"Gaga ka, hindi mo man lang chineer!" sumbat agad sa akin ni Ceya.
"Oo nga, Cons. Kahit simpleng 'woo!' lang," dagdag pa ni Cleng.
Napatingin naman ako sa court. Huling quarter na at medyo tambak ang score. 86-70. 86 sa NC, 70 naman sa AU. Kakaunti na lang din ang natitirang oras. Imposible na talagang makahabol sila Chase.
"Dali na, Cons! Ilang segundo na lang oh!" ani Ceya saka ako niyugyog. Nakisama na rin itong si Cleng. Ako naman, nahihilo na kakayugyog nila sa 'kin!
Muli akong napatingin sa court. Hawak ngayon nung Daryl ang bola. Bakit gano'n? Practice game lang naman 'to pero ramdam na ramdam namin 'yung tensyon! Akala ko nga, talagang walang magchi-cheer sa AU dahil hello! Nasa NC sila ngayon pero, maling-mali teh! Halos nahati ata ang populasyon ng NC, karamihan ay nag-cheer din sa AU. Puro freshmen nga halos.
Mas lalong tumaas ang tensyon nang ipasa ni Daryl kay Chase ang bola. Lalo ring lumakas ang hiyawan ng mga tao. Sure win na naman pero hindi ko alam kung bakit ganito pa rin 'yung atmosphere. Tangina, ang bigat! Hindi pa po ito finals!
Ilang segundo na lang pero panay dribble pa rin si Chase. Ano na, teh?! Paubos na 'yung oras, i-shoot mo na 'yan!
"Go!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na makisigaw. Putek, may mangilan-ngilan pang tumingin dito. Bakit ba kasi nangingibabaw ang boses ko?! Hayaan mo na nga sila, at least go lang! Wala akong sinabing university. Bahala na sila kung anong isipin nila! At ito namang si Chase, bahala na siya sa buhay niya kung mage-gets niya, kapag hindi, edi ang shunga niya!
Nanatili sa court ang tingin ni Chase pero bahagyang pumorma ang ngisi sa labi niya. Huling sampung segundo ng laro ay doon na niya ishinoot ang bola.
Leche, nakaabot. Naka-3 points pa amputek.
86-73. Akalain mo nga naman.
"Ayan na! Ayan na! Tapos na sila!" sabik na sabi nitong si Ceya saka ako pinaghahahampas sa balikat. Leche, masakit ah!
"Kumalma ka nga, Ceya," natatawang saway naman ni Cleng sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako sa dalawang 'to. Akala ko ba mga mag-eextend 'tong mga 'to?
"Kayong dalawa, akala ko ba mag-eextend kayo ha?"
"Nag-volunteer na kong mauna, pagkatapos ko, dumiretso ako agad dito," natatawa pang sagot nitong si Ceya.
"Natapos ko agad 'yung docs, si Lulu na raw ang bahalang magpasa kaya nakaalis ako kaagad," paliwanag naman ni Cleng.
Dahan-dahan naman akong napatango. Ang dalawang ito talaga.
Mga nakipagkamay lang 'yung players namin kila Chase pagkatapos no'n ay mga nagsi-alisan na rin sila, malamang mga magsisibihis na.
Sila Chase naman ay naiwan pa ro'n sa court, hindi ko alam kung anong nangyayari pero mga mukhang nang-aasar 'yung mga kasamahan niya. Saglit na nagpalinga-linga si Chase sa paligid bago nakarating dito sa pwesto namin ang tingin niya. Bahagya siyang ngumiti bago ibinalik sa mga kasamahan niya ang atensyon niya. May sinabi lang siya sa kanila bago siya muling tumingin dito sa pwesto namin.
May sinesenyas siya sa akin pero punyeta, hindi ko naman maintindihan!
"Ano raw?!" inis na bulong ko dahil hindi ko talaga maintindihan. Panay turo lang siya rito, hindi ko naman ma-gets!
BINABASA MO ANG
Empty Spaces
RomanceToo much pressure and expectations. Lots of pain and bullshits. Living has always been like that. You fall, you try to stand up, and then you'll fall again. You've been hurt, you'll be healed and then another pain comes in. Being alive... is really...
