抖阴社区

STATION 03

74 7 3
                                        




"Mga teh, 'di niyo talaga nakita?" tanong ko kila Ceya habang halos baliktarin ko na ang kwarto namin dito sa dorm kahahanap doon sa panyo ko. Leche naman. Sobrang importante sa akin no'n eh, hindi pwedeng mawala 'yon.


"Hindi rin namin napansin eh. Saan kaya napunta 'yon?" sagot ni Ceya.


"Sure ka bang dito mo sa dorm naiwan, Cons?" tanong ni Cleng sa akin habang tumutulong na rin sila sa paghahanap.


"Ayun nga eh, hindi ko rin matandaan talaga." Naiiyak na ko sa frustration, saan ba kasi napunta 'yon? Alam ko dala ko 'yon kahapon pero hindi ko naman maalalang inilabas ko kaya paano mawawala?


"Tatlong lugar lang ang pinuntahan natin kagabi, Cons. Kila Nanay, sa Kartilya tsaka itong dorm pagkauwing-pagkauwi natin. Kung wala kang maalala na inilabas mo 'yung panyo mo kagabi, baka nga nandito lang. Baka na-misplace," sabi ni Cleng saka marahang hinawakan ang balikat ko.


"Hindi mo ba naisama sa mga pinalaundry mo? Baka nando'n." Agad akong umiling sa sinabi ni Ceya.


"Hindi ko pinapa-laundry 'yon, ako mismo naglalaba no'n eh. Tsaka nakita ko pa 'yon kahapon. Nakakainis naman, bakit hindi ko maalala?" Napaupo na lang ako sa kama saka bahagyang minasahe ang sentido ko.


"Ganito na lang, mamaya hahanapin natin ulit. Balik tayo sa mga pinuntahan at dinaanan natin kagabi, baka nahulog o kaya naiwan mo tapos hindi mo namalayan o napansin. Nando'n lang 'yon, babalikan natin. Okay?" pagpapakalma sa akin ni Cleng. Pinagbukas naman ako ni Ceya ng yakult saka niya iyon iniabot sa akin.


Tipid akong napangiti pagkaangat ko ng tingin sa kanila. Inabot ko rin ang yakult na ibinibigay ni Ceya. "Salamat... sorry."


Ngumiti na rin silang dalawa sa 'kin. "Parang sira 'to, naiintindihan namin. Alam namin kung gaano ka-importante 'yon sa 'yo. Basta mamaya, hahanapin natin ulit, okay?"


Tumango naman ako sa sinabi ni Ceya. Marahang niyakap naman ako ni Cleng.


"Ano, tara na? May klase pa tayo kay Sir Mike," aya ni Cleng sa amin. Huminga lang ako nang malalim bago ako tumango. Kinuha ko na rin ang bag ko saka ako tumayo.


Nagsi-angkla na sila Ceya at Cleng sa braso ko. Hatak-hatak na nila ko habang palabas kami ng dorm, nagpahatak na lang din ako at hindi na nagreklamo.


Dahil malapit lang ang dorm namin sa campus at sa ground floor lang naman ng building ng COE ang klase namin ay mabilis kaming nakarating sa room namin.


Pagkarating namin ay hindi pa ganoon karami ang tao. Pumasok na rin kami at umupo na sa pwesto namin. Wala pa rin si Sir Mike, ang professor namin sa Programming, dahil medyo maaga pa naman.


Ilang minuto pa at dumating na rin si Sir. Discussion lang kami ngayon kaya wala kami sa computer lab. Ito namang dalawang katabi ko eh handang-handa na ang mga chichirya sa bag. Ano 'to, netflix and chill? Malamang lalamon na naman ang mga 'to dahil manunuod lang kami ng lecture video. Nakakaantok pa naman sa room na 'to, napaka lamig masyado, hapon pa. 'Wag lang sanang magkaroon ng biglaang recitation mamaya dahil paniguradong wala akong masasagot. Hindi magpa-function nang maayos ang utak ko sa ganitong set up.


Pagkaset-up ng video ay inumpisahan na agad ni Sir na i-play 'yung panunuorin namin. Lahat kami ngayon ay akala mong manonood ng sine dahil sa ayos ng mga upo. Ang iba nga ay mga nakahiga na habang may mga nakapatong na scarf o kaya naman kumot. Mga ready talaga 'tong mga 'to. Ayos lang naman kay Sir Mike. Mabait kasi 'yan si Sir kapag mga ganito pero syempre, kapag nagpa-recit 'yan o quiz after nitong lecture eh doon na magkaka-alaman.


Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon