pangalan mo dito ay bili na lang tayong ice cream sa labas."
"Okay, deal. Ikaw na baby ang tumingin." Ramdam ko ang kaba kay Noah
Fatima...
Fajardo...
Inisa-isa ko lahat ng apelyido sa letter F. Napabuntong hininga ako dahil dalawang beses ko pang inulit i-scan.
"Tara bili na lang tayo ng ice cream. Samahan na natin ng donut." Sabi ko at tumayo.
"I didn't make it?" Tanong niya sa akin at hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano ipaparating sa kaniya ang balita. He sighed. "Sabi ko na nga ba. Bawi na lang ako next year. Maghanap na lang ako ng work na kahit hindi board passer tatanggapin."
"Tara na bili tayo ng ice cream para mag-celebrate." Napatigil siya ng ilang segundo at hindi ko na kinaya dahil napangiti na ako. "Pasado ka, Noah! Pasado ka!"
"Pasado?" He looked so shocked ati umupo muli sa harap ng laptop. "Faustino... Noah Mikael." Pagbasa niya at napatingin siya ulit sa akin. "Kelvs, nandito 'yong pangalan ko." Tumango-tango ako. "Pasado ako! Pasado!"
Para kaming tanga na magkayakap habang nagtatalon-talon. "License Engineer na ako." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Noah at napangiti naman ako. Deserved niya ng Ice cream at donut, he worked hard for this one.
Nagulat kaming dalawa noong makarinig kami ng katok mula sa pinto. Binuksan ko at tumambad ang mukha ni Ate at nila Papa.
"Jusko, Panginoon! Bakit kayo nagsisigawan! Hindi ba't sabi ko kung magkaaway kayo ay ayusin ninyo nang mahinahon." Sabi ni Mama sa amin.
"Tita! Pasado po ako! Engineer na ako." Anunsiyo ni Noah at ipinakita ang laptop kay Mama. "Tingnan ninyo Tita. Nandiyan pangalan ko. Faustino, Noah Mikael."
"Pasado?" Mukhang nag-loading pa kay Mama ang nangyari. "Engineer ka na! Engineer ka na!" Natutuwang sabi ni Mama at yumakap kay Papa. Inis siyang tumingin kay Ate Keanna. "Hoy Keanna! Juskong bata ka, sabi mo ay nag-a-away 'yong dalawa! Nagmadali pa kaming pumunta."
"Hindi ko naman sila naiintindihan noong sarado 'yong pinto, eh. Akala ko nag-a-away. Congrats Noah!" Bati ni Ate.
Matapos iyon sabihin ni Noah kanila Mama ay sinabi niya naman ito kanila Tita. Maiyak-iyak nga si Tita noong ka-facetime namin siya dahil may Engineer na daw siya. Si Tito naman ay pinauuwi kami sa Pangasinan para raw ma-celebrate namin iyon sa probinsya. Magpapagawa nga raw si Tito ng tarpaulin na ilalagay sa arko ng baranggay nila para iyabang na may anak na siyang Engineer.
Kinabukasan no'n ay nag-celebrate kaming pamilya at kumain sa Scape Skydeck El Nido. Nahiya pa nga si Noah at gusto niyang siya ang magbayad ng mga kinain namin pero hindi pumayag si Papa. Libre niya raw dahil may Engineer na daw siya. Magkasundo na talaga silang dalawa ni Noah lalo na kapag usapang kotse, motor, at basketball. Nasa veranda lang silang dalawa maghapon at nagkukuwentuhan kapag ganoon. I am just happy na tanggap na both side kung ano ang mayroon sa aming dalawa ni Noah. Hindi naging mahirap ang lahat para sa aming dalawa ni Noah.
***
MATAPOS ang apat na araw naming bakasyon sa El Nido ay balik Manila na kaming dalawa ni Noah. May pasok na naman bukas. Lord, ayoko na mag-work, gusto ko na lang maging pabigat sa bahay.
"Hello, love birds!" Bati ni Tito Vince noong sinundo niya kaming dalawa sa airport. "Congratulation, Noah. Board passer. Bakit hindi mo pa in-achieve maging Topnotcher, sayang naman." Tinulungan kami ni Tito Vince na mailagay ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan.
"I am not that matalino, Tito Vince. Ang pumasa lang talaga ang goal ko. That Topnotcher is so suntok sa buwan." Noah chuckled.
"Nyenyenye." Ginaya ko ang way nang pagsasalita niya. "Arte-arte. Sobrang conyo."
"So grumpy." Noah answered.
Sumakay kami sa sasakyan nila Tito Vince at tumambad sa amin ang aso nilang si Coco na isa ring shitzu. Unfortunately, Hershey died last year dahil sa katandaan. Grabe iyak ni Tito Vince no'n to the point na kinailangan akong makitulog sa condo nila for three days para lang mabawasan ang lungkot niya. Tito Drew bought a new dog na nakakulay ni Hershey para raw hindi masyadong malungkot si Tito— and that's Coco.
"Hello Tito Drew." Bati namin at sumakay kaming dalawa ni Noah sa backseat.
"Congrats Noah, I knew you will made it." Pagbati ni Tito Drew.
"Thank you po." Noah answered.
"Saan tayo? Sa Sun Residence?" Tanong ni Tito Vince.
"Yup. Tower 3." Nakangiting sagot ni Noah.
"Taray ninyo, dati lang ay inuupahan ninyo ang Unit 24-C pagkatapos ngayon ay sa inyo na talaga." Bati ni Tito Vince sa amin at napangiti kaming dalawa ni Noah. Actually hindi siya sa amin, kay Noah lang talaga siya. Pamilya niya ang bumili ng Unit kay Ate Therese.
Tinanong kasi ni Tita Myla (Noah's mom) kung anong gusto nitong graduation gift sa kaniya. Ang sagot ng bugok? Mabili ang unit kay Ate Therese. Grabe pala magregaluhan ang mga mayayaman, nabigla na lang ako noong sinabi ni Noah na magkausap na si Tita Myla at Ate Therese sa pag-transfer ng ownership sa unit.
So yup, nandito pa rin kami sa Unit 24-C at wala nang balak iwanan ang unit na ito.
Hinatid kami nila Tito Vince sa Sun Residence. Umakyat kami ni Noah tungo sa 24th floor. Nakatayo kaming dalawa sa harap ng Unit 24-C.
"We are home." Nakangiting sabi ni Noah at hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"We are home." I answered.
Definitely, marami pa kaming bagay na mapagdadaanan pero sa araw-araw ay sigurado akong pipiliin namin ang isa't isa.
I am Kelvin Santillanes and he is Noah Mikael Faustino. This is the story behind the door of unit 24-C.
END.