"B-Bakit nandito na kayo? M-Maaga pa ah? Mamaya pa ang tapos ng semis 'di ba? Tapos na ba? Maaga bang natapos? Anong nangyari? Kumusta 'yung laban?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila pagkatayo ko, sinusubukang i-divert ang topic.
"Cons..." mahinang tawag ni Ceya sa 'kin.
"O-Oh? Ano ba, ba't ganyan itsura niyo? Para kayong ewan d'yan," sabi ko saka ko pinilit tumawa. Ang mga ito naman, hindi man lang naki-cooperate, naiiyak pa rin sila habang tinitignan ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Leche, hindi pa ko ready sa iyakan!
Agad naman silang tumakbo papunta sa 'kin saka ako niyakap. Tumingin na lang ako sa taas para hindi magtuloy ang luha ko sa pagtulo.
"Parang kayong mga sira, ano ba," sambit ko.
Pagkabitaw nila sa pagkakayakap ay agad nila akong pinaupo, sumabay na rin sila saka ako tinignan, inaantay ako na magsalita.
"'Wag niyo akong tignan nang ganyan," seryosong saad ko habang nagpipigil ako ng emosyon kasi punyeta, alas dos ng tanghali, tanghaling tapat, tapos mag-iiyakan kami rito?!
"Putek ka talaga," ani Ceya saka ako inirapan. Walangya 'tong gagang 'to, naluluha na't lahat, nagawa pang irapan ako.
"Pwede ba kaming magtanong?" malumanay na tanong ni Cleng.
"Gaga, nagtatanong ka na," sarkastiko kong sagot kahit patulo na ang uhog ko, leche talaga 'tong dalawang 'to!
Imbis na matawa ay marahan niya lang na hinawakan ang kamay ko. "Kay Tita ba?"
Napapikit na lang ako saka napabuntong-hininga. Pagkatango ko ay narinig ko agad ang mabibigat nilang paghinga, inaasahan na siguro ang sagot ko.
"Seryoso ba talaga si Tita? Bakit... bakit parang biglaan naman?" mahinang tanong ni Ceya.
"Tutuloy ka? Gusto mo ba? Alam mo namang kung saan ka, doon kami. Susuportahan ka namin basta masaya ka," dagdag pa ni Cleng.
Napayuko na lang ako. "Alam niyo namang dito lang ako masaya..."
"Teka, 'di ba mahirap lumipat do'n? Uulit ng first year? Kaya nga hindi ka natuloy noong nakaraang taon. Anong nangyari?" tanong ni Ceya.
"Akala ko rin ligtas na ko. Hindi ko alam kung anong paraan o pagkausap ang ginawa ni Mama sa mga tao ro'n."
"May problema kaya si Tita? May dahilan naman siguro kung bakit pilit ka niyang pinapalipat at pinapabalik sa Bulacan 'di ba?" ani Cleng.
Nagkibit-balikat na lang ako. Wala namang sinasabi si Mama. Mukhang trip niya lang talaga akong palipatin. Ewan ko. Mababaliw na ko!
Nakakatawa. Nagpakahirap akong itaas at i-maintain ang grades ko rito sa NC dahil gusto ko sanang grumaduate ng may latin honors. Baka sakaling sa paraan at panahon na 'yon, makaattend na si Mama sa graduation ko... tapos ngayon, lahat ng 'yon, dahil lang sa lilipat ako, mababaliwala na lahat dahil hindi pwedeng magka-latin honors ang mga transferees sa lilipatan ko. Isang malutong na putangina. Sayang lahat ng kinape ko pota.
"Hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin, parang masyadong biglaan," sabi ni Ceya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
Kahit ako rin naman, hindi pa rin talaga napoproseso ng utak ko lahat ng nangyari kanina.
Kung tutuusin, hindi na dapat kami nabigla dahil first year pa lang, pinapalayas na ko ni Mama rito. Hindi ko alam kung anong dahilan at gustong-gusto niya kong palipatin sa university malapit sa 'min, eh maayos naman na ako rito. Kahit tangina hirap na hirap na ko, kinakaya ko naman, nag-eexcel pa rin naman ako, kasi gusto ko, kasi pangarap ko, kasi mahal ko 'yung ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Empty Spaces
RomanceToo much pressure and expectations. Lots of pain and bullshits. Living has always been like that. You fall, you try to stand up, and then you'll fall again. You've been hurt, you'll be healed and then another pain comes in. Being alive... is really...
