抖阴社区

A Wife's Comeback

By madamjaneee

296K 5.8K 143

Completed SPG | Mature Content It's been 5 years since I left HIM and now I'm back here in the Philippines no... More

Prologue
AWC: The Comeback
AWC: Home
AWC: First Night Of Being Together Again
AWC: Not So Ordinary Day
AWC: A Date w/ a little fight
AWC: Cyanna's Confession
AWC: Happy Moments
AWC: Jealous
AWC: Pain
AWC: Operation Iwasan si Drake
AWC: Continuation of Iwas Operation
AWC: Clarification
AWC: He's being distant
AWC: Changes
AWC: Awkwardness
AWC: When Jealousy Hits Her
AWC: Aloof
AWC: Frustration
AWC: Alagang Cyanna
AWC: Alagang Cyanna (Part 2)
AWC: Akit
AWC: Insatiable
AWC: Sweet Gestures
AWC: Happy Couple
AWC: So far so good
AWC: Sa Wakas
AWC: Excited
AWC: Mood swings
AWC: Happiness
AWC: Morning Sickness
AWC: Normal
AWC: Shopping
AWC: Weight Conscious
AWC: Malapit na
AWC: Ito na kaya?
AWC: This is it!
AWC: Baby
AWC: Joy
AWC: Family
AWC: Love
AWC: Hands-On
AWC: Charm
AWC: Cyke's Day
AWC: So Much Joy
AWC: The Girl
AWC: The Past
AWC: The Talk
AWC: Just the 3 of us
AWC: Piknik Time
AWC: Pictures
AWC: Nonsense
AWC: Good Start
AWC: Time Together
AWC: Lunch Date
AWC: Confrontation
AWC: Tagaytay
AWC: Plan
AWC: The Execution
AWC: Ikaw at Ako
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Special Chapter

AWC: Caught In The Act

2.6K 65 5
By madamjaneee

Today is the flight of Drake going to Tagaytay. He's attending a two days business conference there and his presence is very important that's why he really needs to go. He even asked me to go with him but I refused because I have a load of works in my office especially that this week is the launch of my new collection of dresses, office attires and other suits. Gustuhin ko mang sumama sa kanya pero may trabaho rin ako kaya hindi pwede. He understand naman kaya walang naging problema.

Hinatid namin ni Cyke si Drake sa airport bago kami pumuntang MBS. Ako na ang nagmaneho ng kotse nang makaalis na ang sinakyang eroplano ng asawa ko. Pagkarating namin sa office ay agad ko ng inasikaso ang ilang papeles at pinirmahan ang mga kailangan ang pirma ko. Tinignan ko rin ang mga designs na ginawa ko for the new set of collection.

Tumawag naman si Drake sakin para sabihing nasa Tagaytay na siya. Nag-
usap lang kami saglit saka natapos ang tawag.

Nanghihingi rin ako ng update patungkol sa mga damit na ginagawa kung tapos na ba para makita ko na. Mia said na tapos na raw at ihahatid nalang bukas dito sa opisina ko para aking matignan.

Maaga kaming umuwi ni Cyke dahil ayokong mastuck kami sa traffic at isa pa, kami lang dalawa kaya ayokong gabihin kami sa daan.

Pagkapasok namin ay saktong buhos naman ng ulan kaya nagpasalamat ako dahil hindi kami naabutan nito pauwi. Nilinisan ko na muna ang anak bago ako naghalf bath. Dahil malamig ang simoy ng hangin kaya nasa mababang numero lang ang temperatura ng aircon ng kwarto namin ni Drake.

Bandang alas sais y media ng bumaba kami ng anak ko sa dining area para maghapunan. Tinolang manok ang ulam kaya swak sa panahon ngayon.

Matapos kung pakainin si Cyke ay tinapos ko na din ang pagkain ko. Bago kami umakyat ay nagtimpla muna ako ng gatas para sa anak at para na rin sakin. Pinahatid ko nalang ito sa isang kasambahay namin dahil karga ko si Cyke.

Nang nasa kwarto na kami ay pinaandar ko ang flat screen tv para manood ng balita at malaman kung may bagyo ba o wala. Thankfully, wala naman daw ayon sa weather forecaster kaya napanatag ang loob ko. Kasama ko sa kama si Cyke kaya nilagyan ko ng malaking unan bilang harang ang kaliwang bahagi ng higaan para hindi ito mahulog kung maglikot man. Tahimik naman ito saking tabi at nakinuod rin ng palabas sa tv.

Nang makitang mag aalas otso na ay kinuha ko ang laptop sa katabing mesa ng kama at binuhay ito para makipag'skype sa asawa ko.

Nagtagal rin nang isang oras ang skype namin dahil kinausap nito ang anak kahit pa nga hindi pa naman masyadong nakakapagsalita ang anak dahil isang taon palang ito at medyo bulol pa sa ilang words. Pero nakakaintindi na ito kahit papaano hindi man masasabi na maayos namin itong nakakausap ni Drake at least nagagawa namin siyang kausapin at turuan na rin ng mga salita.

Pagkatapos ng videocall na iyon ay nakatulog rin ang anak namin. Bukas ang unang araw ng conference na dadaluhan ng asawa ko at matatapos sa Biyernes ng hapon kaya gabi na makakarating si Drake dito sa Manila.

Nang maubos ko ang gatas ay natulog na rin ako. Nakayakap ang isang braso ko kay Cyke habang ito ay mahimbing ng natutulog. I kissed his forehead and said my goodnight before drifting off to sleep.

- - -

Maaga akong nagising kinabukasan. Pinaliguan ko muna si Cyke at binihisan after bago ako naman ang nagshower.

Nilagay ko na muna siya sa kanyang crib para panatag akong iwan siya saglit.

Suot ko ang isang printed dress na gawa ko mismo at pinaresan ito ng dark blue na heels. Dark blue Chanel bag naman ang nilagyan ko ng ilang mga gamit namin ni Cyke.

Dala'dala ko na ito pagbaba naming dalawa. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa kaya nagpasalamat ako sa kasambahay namin.

Beef tapa, hotdog at garlic rice ang nasa mesa. Iba naman ang para sa anak ko dahil hindi pa naman ito nakakakain ng ganoong mga klaseng pagkain. Pinagsabay ko lang ang pagkain at pagpapakain rito. Nang matapos ay agad akong tumayo karga ito para magsepilyo.

15 minutes before 8 AM ay nasa office na kami. Konti nalang ang ginagawa ko dahil okay namana ang mga designs at titignan ko na lang ngayon ang mga gawang damit na ilalaunch bukas. May tiwala naman ako sa aking mga mananahi kaya sure akong nasunod nila ang mga disenyo ko. Though kailangan ko pa rin makita ang mga ito bago idisplay sa shop, I want to see it first before others will.

Bandang 9 AM ng ihatid ang mga ito sa opisina ko. Tinignan ko isa'isa at nang masatisfied sa nakita ay napangiti ako at pinuri ang mga staff ko. Naiwan ang mga ito sa office dahil mamayang hapon ko pa ito ipapalabas upang maidisplay. Malaki naman ang office ko kaya nagkasya naman ang lahat at may espasyo pang natira.

Nagcheck nalang ako ng mga emails at inayos ang ilang dokumento.

Pagdating ng lunch ay nagpahatid lang ako ng makakain.

Wala na akong ginawa nang hapon kaya nakipaglaro nalang ako saking anak.

Tumunog ang phone ko bigla hudyat na may nagmessage sakin. Bago ko ito tignan ay pinalitan ko muna ng damit si Cyke. Karga ko ito ng kunin ang phone ko sa mesa. Bumalik naman ako sa may sofa bed para maupo at nasa may hita ko naman si baby.

Binuksan ko ang phone at tinignan ang MMS na pinadala sakin. May kalakip na mensahe pang nakalagay sa ibaba nito. Napataas naman ang kilay ko sa nabasa dahil hindi ako mapakali ng isang oras na ang lumipas kaya minabuti ko ng umalis kami ni Cyke. Pagtingin ko sa suot na relo ay 3PM palang kaya may oras pa ako para maghanda.

I called my mom and luckily, she answered immediately kaya sinabi ko agad ang pakay ko sa kanya. She happily agreed and she told me that she'll wait for us.

Umuwi na muna kami ng bahay para maghanda ng gamit namin ni Cyke.

Mabilis ang kilos ko sa paglalagay ng damit sa maliit na pambatang bag ng anak at pagkatapos ay ang akin naman ang inasikaso ko.

Bago umalis kanina ng MBS ay nakapagbooked na ako ng flight at pagkatapos kung ihatid ang anak kila mommy ay diretso airport na ako.

Wala pang 30 minutes ay nasa daan na kami. Mabilis lang rin ang naging byahe namin kaya nakarating agad kami sa bahay.

Sinalubong kami ni mommy at kinuha si Cyke sakin.

Kayo na po muna ang bahala kay Cyke, mom. Susunod lang ako kay Drake sa Tagaytay. Sabi ko sabay bigay ng bag ni Cyke rito

Kumunot naman ang noo nito.

Is there a problem, sweetheart?

Wala naman po at kung meron man kaya ko na pong ihandle iyon, mommy. Gusto rin naman po ni Drake na sumama ako sa kanya kaya lang may ilang trabaho ako sa MBS kaya hindi ako nakasama sa pag-alis niya.
Hayag ko

Alright. Don't hesitate to call me if there's any problem. Okay?
Saad nito

Yes, mom. Kayo na po bahala kay Cyke.

Sure, sweetheart. Walang problema samin ng daddy mo.

Thanks, mom. I'll go ahead na po.
Usal ko

She nodded.

Take care, sweetheart. Tawagan mo ako kapag nasa Tagaytay kana.

Okay, mom. Tatawag po ako.

Sige. Kami na bahala rito sa apo namin.

Ngumiti ako kay mommy at binigyan ito ng halik sa pisngi. Ganun rin ang ginawa ko sa anak saka nagpaalam na sa kanila. I waved them goodbye bago sumakay muli sa kotse.

Mabuti nalang at malapit lang ang airport kila mommy kaya hindi nagtagal ay narating ko ito.

Tinawagan ko nalang ang driver namin para ipakuha ang sasakyan ng nasa departure area na ako.

Business class ang kinuha kong ticket para komportable ako buong byahe.

Gabi na ng makarating ako sa lugar. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa hotel kung saan nakacheck in si Drake. Kumuha ako ng isang room na malapit lang sa kwarto ng asawa ko. Nakangiti namang binigay sakin ng receptionist ang susi ng silid. I smiled back at her and thanked her.

I looked at my wristwatch and saw that it's already 7 PM. Pagpasok sa room ay nagpalit ako ng damit at nagretouch ng makeup. Inayos ko rin ang pagkakapusod ng buhok ko saka kinuha ang dala kong purse na may lamang phone, wallet at iba pang maliit na gamit.

I remembered what Drake told me last night na may party na magaganap raw after ng unang conference nila bilang pagwewelcome sa mga guests at ilang dumalong businessmen. Good thing, sinabi niya rin kung anong oras at saan gaganapin kaya alam ko. Buti nalang at sa hotel ding ito ang venue kaya hindi ko na kailangan pang sumakay ng taxi. Dito rin sa hotel ginanap ang conference nila kaya karamihan ay dito nagsistay.

The party was opened for everyone kaya pwede akong pumunta doon. Aside from that, alam kong may makakakilala rin sakin kaya may access ako para makapasok.

Kumain na muna ako sa restaurant mismo ng hotel bago ako pupunta sa bar nila kung saan doon ang party.

Semi-formal ang party dahil pwede silang mag-inom at sumayaw kung gugustuhin.

Alas otso ang start ng event pero plano kong pumunta ng 9 PM.

- - -

Sa kabilang banda.

5 PM nang matapos ang first day ng conference. Umakyat ako agad sa room ko para makapagpahinga ng kaunti.

Mamayang eight ay may magaganap na party sa bar mismo ng hotel. Ayoko sanang pumunta kaso sayang naman baka makakuha ako ng mga potential investors at clients doon kaya pupunta ako. But, I planned to stay until 10 PM lang dahil tatawagan ko pa ang misis ko. Miss ko na ang mag-ina ko kahapon pa nang makarating ako rito. Hindi ako sanay na wala sa tabi nila lalo na kapag gabi. Inaya ko nga si Yanna kaso she has work kaya hindi ko na rin pinilit pa. How I wished they're with me right now. Gusto ko ng matapos ang conference para makauwi na ako sa pamilya ko.

Yun ang nasa isip ko hanggang sa makatulog ako. Nagising ako around seven. Imbis na bumaba para kumain sa restaurant nila ay nagpahatid nalang ako sa kwarto.

Dumating rin naman agad ang mga pagkaing inorder ko kaya kumain na ako para makapagshower at makapagbihis na din pagkatapos.

Nakasuot ako ng navy blue na long sleeves na tinuck'in ko sa aking gray slacks. Isang itim na sapatos naman ang suot ko sa paa.

Alas otso na nang makarating ako sa bar. Sinalubong ako ng isa sa mga speaker kanina na si Mr. Williams. Nag-usap kami patungkol sa expansion ng kompanya at kung kailan ito masisimulan. He invested kaya nararapat na malaman niya ang ilang detalye. We talked for a while bago ito nagpaalam dahil may iba pa itong kakausapin. May mga nakausap rin ako and we discussed about business as usual, some were telling me that they would like to have a partnership with me especially that they knew that our company remains on top and aside from that, we'll be having an expansion by this year, it only means that our business is getting bigger and bigger. We don't have a lot of investors but we have lots of clients. Hindi naman sa konti lang ang nag-invest kundi limitado ang pinapayagan namin na mga investors at yun lang yung mga sigurado kami na makakabuti sa kompanya. Sigurista kami kaya nagtagal kami sa ganitong negosyo. Aanhin mo nga ang maraming investors kung wala namang magandang naidudulot ito. So I guess, it's our strategy that keeps us in this kind of success.

Pumunta ako sa may bar counter at humingi ng maiinom. I'm not planning to get drunk tonight kaya isang shot lang ang inorder ko. Habang naghihintay ay tinitignan ko ang mga taong nasa paligid ngayon. Some were having their wives or girlfriends while others were alone just like me. Mas lalo kong namiss ang asawa ko. Can't wait to go home. I want to see them badly, sila ng baby namin.

Nakuha ng bartender ang atensyon ko ng ilapag na nito ang inumin saking harapan.

Inisang lagok ko lang iyon at naupo lang dun saglit bago ako nagbanyo.

At sa pag-alis ni Drake ay siyang lapit naman ng isang babae sa bar counter at umorder ng dalawang maiinom. Nang ilapag na ang mga ito ay pasimple niyang nilagyan ng pampatulog ang isa saka hinalo'halo ito.

She didn't know that there's someone out there who's watching her every moves and saw what she did with the drink.
















Huli ka!

What's next? Stay tuned everyone🙂

Please vote and leave a comment❤

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 52K 41
"You can't escape me Samantha. Not now. Not tomorrow. Never." wika ni Tres sa nanggagalaiting tinig. I take a step backward to avoid his skin to tou...
139K 5K 61
This story is written in Tagalog/English. R-18 (SPG) *** 鈿狅笍WARNING: This story contains flawed characters. May contain scenes on rape and violence. *...
9.3K 157 38
Ayon kay Lao Tzu, a Chinese philosopher, be content with what you have; rejoice in the way things are. When you realize there is nothing lacking, the...
488K 14.4K 65
"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you we...