This novel was published by Precious Pages Corporation under Precious Hearts Romances imprint, 30 September 2009.
Catchline:
"Ang gusto ko, kung saan ka, doon din ako dahil gusto kitang makita palagi at mapalapit sa 'yo. Pasensiya ka na. Sinusunod ko lang naman ang sinasabi ng puso ko."
Teaser:
Sabi kay Ladylyn ni Princeton, na-love at first sight daw ito sa kanya nang una sila nitong nagkita. Kaya, para daw mapalapit ito sa kanya, lumipat ito sa unibersidad kung saan siya nag-aaral, tumira sa boarding house na tinutuluyan niya at nagtrabaho sa bakeshop na pinagtatrabahuhan niya.
Inaamin niya, may naramdaman din siya para sa binata pero binabalewala niya iyon. Dahil bukod sa inis at galit siya rito, ang kababata niya ang tanging isinisigaw ng puso niya. May girlfriend na rin naman ito. Pero mukhang seryoso talaga ito sa kanya.
Nang ma-realize naman niya na ito ang mas matimbang sa puso niya, paano naman si Janna na ayaw itong pakawalan at ang daddy nito na ayaw sa kanya para dito?
[Cover Photo (c) to PHR, PPC]
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
28 parts Complete
28 parts
Complete
Ebook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses
Teaser:
"Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit."
Nine years old pa lamang si Patti ay alam na niya kung sino ang lalaking para sa kanya. Iyon ay walang iba kundi ang Mr. Incredible na kapitbahay niyang si Simon. Alam din ni Simon ang pagiging hibang niya rito pero dead-ma lang ang lalaki sa lahat ng efforts niya.
Sanay na si Patti na laging hindi pinapansin ni Simon. Pero ang pinakamasakit ay ang harap-harapan nitong pag-reject sa kanya bilang ka-date sa JS prom.
Palalampasin na sana niya ang ginawa nito, pero bakit tila naiinis si Simon nang makahanap si Patti ng ibang ka-date na guwapo at magaling ding mag-basketball tulad ng lalaki? Biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Simon nang maging malapit sila ni James.
Could it be that he was jealous of James?
---Isa po ito sa pinakapaborito kong published book dahil inspired po ito sa crush kong basketball player ngayon. Kininilig pa rin ako tuwing naiisip siya. Hehehe! Sana mag-enjoy kayo sa story!
p.s. unedited version po ulit ito... pasensya po kung may masalubong kayong 'wg' at 'typo'.
Published under Precious Hearts Romances, please grab a copy of the book version at National Bookstores, Precious Pages Outlets and other bookstores.
Highest Ranking in Romance:
#68 - October 22, 2017