Gelay already know about what happened. Pinagalitan niya pa ako dahil sa nangyari. She said I was really giving the false hope for Xeb.
Hindi ko dapat siya hinayaan na gawin yun.
Inaya niya ako sa Gaisano Mall para lang mag usap kami. Dahil hindi ko magawang mag kwento kapag nasa campus kami. 2 days have already passed since that incident. Tuwing nakakasalubong ko si Brendt ay ngumingiti ako sa kanya but seems like he never tried to laid his eyes on me like he always does. Nakakapanibago yun. I'm trying to be nice. At wala naman akong maitim na balak sa kaniya. I'm playing the role of being a a nice girl. And I don't understand. Everytime nag magkasama kami sa iisang lugar kasama ang sina ate at Chandler he's always giving space between us, ayaw niya. Lagi siyang aalis tuwing andyan ako.
Or I was just assuming again.
Baka ako lang talaga ang nag iisip na umiiwas siya dahil sa nangyari samin ni Xeb. O dahil lumalayo siya dahil baka yun ang gusto ni Thalia. And I'll respect that.
We headed on a Cozy Cafe and ordered our foods. Tapos na kasi ang class that's why nag aya siya na samahan ako.
" I shouldn't let you alone there D. Baka hindi pa nangyari yun sa inyo ni Xeb. " She said when we already found a table.
" Ano ka ba! You have a date that day. Wag mo nang isipin yun nangyari na and I can't bring it back though. " I rolled my eyes and starts to eat my blue berry cheese cake.
Pero ganun parin ang mukha ni Gelay.
" Ano ka ba! Wag mo nga akong tignan ng ganyan! Mukha ba akong nakakaawa ghorl?"
Tumawa ako at kumain na ulit.
She's still looking at me intently. " Don't be hypocritical D. I know you! Hindi na bago sayo yung ganito. You're just smiling but never good at hiding your true feelings. I can see it D."
She said with her serious face. She really knew me. And thanks for it cause she's succeed!
" Anong plano mo? Gusto mo pumunta tayo sa GCTe? Puntahan natin ang mga gaga."
" Wag na! Busy yung mga yon ngayon. Tsaka ano ka ba! Parang tanga naman toh! Wag mo kong intindihin. Tsaka ano pa bang gagawin ko? Wala naman diba? Mabuti pa ubusin mo na yan ako nang magbabayad. Tsaka puntahan natin yung sinasabi mong bagong bazzar dito."
Huminga ako ng napaka lalim. What happened that day was still engraved inside my mind. And it bothers me every night and day. Nakakahalata na nga sina mommy at daddy sa mga inaakto ko araw araw. At nag tataka na nga din si ate Maggie. She talked to me last night kung may problem daw ba ako but I just said na masyadong busy at stressed lang ako sa school. Hindi naman na siya nag tanong pa. Only Lana knows the truth at mabuti narin dahil hindi niya ako nilalaglag sa mga magulang namin.
Binayaran ko na ang bills namin. At bumili ako ng take out ng sweets para kay Lana. Paborito niya ang red velvet cake nila rito.
" Here is your change ma'am. Have a great day!" Sabi nong cashier.
" Thanks!" I smiled and we went outside the cafe.
" Alam mo D may bagong shades nang tint ang Vice.com lets check it out?"
" Yeah sure!. " I replied. Sa daan palang kami ang ingay na ni Gelay. Napapalingon ang mga nakakasalubong namin. Hindi ko alam kung sa ingay ba ni Gelay o dahil maganda lang talaga kami? Choss!
" Ang ingay mo! " I restraint her.
" Hayaan mo sila D. Hindi naman nila ako kilala eh. Tsaka pasasalamatan ko sila kung mag viral ako dito noh!"
Tumawa lang ako sa kanya at nag pahila na sa stall ng Vice.com. Nong malapit na kami ay nawala agad ang ngiti ko. They're here. Kahit naka talikod ay kilala ko ang hubog niya. She's with Thalia. Pumipili rin ito nang lipstick. At pinapakita pa kay Brendt kung san ang mas gusto nitong shade para sa kanya.
Niligon ko si Gelay at abala na sa pagpipili.
Hindi niya man lang napansin ang mga katabi niya.
" D! Ano mas maganda? Ito? O itong isa? Nahihirapan akong pumipili eh." Pinakita niya ang dalawang shades ng tint sakin.
Lumingon sila Brendt at Thalia sa gawi ko. Tumaas ang kilay nang babae nong makita ako. Nilingon ko si Gelay at gukat din siya basi itsura niya nang makita ang kasabay namin. Ramdam ko ang tingin ni Brendt sakin. Ayaw ko mang tignan pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko. Nakatayo lang siya at hindi pinapansin ang sinasabi sa kanya ni Thalia . Pero isinawalang bahala ko nalang ang presensya niya. Kahit na biglang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. And something stab my heart again when I saw Thalia's arm's around his waist at siya naman ang ay naka akbay rito.
Ano naman ngayon? Wag kang mag alala Brendt hindi na kita gugustuhin kung kaya ko lang. Pero ang sakit palang harap harapan kong nakikita. Alam ko naman na nong una eh. But I never give a shit about this. Mali pala ang humanga sa kanya. Nakakamatay pag nasobrahan ka .
" I-I bet this one for you Gel. Bagay to sayo." I manage not to broke my voice. Dahil makakahalata silang hindi ako okay na narito sila. Kung kinakailangan ay umastang wala lang ay gagawin ko. Ayokong pagtawanan nila ako behind my back.
" Okay ka lang?" Bulong ni Gelay sakin. Ngumiti lang ako. Ayokong magsalita muna dahil baka mabasag lang ang boses ko.
Hindi ko kakayanin.
" Wag na tayo dito." Tumingin ako sa kanya na nag tatanong ang mukha ko.
" Why? You want here right?" I asked.
" But you dont D." She replied and hold my hand.
Pinigilan ko siya dahil alam kong gusto niyang bumili pero aalis lang kami dahil sa nandito sina Brendt at Thalia. Inaalala niya ang nararamdaman ko. Bakit ako iiwas? Bibili lang naman kami at nagkataong narito sila.
" Let's go D. Hindi ko na pala gusto dito. Lahat bumabagay sakin eh."
She said a little bit loud sanhi para mapunta ang atensyon nila Thalia samin.
" Then why don't you buy all of it? I'm sure it all suits to you." Thalia said and a sweet smile plastered on her face. Hindi ko inaasahang kakausapin niya kami.
She's beautiful and sweet I should admit that. She's really formal and elegant yet a touch of simpleness. I think that's what Brendt loves about her.
" Yeah. She's right Gel. " I agreed with her. Nilingon ako ni Gelay and slightly curled her brows. Ayaw ko naman kasing maging bastos sa isang propesyonal na katulad ni Thalia. She's my sister's friend after all.
" Maybe later Doc pag makakahinga na ko ng preskong hangin. Nasu-sufocate ako eh di ko rin alam kung bakit. Tara na D." Hinawakan niya ang braso ko at bumaling sa kanila." See you when I see you Doc Thalia and Doc BrendtHave a nice date!."
Tsaka na niya ako hinila palayo dun. Nakita ko kung gaano nabago ang mukha ni Thalia sa sinabi ni Gelay at ganun din si Lucas. Batid kong hindi niya ako nilubayan ng titig niya kanina. Tila'y sinusuri kung anong meron sa maiilap kong mata.
Nong subukan kong salubungin ang tingin niya baka sakaling lubayan niya ako ay hindi niya ginawa. Tahimik lang siya buong oras na nandun kami. Pinagmamasdan lang ang nangyayari at paminsan minsang nililingon si Thalia.
How I wished sana ako rin sinasamahan niya sa mga ganitong bagay. Pero syempre alam kong di yun mangyayari. Suntok sa buwan kung sasabihin.
" Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Yung puso mo stable parin ba?"
Nakalayo na kami dun sa stall. Sinuri pa niya ako na para akong isang pasyente.
" I'm okay Gel. Tumigil ka nga para ka namang timang diyan eh."
" Eh syempre nag aalala lang ako. Baka mamaya di ka na makahinga diyan eh."
" Sira! Kaya ko namang tiisin eh. Tsaka dapat di na tayo umalis dun. Bibili lang naman tayo and it doesn't matter kung andun sila. Okay lang naman sakin."
Umupo kami sa malapit na bench.
" Eh di naman sila ang inaalala ko eh! Ikaw! Hindi yun okay sayo! Nakita mo ba ang reaksyon mo kanina? Halos maging asul ka na dun kakapigil nang emosyon mo! How come at okay lang sayo na makitang ganun ang itsura nila?"
" Bakit ano bang itsura nila?"
Na curious ako bigla.
" Eh di sila bagay. Mas bagay kayo."
Tinampal ko siya.
" Sira! I'm not a wrecker! Bagay sila Gel kaya wag mo nang ipagpilitan ang gusto mo."
Dahil hindi pwede. Kahit nga minsan pumasok sa isip ko na sana maghiwalay nalang sila. Pero alam kong di tamang yun ang hilingin ko imbes na tumagal pa sila.
" Uhhh D I'm sorry sana kung di kita hinila dun di mo sila makikita." Umusog siya at niyakap ako.
" Okay lang. Gusto ko naman talaga na pumunta dun. Di lang talaga natin alam na naroon sila. Sadyang nagbiro ang tadhana."
Kumalas siya sa yakap ko. " Yuck! Ang corny nong huli mong sinabi! Di bagay ang maging makata sayo."
Ngumiwi siya at inayos ang mahaba niyang buhok.
Tinukak ko nga siya tinignan niya ko ng masama. Akala siguro ng makakakita samin ay nag aaway kami.
" Ginaganyan mo na ko ah! I hate you!"
Sumigaw pa siya at nag lakad na. Iniwan ako.
Abnormal talaga.
" Oh ba't bumalik ka?" Lumapit siya sakin at ngumuso tsaka sinabit ang braso niya sa braso ko.
" Wala pala akong pamasahe." Pinigilan ko ang matawa.
" Tara kumain ulit tayo gusto ko nang Jabie. "
Tinignan niya ako na parang nandidiri. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Kakakain lang natin kakain ka na naman? Ang baboy mo ah!"
Binitawan niya ang braso ko.
" Ang sakit mo mag salita ah? Bahala ka libre ko pa naman." Sinadya kong ibulong ang huli. At tsaka tinahak ang daan papuntang jollibee.
" Wait!" Sigaw niya. Alam akong hahabulin niya ako. Napangisi ako.
" Di mo naman sinabi agad eh! Tara! Gutom nga rin ako." Nauna pa siyang pumasok sa loob ng fast food.
" Kakakain mo lang kakain ka na naman? Ang baboy mo!" Balik ko sa kanya. Umiba bigla ang timpla ng mukha.
" Ang sakit nun ah!"
" Ewan ko sayo! Mag hanap ka na nang upuan ako ng mag order. Nag bagong isip ko KKB na pala toh."
" Kingina ka talaga D! Isusumbong na kita a mga girls ! Kinakawawa mo ko."
Tinutuloy niya ang mga kaibigan namin.
Umorder na nga ako at iniwan siya dun mag isa. Pag katapos naming kumain ay deretso uwi na kami hinatid ko siya sa condo niya.
Sumapit ang kinabukasan at gusto ko na namang maiyak ng sobra. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Bakit mas pinipili nilang nasa harap ko lagi sila mag landian? Iniisip ko na nga rin na sinasadya talaga nila minsan eh. Minsan kung hindi ko na kinakaya umiiyak na lang ako at hindi iyon pinapakita sa kahit na sino. Ayaw ko na ng ganito. Ang sakit sakit na! I should practice acting like it's really fine for me to see them everyday doing sweet stuffs. Tangina! Hindi ko mapigilang hindi mag mura.
Wala ako sa lugar para mag selos! Kahit pigilan ko man ay di ko magawa. Parang ganun lang din ang nangyayari mas pinapahirapan at niloloko ko lang ang sarili ko.
Nasa quadrangle kami at kasama ang mga ka blockmates ko. Pinag uusapan namin ang tungkol sa lessons na kailangan na i catch up ni Xeb dahil nahuhuli na siya masyado. Mabuti nalang at naisipan nilang gawin ito. Dahil nabalitaan din nila ang tungkol ky Xaidee. Sana nga may mahanap ng donor si mommy para gumaling na ang batang yun. Gusto kong pumunta sa hospital para dawin siya pero nag aalangan akong makita si Xeb. Hindi ko pa kayang harapin siya. Gusto kong kausapin siya kapag handa na akong makita at mapag usapan ang nangyari. I don't want to hurt him more. Paulit ulit nalang din naman ang nangyayari.
" Daine are you listening to us? What can you say about this?"
Nilingon ko si Alita at kanina pa pala sila humihingi ng suggestions. Ganun pala kang kalalim ang iniisip ko para di sila madaluhan sa ginagawa nila.
" Okay ka lang?" Kinalabit ako ni Gelay.
" Hmm? May iniisip lang."
She sighed." Don't be affected D. Kanina ka pa sa klase natin wala sa sarili. Dumaan lang naman sila harap mo kanina ganyan ka na naman. Don't let your personal feelings affect your studies. Hindi na maganda ang epekto nila sayo eh. Better to take care of your heart. King andyan man sila wag mo nalang silang tignan. Okay?"
Ngumiti ako at niyakap si Gelay. " Thanks be. For being always here for me."
" Hmm. Ang emo mo ha? Oo na ako lang ang nandito malayo sila kaya ako muna."
She's pertaining about our other friends in GCTe. Malayo sila minsan lang kami mag kita. Wala rin kaming balita sa kanila as of now dahil pareho kaming busy. Ang iba kasi nag ta-trabaho na ang iba ay still nag aaral pa.
Gelay wasn't really a showy sa feelings niya unlike sakin na expressive at di marunong mag tago ng feelings at masyadong pa obvious. But I can feel her love and concerns everytime. That's why I'm lucky to have her in my life.
Nagpaalam na si Gelay samin ni Lana. May date daw sila ng bagong boylet niya. Tinatanong ko kung sino ayaw naman sabihin tsaka na lang daw pag sila na.
" Call me kung may problema okay? Pupuntahan agad kita."
Pinarada niya ang kotse niya sa harap ko. Bago iyon red Audi Q5 regalo ng mommy niya sa kanya dahil nag tatrabaho ang mommy niya sa ibang bansa bilang secretary ng Ambassador sa Austria.
"Don't worry about me G." I call her 'G' nakakatamad kasing mag salita.
" Nice car. Let's joy ride somewhere." Puri ni Lana sa kotse niya.
" Some other day nalang pwede? May date ako ngayon eh. G ako basta sagot mo ang gas ano call?"
" Umalis ka na nga lang may date ka diba?" Tinaboy na siya ni Lana. Nag bangayan pa ang dalawa.
" Whatever! Lana! You're so annoying" She burst on Lana na nasa gilid ko lang.
Pinarada ko na rin ang sasakyan ko katabi niya ang Black Aston Martin ko. It was a gift from my grandpa dahil mahilig siya sa mga transportasyon lahat na yata ng sasakyan meron siya mapa laot o himpapawid man kaya nga agad-agad niyang pinahiram ng eroplano ang mommy ni Xeb eh.
Lumabas ako saglit sa kotse ko.
" D don't forget what I told you okay? You'll get better. Trust me." bilin na naman niya nong maka labas ako.
" Thanks Gel. I hope so too." I answered.
" Do you have problem Daine? What is it?"
I heard ate Maggie's voice behind me. Nagkatinginan kami ni tatlo ni Gelay at Lana.
Paktay!
" Mauna na ko sa inyo. Bye guys!"
Huminto sa harapan ko si Gelay.
" Andyan ang Handak D. Emoticons mwo ashuyin mwo okay fierce langs wag shungabels."
Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Ang sabi niya ayusin ko daw ang emosyon ko kapag kaharap ko na sila. That's her language kapag may pinag uusapan kami para di mintindihan ng iba. Tumango ako at nag beso sa kanya.
"Ingat ka G."
Lumingon naman ako sa likod at nandun nga magkasama na naman ang dalawa. Himala at di sila sweet ngayon? Walang akbay o kahit na ano. Buti nga't di pa sila nagkakapalit ng mukha. Ramdam ko na naman ang malamig na tingin ni Brendt. Lagi nalang ganito. Nakakainis! Bakit ganyan siya makatingin?
If I know wala naman akong kasalanan sa kanya.
Ganun parin kabilis ang tibok ng puso ko. Kaya umiwas na ko ng tingin. I made sure wala siyang makikitang emosyon sa mukha ko. Yun ang bilin ni Gelay sakin. I acted like I don't care about his presence. Sana nga mukang pang famas para convincing.
I diverted my gaze on ate Maggie. And now she's frowning at me.
Oh c'mon! Don't tell me pagagalitan niya ko sa harap ng mga to?
" Ate---
" We'll talk about it later Daine. Let's meet up at Anselmo's . Kasama natin sila." She immediately cut me off. Kaya natahimik ako.
Umiling lang si Chandler sakin.
" Lana ride with Daine make sure na didiretso kayo dun. Maliwanag ba? " Mataray na nikin ni ate.
I rolled my eyes in air. Ayaw ko sa ganitong ugali ng ate ko.
" I'll ride with you babe." I heard Thalia said. Habang umikot ako para pumunta sa driver's seat ng kotse ko.
" You have a car Thal. Magkita nalang tayo dun. "
Brendt voice became cold. Why is that? San ang sweetness nila? Sumipol nalang ako
Sumama ang mukha ni Thalia sa sinabi niya.
Nakita ko ring dire-diretsong pumasok sa kotse niya si Brendt at di manlang nililingon si Thalia.
Pumasok na si Lana sa shut gun seat kaya pumasok na rin ako sa kotse ko at inistart ang makina.
" Mukhang may LQ sila ah. " Lana said while arranging his seat belt.
" Don't mind them. Kanila na yun." I answered.
" Di kana affected? Bilis ah?"
Di ko pinansin ang tanong ni Lana dahil alam ko namang alam niya ang sagot.
Pagdating dun hinatid ko lang si Lana at di na ko bumaba para daluhan sila. I dont want to be hypocritical dahil alam ko na kung ano ang makikita ko mamaya. Naiimagine ko pa lang naiiyak na ko.
Kaya wag na lang... I might get hurt.
Much better to distance myself from them they're bad to my health. Note the sarcasm!
© CSReigns