From: Calebaliw
Hwag mu muna aq isipin hbang nag-eexam ka ah? Bka aq ang msagot mu! Hihihi. Goodluck sa exam, lam kong mppasa mu yan! Love youuu! Mwaapx :***
Napangiti na lang ako sa text ni Caleb, kahit kailan talaga jejemon 'to. Kung maka-goodluck naman siya, akala mo naman finals na. Haha! May exam kasi ako ngayon sa computer programming, nag-review naman ako kagabi kaya alam kong kaya kong ipasa ang exam. Mareplyan na nga lang 'tong si Caleb.
To: Calebaliw
Alam ko rin yun. Thank you! :)
Tinabi ko na yung cellphone ko sa bag, at nanahimik na lang sa kinauupuan ko. Hindi ko kasi hilig ang mag-review pag malapit na ang exam. Kaya tinitignan ko na lang yung mga classmate ko sa classroom.
May ilang nagrereview by group, meron naman tahimik lang na nagbabasa mag-isa, yung iba nagdadaldalan na akala mo walang exam na mangyayari ngayon.
Tinignan ko yung relo ko. 5 minutes na lang darating na si Sir.
Napatingin ang lahat nang bumukas ang pinto. Akala ko si Sir na, hindi pala.
"Hey Rhica what's up?"
"Long time no see.. b!tch.."
"Gumaganda ka girl!!"
Si Rhica ang pumasok, yung tindig talaga niya akala mo isa siyang professional model, hindi ko makakailang maganda talaga siya. Medyo bilugan ang kangyang mga mata na may pagkasingkit, maputi, matangos ang ilong. Kaya nga lang lagi siyang naka-make-up hindi tuloy nakikita yung natural niyang ganda, katulad ngayon. Ang dami niyang suot na burloloy sa katawan.
Ngumiti si Rhica at inilibot niya yung paningin sa loob ng classroom. At huminto ang tingin niya sa diretsyon ko. Ngayon naman naka-taas na yung kilay niya, naglalakad na siya. I think pupunta siya sa'kin.
Tama ako.. Sa akin nga niya pumunta, pinagkrus niya ang kanyang dalawang braso sa dibdib bago niya inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
Nakikipagtitigan siya.. Kaya nakipagtitigan din ako..
Inilayo niya na ang mukhang niya sa'kin sabay umiling-iling.
"Anong panama mo sa'kin Yenelle? Look at yourself! You look like janitress." maanghang niyang sabi. Ayos ha, ngayon lang kami nagkita, at ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ko, tapos ganyan kaagad ang bungad niya.
Oo, alam ko napaka-simple lang ng ayos ko ngayon. Naka-tshirt lang ako, maong pants saka rubber shoes tapos naka-ponytail yung buhok ko. Pero ayoko ng sinabi niya e. Anong akala niya sa'kin papatalo?
Tinignan ko rin siya sa pinakaboriiing na paraan. "Eh, ikaw Rhica anong panama mo sa'kin? Look at yourself! You look like a clown." ginaya ko kung paano siya nagsalita.
May mga napa 'oooh!' sa loob ng classroom, malamang nagulat sila na nakita nila, hindi kasi ako ganitong tao, pero dahil sawa na ko mag-papaapi noon, sisiguraduhin kong hindi na mauulit yun ngayon.
Nakita kong namula si Rhica. Gusto ko sanang tumawa pinipigilan ko lang, ang alam ko kasi kagagaling lang nito sa sakit e. Baka pag pinatulan ko pa mabinat lang, kawawa naman.
Magsasalita pa sana siya kaso dumating na si Sir., binigyan niya muna ako ng nakamamatay na tingin bago pumunta sa pwesto niya.
Naalala ko yung sinabi ni Roar kahapon na mag-ingat ako kay Rhica dahil galit siya sa'kin, pero hindi ko akalain na ganto mukhang may magiging kontrabida na naman sa buhay ko.
Nagsimula na ang exam, katulad ng inaasahan madali ko itong nasagutan at ako rin ang pinakamaagang natapos. Chineck ko muna yung test paper ko bago ko ipinasa kay Sir.
Pagkatapos kinuha ko na yung black backpack naglakad na ko papunta sa pinto, ganto kasi rito pag tapos ka na sa exam pwede ka ng lumabas.
Pagbukas ko ng pinto.
Mukha kaagad ni Caleb ang nakita ko.
"Wooh! Ang galing talaga ng Yenyen ko!! Sabi ko na nga ba ikaw ang unang matatapos eh.."
Napa-facepalm ako. Paano ba naman? Ang lakas ng boses niya kaya rinig na rinig sa loob ng classroom. Napailing na lang ako, lumabas na ko ng classroom tsaka ko isinara ang pinto.
"Bakit nandito ka wala ka bang klase?" tanong ko sa kanya.
"Wala, parehas tayong walang klase ngayong oras. Mamaya pa naman yung next class mo diba? Kain muna tayo, treat kita." magiliw niyang sabi sa'kin.
"Ayokong kumain wala akong gana." sabi ko na tinatamad, nawala ako sa mood ng kausapin ako ng Rhica na yun kanina.
"Baki--" naputol ang sinabi ni Caleb ng biglang may nag salita.
"Oooh! Caleb.. It's that you.. Ang gwapo mo pa rin sobra!" sabi ni Rhica. Wow ah! Huwag niyang sabihin na natapos niya kaagad ang exam ah, edi siya na!
Tinignan lang siya ni Caleb pero hindi siya pinansin. "Bakit walang gana ang Yenyen ko?" sabi niya na naka-pout pa. Hindi ko mapigilang hindi matawa, kaya kinagat ko na lang yung labi ko. para kasing tanga si Caleb, alam na nga na may kumakausap sa kanya, hindi niya pinapansin, tapos ngayon nagpapa-cute siya sa harap ko.
"Hey Caleb baby.. This is me Rhica!" napu-frustrate na sabi ni clown.
Tinignan siya ni Caleb. "Shut up! Can't you see, I'm talking to my girlfriend, and what did you say Caleb baby? The hell! Yuck!" napanganga ako kay Caleb. As in? Siya ba talaga 'to? Baka naman si Mavy 'to umienglish.
Hinila ni Caleb ang kamay ko. "Uy, bat mo naman ginanun yung tao." sabi ko sa kanya ng nakalayo na kami kay Rhica, medyo naawa naman kasi ako kay clown, mukha na kasing iiyak e.
"Diba sinabihan ka niyang mukha kang janitress kanina."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Caleb, paano niya nalaman yun. Wala naman siya sa loob ng classroom kanina.
"Oo alam ko, alam ko yung nangyari kanina." sabi niya na para bang nabasa niya yung iniisip ko.
"Gusto ko rin yung sinabi mo kanina ah! Look at yourself you look like a clown." ginaya niya kung paano ko yun sinabi.
Natawa na lang tuloy ako. "Kumain ka nga lang tayo. Nakaramdam tuloy ako ng gutom sayo e."
"Kung gusto mo.. Ako na lang kainin mo!" wika niya ng nakangisi. Hinampas ko tuloy siya, tinatamaan na naman kasi siya ng kamanyakan e.
Inakbayan niya ko. "Joke lang po! Basta tandaan mo 'tong sasabihin ko, hindi ako papayag na may taong mananakit sayo. Kasi pakiramdam ko nasasaktan din ako."
♥♥♥
[A/N: Hey guys! :) Si Rhica yung nasa gilid! Ang ganda niya nu? Kaso yung ugali, maganda rin ba?]