抖阴社区

STATION 09

71 6 2
                                        




"Hoy, Chase!"


Nang lumingon siya ay agad ko siyang sinenyasan na lumapit dito. Bigla naman siyang napangiti nang makita ko. Luh, tuwang-tuwa?


"Constance? Aga ah?" bati niya pagkalapit niya sa 'kin. Napatingin pa siya sa sandamakmak na paper bag na dala ko.


"Lalaban si Ceya 'di ba?" pagpapaalala ko sa kanya. Dahan-dahan naman siyang napatango nang maalalang si Ceya ang pambato namin.


"Teka nga, oh!" sabi ko saka ko inabot 'yung isang paperbag sa kanya nang mabawas-bawasan na ang mga dala-dala ko ano!


Nang kuhanin niya 'yon ay agad niyang tinignan kung ano ang laman. Natawa na lang siya nang makita kung anong nandoon. Bahagya rin akong natawa nang maalala ang inilagay ko roon.


Iba't ibang variant at sizes ng katinko lang naman. Ayan sige, magsawa siya. Aba, ma-touch siya 'no, ipon ko lang naman ang pinambili ko n'yang mga 'yan!


"Thank you ah?" seryosong sabi ko sa kanya saka ako ngumiti.


Ngumiti naman siya pabalik. "How was it?"


"Oks. Medj binawasan ni Sir 'yung oras pero nairaos ko naman nang matiwasay. Mataas din ang score na nakuha ko," proud na sabi ko pa na mas lalong nagpangiti sa kanya.


"Congrats, Constance. You've worked hard for it, you deserve it," nakangiting bati niya.


"Sus, umechos pa. Thank you!" natatawang sagot ko naman na mas lalong nagpangiti sa kanya.


"Kailan ulit laro niyo?" tanong ko dahil hindi naman na kami nakapagkita after nung lakad namin sa Kartilya.


Mas naging busy na rin itong si Chase sa training after ng finals nila. Nakakapagtext at update pa rin naman siya pero more on puro para sa akin na lang na mga paalala niya at pa-motivational quotes, makapag-text lang ba gano'n, para siguro hindi sayang ang load niya o 'yung linya niya. Ewan ko ba riyan. Nakakapagkwento pa rin naman siya sa mga ganap niya sa buhay nitong mga nagdaang araw pero kadalasan talaga, bagsak na 'to pagkauwi dahil sa pagod. Hindi ko naman siya masisisi, sobrang competitive ng AU ngayong taon eh. Eh competitive rin 'tong si Chase, odi kumusta naman 'di ba?


"Bukas, 10 am," sagot niya saka marahang ngumiti pero ewan ko, may mali sa ngiti na 'yon eh. Alanganin. Ramdam ko 'yung kaba niya kahit na hindi niya sinasabi. Grabeng pressure naman ata ang ibinibigay sa kanila, sana maayos silang makapaglaro bukas.


"'Yung mananalo sa semis, sila 'yung tutuloy sa finals 'di ba?"


Tinanguan naman niya ko. Dahan-dahan na lang din akong tumango bago ako pa-simpleng nag-iwas ng tingin. Bahagyang napakunot ang noo niya nang makita ang naging reaksyon ko. Hinuli niya agad ang tingin ko.


"Why? Anong problema?"


Napakamot na lang ako sa ulo ko bago muling tumingin sa kanya. "Baka kasi... hindi ako makanood ng semis. Baka... hindi rin ako makaattend bukas."


"Are you okay? May sakit ka ba?"


Umiling ako kaagad saka napabuntong-hininga. "Wala akong sakit, magkakasakit pa lang," bulong ko pa pero mukhang narinig pa rin ni Chase.


"What? Anong masakit sa 'yo?" Sinalat na niya agad ang noo ko para i-check kung mainit ba ko o ano, isinabay pa niya ang kamay niya saka iyon inilagay sa noo niya upang malaman ang diperensya ng temperature ko sa kanya.


Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon