抖阴社区

Suits And Guns

By BlackElenaya

115K 3K 37

ONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a... More

A/N
馃敨chapter 1: WITNESS
馃敨chapter 2: JUST RUN
馃敨chapter 3: THE ESCAPE
馃敨chapter 4: DANCE WITH HIM
馃敨chapter 5: SUPERIOR-INFERIOR
馃敨chapter 6: THE SECRET LANGUAGE
馃敨chapter 7: THE DEAL
馃敨chapter 8: GETTING INVOLVE IN A STREETFIGHT
馃敨chapter 9: HIS EYES
馃敨chapter 10: MEN IN BLACK
馃敨chapter 11: ESCAPE PLAN
馃敨chapter 12: SHADOW
馃敨chapter 13: KNIGHT IN BLACK SUIT
chapter 14: I MISS YOU?
chapter 15: DETENTION WITH BLONDIE
chapter 16: ANOTHER BLONDIE SAVIOR
chapter 17: RESEARCH
chapter 18: INTRUDER
chapter 19: LIVING WITH HIM
chapter 21: MEIYRA
chapter 22: CLUBS
chapter 23: ANGEL
chapter 24: HIS DATE
chapter 25: APOLOGIZE
chapter 26: A DEMON IN DISGUISE
chapter 27: DEAL'S OFF
chapter 28: THE BLACK ENVELOPE
chapter 29: WHAT DO YOU KNOW?
chapter 30: HIDE AND BANG IN THE DARK
chapter 31: I WILL SAVE MY FRIEND
chapter 32: BETRAYED
chapter 33: TO KILL
chapter 34: INJURED
chapter 35: MEETING
chapter 36: DECLARATION OF WAR
chapter 37: BEHIND THE HAPPY MASK
chapter 38: DINNER WITH THE MAFIA BOSS
chapter 38: PART 2
chapter 39: FALLEN
chapter 40: TOUR-IFFIC
chapter 41: BOY'S PAGEANT WITH A TWIST
chapter 42: STILL INTO YOU
chapter 43: IT HURTS SO BADLY
chapter 44: SHAYLA
chapter 45: TEARING APART
chapter 46: WARNING
A/n
chapter 47: DREAM
chapter 48: A SHOT IN THE DARK
chapter 49: MEMORIES
chapter 50: THE FASTEST
chapter 51: THE DEADLIEST

chapter 20: HOME FOR CHILDREN

1.9K 53 0
By BlackElenaya

CHAPTER 20
HOME FOR CHILDREN

Wala na si Alfieri ng magising ako at ang bumungad sa akin ay isang matandang babae na siyang may hawak ng mga gamit ko. Hindi ko man alam kung kailan nila kinuha ang mga gamit ko sa condo ay naisipan ko na lang huwag nang magtanong.

"Manang, si Lance po nasaan?" Tanong ko.

"Sinong Lance, iha? Yung blond ba ang tinutukoy mo?"

"Opo,"

"Sumabay na siya pag uwi kanina nang kuhanin ang mga gamit mo." Ngiti ni manang habang naghahain ng pagkain sa lamesa.

Ngayon lang ata ako nakakita ng tao rito sa mansyon ni Alfieri maliban sa mga men in black niya. Para kasing mga multo ang mga katulong rito na hindi mo alam na nandiyan pala pero nag iiwan ng paramdam.

"Nasaan po yung ibang katulong?" Curious kong tanong. Tinusok ko ng tinidor ang inihain niyang hotdog bago ako sumubo ng java rice.

"Bakit hindi ko po sila nakikita?" Dagdag ko pa habang ngumunguya.

"Lumalabas lang sila kapag kailangan o pinatawag. Bumabalik rin sila agad sa kanilang mga kwarto kapag hindi na kailangan o tapos na ang gawain." Paliwanag ni manang.

Matapos kumain ay lumabas na ako ng malaking mansyon at bumungad naman sa akin ang mga nakahilerang men in black, sa tapat ko naman ay ang pamilya na itim na kotse kung saan nakatayo sa tabi nito ang magalang na si Cole. Sa likod ng kotse ay may isa pang itim na kotse na sa tingin ko naman ay para kay Grey at Hulk. Are we back to having bodyguards again?

"Good morning, Ms Anderson." Yuko ni Cole. Napairap naman ako bago pumasok sa loob ng kotse. Umikot naman siya sa driver's seat at doo'y naupo.

"Please drop the last name basis. Call me Amber." Simangot ko. Hindi talaga kasi ako sanay na itinuturing na parang Donya.

"Ay Cole, alam mo ba kung saan yung Tracy Home for Children?" Tanong ko nang magsimula na siyang magmaneho.

Mula sa rearview mirror naman ay kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo bago bahagyang umiling.

"Hindi po, pero isesearch ko na lang ang address. Bakit po?" Napangiwi ako sa paraan ng kaniyang pananalita.

Kung tutuusin parang 3 o apat na taon ang agwat niya sa akin pero kung tratuhin niya ako ay parang ako pa ang mas matanda.

"Puntahan natin mamayang uwian. Nakapagpaalam na rin naman ako kay Alfieri." Pagsisinungaling ko.

"Sige po." Sagot niya na siya namang ikinangisi ko.

Siguro nga dapat na sundin ko ang sinabi sa akin ni Shadow dahil kahit ako ay naguguluhan na sa sarili. I keep on seeing things in vague pictures. May mga bagay akong naaalala na hindi ko matandaang nangyari at ang mas ikinababahala ko ay ang sinabi niyang ikababagsak ko kapag hindi ko inalam kung sino ba talaga ako. Teka nga, sino nga ba talaga ako? Tsaka ano bang meron sa akin para maisipang ipapatay ng sinumang Mafia na iyan? Aish, ang gulo!

"Nandito na po tayo." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Nasa school na pala kami.

"Salamat." Wala sa huwisyo kong sambit bago bumaba ng kotse.

Nagtuloy tuloy na ako ng lakad palabas ng parking, kapansin pansin naman ang mga sirang dingding nito dahil sa ginawa itong shooting place. Nakakainit tuloy ng dugo sa tuwing naaalala ko ang ginawa nila sa aking Ferrari! Nakakainis! Sa lahat ng babarilin yung pinakaiingatang kotse ko pa talaga! Aish!

Dahil nawala na ako sa mood ay sinasamaan ko ng tingin ang lahat ng madadaan sa akin ang tingin. Wala akong pinalampas sa kanila, kapag ako ay bad mood lahat sila damay! Mas lalong dumami ang mga nakatingin sa akin na ngayon ko lang ipinagtaka. Nakauniform naman ako, hindi ko naman nakalimutang magpalit ng sapatos, naligo rin ako at hindi naman ako panget o dyosa parang pagtinginan nilang lahat. Ano bang problema nila?!

"Ammmmmmmmber!" Oooops! Mabilis akong umiwas sa papatakbong si Jackie kaya ang nangyari ay napadapa siya sa damuhan ng field.

"Ang bad mo!" Nguso niya habang pinapagpag ang palda.

Alam ko kasing yayakapin niya ako ng napakahigpit kaya mas magandang iwasan na lang. Gusto ko pang mabuhay noh! Eh yung yakap ni Jackie nakakamatay sa sobrang higpit.

"Hahaha, sorry, Jackie." Ngiti ko, forgetting all my previous worries.

"Oh," bigla niyang tingin sa likod ko. "May mga kasama ka pala."

Napataas naman ang aking kilay. Lumingon ako sa aking likuran at doon ko lang napagtanto na kasama ko pala ang tatlo kong bodyguard, kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga estudyante dahil napaka 'unusual' na maglakad sa loob ng skul na may kasamang tatlong men in black.

"Ngayon ko lang din napansin." Mahina kong sabi bago ipinulupot ang aking kamay sa braso ni Jackie. "Tara na! Baka nasa room na si blondie!" Tukoy ko kay Diana.

"Amber Anderson!" Sabay kaming napilingon sa walang hiyang sumigaw ng buo kong pangalan.

Speaking about blondies!

"Good morning!" Tigil ni Lance sa tapat namin bago ako hilahin mula kay Jackie na ikinagulat ko. Nasubsob pa ako sa matigas niyang dibdib.

"H-hoy! Ano yan ah! Bakit mo inaagaw ang kaibigan ko!" Biglang hila sa akin ni Jackie.

"Kaibigan ko rin siya!" Hila ulit sa akin ni Lance, "more than friends pa nga e."

"A-ano yun?" Hindi ko kasi nagets ang huli niyang sinabi.

"W-wala!" Bigla niyang sigaw at itinulak ako pabalik kay Jackie na mukhang nagulat sa pagwalk out ni Lance.

Anong nangyari doon? Bigla bigla na lang umaalis ng ganun... Matapos akong hilahin tapos ngayon itutulak ako at sisigaw ng 'wala!'

"Tara na, Jackie. May saltik ata sa ulo si Lance." Hila ko sa aking kaibigan.

"Friends na kayo?"

"Oo, friends na kami." Kibit balikat ko.

Pagkarating sa classroom ay nandoon na si Diana sa kaniyang upuan, nakasuot siya ng puting earphone at malayo ang tingin na para bang may malalim na iniisip. Naupo na kami sa kaniyang tabi at mukhang hanggang ngayon hindi niya pa rin kami napapansin ni Jackie.

"Yoohoo! Diana to earth!" Kaway ni Jackie sa harap ng mukha ni Diana. Napatawa naman ako sa ginawa niya.

"Yoohoo! Anybody home?!" Hahaha! Parang baliw talaga tong babaeng ito.

"Kapag nabalik sa ulirat yan si Diana, ikaw ang una niyang sasapakin." Ngisi ko bago hinampas sa braso si blondie.

"W-what?!" Gulantang niyang sambit. Napatawa naman kami ni Jackie sa sobrang priceless na reaksyon ni Blondie. Haha! Unti unting namula ang kaniyang pisngi bago yumuko sa desk.

"Hahahaha! Ikaw kasi natutulala, e!"

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Nothing. I am just indispose." Diretso niyang sabi. Nanahimik naman kami nang pumasok na ang aming professor, napalingon naman ako sa aking gilid at nasulyapan si Lance na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

May pagka bipolar din pala ang lalaking iyan...

Natapos ang klase, sa kabutihang palad, na wala namang kakaiba o masamang nangyari. Hindi ko na rin nasabayan sa paglalakad ang aking mga kaibigan dahil may mga club meeting pa sila. Sumali nga pala si Diana sa chess club habang sa photography club naman si Jackie, at ako? Wala pa akong sinasalihan na club dahil una: wala akong hilig sa mga club, at pangalawa: wala akong talent para sa mga iyan.

"Sa Tracy tayo." Sabi ko kay Cole pagkasakay palang ng kotse. Tumango naman siya at nirevive na ang engine.

Sa likod naman namin ay nakasunod ang dalawa ko pang bodyguard. Ayon naman kay Cole ay sa Pampanga pa raw ang Tracy Home for Children kaya baka medyo matagalan kami sa byahe, pero kahit na ganoon ay pumayag pa rin ako. Minsan lang ako magkaroon ng pagkakataon at hindi ko na dapat iyon pinapalampas pa. Gusto ko ring malamang kung sino talaga ako sa lalong madaling panahon bago pa ako maging malamig na bangkay. Habang nasa byahe ay naglalaro lang ako sa aking phone nang lumabas ang pangalan at picture ni mommy sa screen. Tumatawag na naman siya.

Hinayaan kong magring ang aking phone nang ibalik ko ito sa aking bag. Sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob na harapin si mommy, lalo na't nasasaktan ako sa t'wing iniisip na naglihim sila sa akin.

"Ms Anderson, kanina pa po tumutunog ang cellphone mo." Paalala ni Cole sa akin.

"Hayaan mo lang. Stalker ko iyang tumatawag." Simangot ko naman sa kaniya.

"Gusto niyo bang patigilin namin siya?"

Nanlaki ang aking mata sa kaniyang suhestiyon. Iisang senaryo lang ang pumasok sa aking iisipan ng sabihin niya iyon at iyon ay ang barilin o patayin ang gumagambala sa akin. I am just mad at mom, but I don't want her to get killed. Tsaka wala naman talaga kong stalker.

"K-kaya ko na to! Ako na bahala sa stalker ko!"

***

Continue Reading

You'll Also Like

392K 7.7K 32
MAFIA'S SERIES #2 Yza Garcia ay isang ordinaryong babae, masayahin, madaldal, masipag sa kanyang pinapasukan na trabaho para lang kumita sa araw-araw...
22.4K 410 41
Amidst that chaotic place, a figure of ethereal grace emerges in that very section and there's more to her that meets their eye. Jhaydrex Andrada. Ka...
2.4M 40.6K 43
Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt w...
108K 3.2K 51
"Oww maglalaslas ka kuya pogi?" "OO" "Asige kuya pogi go kalang ipagchicheer pa kita pero walang sisihan pag sa impeyerno ka napunta ha" "Eh ano bang...