The cold breeze of air touches my skin. I hug myself to at least felt a small amount of warmness. Napatingin ako sa paligid at natagpuan ang sarili sa loob ng apat na sulok ng puting kwarto. Mayroon din na nakakabit sa aking kamay na swero. Halos mahilo ako nang subukan 'kong tumayo. Nagulat ako nang mayroong dumalo sa akin para tulungan ako.
"Naih, don't move too much." I heard that familiar baritone voice. Napalingon ako at nakita ang isa sa mga kasama ko sa modeling. Nagtataka ako kung bakit ako napunta sa hospital.
"Nagkaroon ng gulo kanina. Nadaganan ka sa fashion week, I'm sorry I wasn't there to save you. You're safe and your.." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"What do you mean?" Nanginginig ang boses na sambit ko. Napayuko siya at parang hindi alam kung paano sasabihin ang nalalaman niya.
"Sabihin mo. Anong ibig mong sabihin?"
"You're pregnant." Sagot niya. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Sobrang gulo ng isipan ko hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat nang naririnig ko. Marami akong problema sa ngayon, I don't know how to handle this.
Napatingin ako sa aking tiyan at nanginginig sa sobrang takot. Napaiyak ako hanggang sa niyakap niya ako. Hinagod niya ang likuran ko at doon ako mas lalong umiyak.
"I can't just let my sacrifices go to waste. I turn my back to everyone, just to aim this success." Naiiyak na sambit ko.
"I know. I can help you with the child."
Nailabas ako sa hospital at tulala lamang ako habang nasa gym, kailangan 'kong bumawi bukas dahil nagkamali ako kahapon at mayroong mga taong galit sa akin dahil sa issue na mayroon ako ngayon. Paano kung malaman nila na buntis ako? Paano nalang ang career na pinaghirapan ko?
Napahilamos ako sa aking mukha sa sobrang stress. Hanggang ngayon hindi ko matanggap ang bata. Hindi ko alam kung paano ko siya itatago at poprotektahan sa mundong binuo ko. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na nakamit ko ito o matutuwa. Wala siyang ama, walang tutulong sa akin na palakihin siya.
Agad akong umupo at nagpahinga. Naalala ko ang batang nasa sinapupunan ko, hindi ko maaaring pabayaan ang sarili ko dahil mayroong taong nabubuhay sa katawan ko. Napatingin ako sa television sa loob ng gym at halos manlumo ako sa napanood.
"Lander Cruz, the well known Engineer in the philippines is dating the most successful international model. He also plans to be part of the modeling world."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Paanong..
Nandito siya sa LA, I thought he's in the Philippines! Nagbihis na ako at umuwi sa condo ko. Nagready na ako for tonight's fashion week. Pagpunta ko sa back stage nakita ko agad ang model na rumor girlfriend ni Lander. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing iisipin ko na masaya sila at ginagawa nila ang mga bagay na ginagawa namin noon ng lalaking mahal ko.
Napaluha ako pero kaagad ko 'yung pinunasan. Parang baliw na ako dahil palagi akong umiiyak which is very unusual to me, siguro dala rin ito ng pagbubuntis ko. Well, pinaghirapan ko kung anong mayroon ako ngayon kaya lalakasan ko nalang ang loob katulad ng dati..
Dahil palagi naman na ang pagkakamali na nagagawa ko ay mas higit na nakakasakit sa mga taong nasa paligid ko. Bawat kilos ko palaging may consequences, siguro I'm born to ruin everyone's life. Natatakot ako na baka matulad sa akin ang anak ko. Ayokong masira ang buhay niya ng dahil sa akin.
Nagbihis na ako ng isusuot ko para sa ramp mamaya. Sinuot ko ang white mock neck gathered sleeve layered ruffle dress na masyadong formal and not usual na sinusuot ko. Hindi ito masyadong revealing katulad ng mga sinusuot ko noon sa mga ramp ko. Sobrang taas ng part ng dibdib nito, nasa leeg na halos. Walang cleavage na makikita, inilugay ko lamang ang brown colored hair ko na hanggang baywang at wavy. May highlights din itong light brown.
Bagay na bagay sa morena ko na kulay, I don't know but they really love my skin color, that's why I'm confident. Akmang aakyat na ako sa stage nang makita ko si Lander na nilapitan ang co-model ko na rumored girlfriend niya. Nakita ko na hinawakan nung model ang mukha ni Lander at tumawa lamang ito.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita. Agad akong nag-iwas ng tingin at dumaan sa likuran nila. Napansin ko ang titig sa akin ni Lander ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Nagsimula ang pagrampa ko at halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang makita si Lander sa audience na nanonood sa akin. I want to be happy that he's here to watch me being passionate about my dream. This is me, this is how I see myself. This is the woman you once loved. Nagtaka ako nang bigla siyang ngumiti sa akin, napangiti rin ako sa hindi malamang dahilan. Are you proud of me?
Umikot ako at nagsimula naman pabalik, laking gulat ko nang makita na nasa likuran ko pala ang model na girlfriend niya. Parang natulos ako sa kinatatayuan ko, so hindi ako ang nginitian niya..
Napangiti ako ng mapakla at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa back stage. Tumulo ang luha ko right after I reach the last step of the stair from the stage. This life sucks. He doesn't want me to see reaching my dreams and yet he managed to replace me to someone who has the same dream as me.
Life can be cruel sometimes, or should I say always. We both love each other before, but we can't comprehend with each other's belief, dreams, passion and consistency. I once believe that the fate of two people in love, will eventually collides. No, we should accept the fact that, even though you love each other and yet you can't make everything work that's the real essence of tragedy.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga salitang araw araw na magpapaalala sa akin na hindi kami ang para sa isa't isa.
"The problem here is the intensity of your passion, you already forgotten the quality of love I'm willing to give you. I'm done with your half measures."
He called my love as half measures when in fact I fully love him. Maybe, it is what meant to happen.

BINABASA MO ANG
Pieces of an Amaranth Affection(Fate Collides Series #4)
Romance"The problem here is the intensity of your passion, you already forgotten the quality of love I'm willing to give you. I'm done with your half measures."-Lander Cruz