"Woooh! Go Caleb!" sigawan ng mga kababaihan at kabaklaan.
Kahit kailan talaga wala akong hilig sa basketball, kanina pa dapat ang oras ng uwi ko pero kinukulit ako ni Caleb na panoorin ko raw ang practice nila, kaya ngayon nandito ako sa court nanonood sa kanila. Partida nga e, practice lang yan pero ang estudyanteng nanonood ang dami.
May dumaang dalawang estudyante sa harap ko mukhang manonood din sila ng practice, sa tingin ko may relasyon sila, ang sweet kasi nila sa isa't-isa. Yung girl may dalang flowers, tapos si boy naman bitbit ang bag ni girl. Dito pa talaga nila naisipan mag-date.
Napatitig ako sa flowers na hawak ni girl. Naalala ko na naman tuloy yung Melody of Flowers, hanggang ngayon kasi may hang-over pa rin ako sa ganda ng lugar na yun. Napaginipan ko pa nga yun kagabi e. Na nandoon daw ako, nakasuot ako ng gown tapos tumatakbo-takbo habang tumatawa at paikot-ikot sa gitna ng mga bulaklak yung panaginip ko parang pang fairytale lang.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumalabit sa'kin. Pag tingin ko, si ano pala. Teka, ano nga bang pangalan nito? Eto yung baklang nag-ayos sa'kin nun lumaban ako para sa muse ng college namin e.
Ngumiti siya sa'kin, kaya ngitian ko rin siya. Umupo siya sa tabi ko.
"Kumusta ka na 'teh?" tanong niya pero ang mga mata niya ay nasa laro.
"Okay naman." sagot ko.
Tumingin siya ulit sa'kin "Good influence talaga siya sayo nu?" saad niya. Napa "Huh?" lang ako sa sinabi niya.
"I mean 'teh si Caleb, good influence sayo.." wika niya.
Etong baklang 'to kung kausapin ako akala mo close kami, ni hindi ko nga alam yung pangalan niya e. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
Tumingin na ulit siya sa mga nagpapractice "Heller.. ikaw kaya si Ms. Pokerface, yung kahit tawagin mo, kahit ngitian mo, walang reaksyon. Pero mula nang maging mag jowa kayong dalawa ni Caleb my love, may reaksyon ka na lagi, nakikita ka na namin ngumiti, mainis, magalit. Narinig ka na rin namin sumigaw. In short may reaksyon ka na." mahabang paliwanag niya.
Hmm. Oo nga nu? Medyo bumabalik na yung tunay kong ugali, hindi ko na rin masyadong naiisip ang mga nangyaring hindi maganda sa'kin. Dapat bang matuwa ako dahil paunti-unti na nababalik ni Caleb ang dating ako?
"Tsaka 'teh, siguro kung hindi mo kilala yan si Caleb my love, tapos kinausap kita ngayon. Malamang sa malamang 'teh, di mo ko kikibuin." dagdag pa ng baklang 'to.
Napatingin tuloy ako bigla kay Caleb na busy sa paglalaro, napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti si Caleb sabay kindat.
Ito namang baklang katabi ko nagtitili habang pumapalakpak pa.
"Teh, nakita mo yun? Nakita mo yun? Grabe. Ang gwapo talaga! Yiieh!!" nangingisay na sabi niya. Nakakatawa yung reaksyon niya.
Pero infairness ah, medyo magaan yung loob ko sa kanya.
"Pero 'teh maiba tayo ng usapan, nakita mo na ba?" tanong niya, at binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti.
"Ang ano?" takang tanong ko.
"Yung ano 'teh, yung ano niya?" Ano ba 'tong baklang 'to, di pa diretsyahin yung gustong sabihin e.
"Yung ano nga?"
"Yung ano niya.." ngumuso siya, tapos parang nginunguso niya yung nasa bandang ibaba niya. Kaya tumingin ako sa ibaba niya. Ahh, yung paa siguro yung tinutukoy niya.
"Oo nakita ko na." simpleng sagot ko.
Nanlaki yung mga mata niya na para bang hindi makapaniwala. "Talaga 'teh, kailan? Saan?"
Pati ba naman paa ni Caleb pinag-iinteresan niya pa.
"Sa bahay, kagabi lang."
"Yiiiieh, talaga? Ohmygosh! Ohmygosh!" tapos pinaypayan niya yung sarili niya gamit ang kanyang mga kamay. Ang O.A lang ah?
"Ano malaki ba?" nanlalaki yung mga mata niya habang tinatanong yan, para bang excited na excited sa sasabihin ko. Grabe naman 'tong baklang 'to kahit sa paa interesado.
"Oo, malaki at tsaka medyo mahaba." Nakita ko yun kagabi nang pumasok siya sa bahay na nakayapak.
"Wow!! Naiingit ako sayo 'teh." hinawakan niya ko sa balikat ko sabay yugyog sa'kin.
"Ano matigas ba?" katulad kanina excited na naman siya sa isasagot ko.
"Hmm. Mukhang matigas, tsaka medyo maugat." Siguro dahil lagi siyang nagbabasketball.
"Ano mukhang matigas? Tsaka maugat? Ohmygosh! Ogmygosh! Hindi ko na kayang ma-handle 'tong nararamdaman ko.. Ano.. ahmm.. Masarap ba?" tanong niya.
"Huh? Kailan pa naging masarap ang PAA ni Caleb? Pinagloloko mo ba ko?" medyo naiinis kong tanong. Para kasing sira e.
"Ha? Paa?" parang nadidismaya niyang tanong.
"Oo, diba sabi mo kung nakita ko na yung paa niya."
"Ahh. Hehe, oo yung paa niya." parang nanghina siya bigla at nawalan ng energy.
May mali ba sa sinabi ko, paa naman talaga ni Caleb yung tinatanong niya diba?
"Ang gandang babae kaso slow"
"Ha? May binubulong ka ba diyan bakla?" sabi ko sa kanya.
"Oh.My.Gosh! Don't call me bakla nu! Roar ang pangalan ko nu?" naiinis niyang sabi, siguro bipolar 'to. Pabago-bago yung mood niya e.
"Okay." simpleng sagot ko at nanood na lang ulit ako sa laro.
Tumayo na si Roar at tumingin sa'kin "Oo nga pala, papasok na si Rhica bukas. Humanda ka, galit sayo yung babaing yun." nag-aalala niyang sabi.
"Ha? Bakit?" takang tanong ko.
"Dapat daw sa kanya, yung nasayo ngayon. Mag-ingat ka delikadong babae si Rhica. Ge rampa na ko."
Tapos yun umalis na si Roar. Lupet ng pangalan niya ah, ang unique.
Pero anong sabi niya. Galit sa'kin si Rhica? Nagalit siya sa'kin dahil dapat na sakanya ang mayroon ako ngayon. Ano bang meron sa'kin ngayon. Wala naman ah! Yung pagiging muse ba yung tinutukoy niya, sira ba siya. kung hindi siya nagkasakit nang araw na yun. Malamang siya pa rin ang muse ng CIT.
Natapos na rin sa wakas ang practice nila Caleb. Lumapit siya agad sa'kin. Yung mga babaing nadaanan niya panay ang tili.
"Yenyen ko.. Maliligo lang ako ah, pagkatapos nito ihahatid na kita sa inyo." malambing niyang wika sa'kin.
"Okay sige."
Binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti, tsaka siya umalis. Ang daming nakatingin sa'king babae mga nakataas ang kilay. Hindi ko na lang pinansin.
"Andrade"
Tumingin ako sa tumawag sa last name ko.
"Uy Sep, ikaw pala."
Ngumiti siya bgo umupo sa tabi ko. "Salamat nga pala sa regalo mo nung birthday ko ah."
Bigla ko tuloy naalala yung regalo ko sa kanya. Syeet. Nakakahiya. "Sorry ah, parang walang kwenta yung gift ko sayo." nahihiya kong sabi sa kanya, hindi tuloy ako makatingin sa kanya.
"Hindi ah, sinong nagsabi na walang kwenta yun? Alam mo ba tuwang-tuwa yung ate ko nung nakita niya yung regalo mo sa'kin, nag-iisip kasi yun ng ipapangalan sa magiging pamangkin ko. Gusto pa nga niyang hingiin pero hindi ako pumayag, sabi ko pwede niyang hiramin pero hindi niya pwedeng hingiin. Syempre ikaw nagbigay nun e." mahaba niyang paliwanag, sabay hawak niya sa batok. Parang nahiya rin siya sa dami ng sinabi niya.
"Mabuti naman kung ganoon." mabuti naman kahit papano may magandang naidulot yung nairegalo ko sa kanya.
"Ahmm. May gagawin ka ba Friday? Friday night?" tanong sa'kin ni Sep.
"Hindi ko pa alam e, bakit?" tanong ko sa kanya.
"Opening kasi ng bago namin bar, gusto sana kitang yayain dun." nahihiya niyang sabi. Itong si Sep, gwapo naman pero parang medyo mahiyain, hindi kagaya ni Caleb ang kapal ng mukha. Haha.
"Hindi ko pa alam e, tignan ko." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ahh.. Sana pwede ka nun." sabay hawi niya sa kanyang buhok.
"Hindi siya pwede nun."
Sabay kaming napatingin ni Sep sa nagsalita. Si Caleb pala, halatang bagong ligo dahil sa basa niyang buhok, at amoy na amoy ko siya. Ang bango..
"Halika na Yenyen ko, nag-aantay na si Conrad sa labas." nakakunot noo niyang saad. Bakit parang biglang uminit ulo nito, kanina lang ang lambing niya pa.
Tumingin ako kay Sep at ngumiti. "Sige Sep, una na kami."
Tumango lang si Sep, pero para bang nadismaya siya.
Habang naglalakad kami palabas ng court salubong pa rin ang kilay ni Caleb.
"Hoy! Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala!"
"Eh, bat ka nakasigaw? Galit ka ba?"
"Hindi!"
"Eh, bat ka nga nasigaw? Galit ka e. Bakit ka galit?" sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya humarang ako sa dadaanan niya.
"Galit ka e. Bakit nga kasi?" tanong ko sa kanya. Ang kyot niyang magalit.
"Hindi ako galit, naiinis lang." mahina na yung boses niya pero halatang naiinis pa rin.
"Okay! Eh, bakit ka naiinis?" takang tanong ko.
"kasi kinakausap mo yung Sep na yun. Bakit mo siya kinakausap? Mas gwapo naman ako doon ah! Mas matalino naman ako doon ah! Mas magaling naman ako magbasketball doon ah." pinipigilan kong huwag tumawa, huwag niyang sabihin na nagseselos siya?
"Eh, bakit bawal ko ba siyang kausapin?"
Lumapit siya sa'kin at ipanagdikit na naman niya yung ilong naming dalawa, dahilan para maamoy ko yung mabango niyang hininga.
Ayan na naman yung puso ko, nagwawala na naman. Kinakabahan siguro ko?! Hindi na naman maipaliwanang yung nararamdaman ko. Ano naman kayang gagawin ng Caleb na 'to, hindi niya ba alam na baka may makakita sa'min dito. Tinitigan niya ko sa mata, kaya tinitigan ko rin siya, kahit nakaka-duling kasi ang lapit namin sa isa't-isa.
Mas lalong nagwala yung puso ko dahil sa sinabi niya.
"Kasi nagseselos ako, mahal ko."
♥♥♥
[A/N: Pasensya na kung medyo waley ang chapter na ituu! Hahaha. Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng Don't Blame Me, Blaine. Dedicated kay @Rhica123 ang chapter na 'to dahil ang sipag niyang mag-comment. Haha. Tignan niyo yung picture ni Caleb sa gilid, ganyan po yung mukha niya pag naiinis. Ang kyoot nu? Hihihi.]