抖阴社区

Chapter 8

56 3 0
                                    

Smitten


Hindi ako pinatulog ng mga katagang sinabi ni Lander bago ako pumasok sa loob ng bahay namin kagabi.

I'm still wondering what he meant by saying that he overthink while practicing. Nagulat ako nang mayroong kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Ate! May naghihintay sa'yo sa living room! Gumising ka na dyan.” Sambit ng kapatid ko. Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Teka, pababa na.” I replied behind close doors. Nagtataka man kung sino ang nasa baba ay mas binilisan ko sa pagre-ready sa pagpasok sa klase.

Maybe it's one of my friends. Bumaba na ako at halos matulos ako sa kinatatayuan nang malaman na si Lander ang naghihintay sa akin sa living room.

“What are you doing here?” I unconsciously asked. Bago pa siya makasagot, dumating na si Mama which is my step mom na pinaghahanda si Lander ng coffee.



“Why are you being so rude with your boyfriend, Naih?” Sambit ni Mama habang may nakakalokong tingin. Umirap ako at lumapit sa kanila.


“He's not my boyfriend.” Sagot ko na tinawanan lang ni Lander. Sinamaan ko siya nang tingin. Nang maiwan nalang kaming dalawa sa living room agad ko siyang tinanong.



“Bakit ka nandito?” He smiled when I asked him. “Ihahatid kita.” He replied. Umiling iling nalang ako sa narinig.


Natapos kami mag-break fast sa bahay kaya sumakay na ako sa kotse niya para makapasok na kami sa mga klase namin.



Tahimik kami sa buong byahe, whenever he has a chance he always glance at me. He looks so happy, pasipol sipol pa siya habang nagmamaneho.



“What's going on with you?” Nagtataka na tanong ko. Naguguluhan na talaga ako sa kinikilos niya ngayon.




“I'm just happy. Your family already know my existence.” Sumipol pa siya pagkasabi nun.


“As my friend.” I said flatly.


“It's fine. Next time, as your husband naman.” He said. “Seriously?!” Pagalit na tanong ko na nagpahagalpak sa kaniya nang tawa. Nakakapikon na talaga ang lalaking 'to.



Nakarating kami sa University na nagtatalo dahil sa mga pinagsasabi niya. He loves teasing me and we always fight because of it.



Hinatid niya ako sa klase ko kaya pinagtitinginan kami ng mga students na nakakasalubong namin sa hallway. Nakarating ako sa klase ko na wala pa ang mga kaibigan ko.



Biglang may lumapit sa amin na isa sa mga kaklase ko sa major subject namin.



“Naih, kayo ba ni Lander?” Agad na kumunot ang noo ko sa tinanong niya at tinaasan siya ng kilay.



“Chismosa lang?” Pagtataray ko sa kaniya. Agad siyang kinabahan sa naging sagot ko. “Sorry pero akala ko kasi kayo na e, may kasama kasi siyang babae kahapon. Baka kasi niloloko ka niya.” Sambit nito. Pinakita ko na wala akong pakialam sa sinabi niya at hindi nalang siya pinansin.




Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig. Nanatili akong tulala kahit na dumating na ang mga kaibigan ko at binabati nila ako.



I was too pre-occupied that I didn't notice my classes already ended. Para akong zombie na naglalakad papuntang cafeteria, habang sila Cosette ay nagkukwentuhan tungkol sa kinalabasan ng project namin.




“Naih, kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba?” Zades asked me.



“Oo naman, nagugutom lang siguro ako.” Sagot ko. Ngumiti siya at sinukbit ang braso sa akin at iginaya ako sa loob ng cafeteria para makapag-lunch na.



Tahimik lang ako habang binabati kami ng mga boys. Nandoon si Lander na siyang ikinagulat ko dahil madalas ay mayroon siyang training. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin habang umuupo ako sa tabi ni Cassy.



“Girl, hindi ako sanay na tahimik ka. Kulang ka ba sa party?” Tanong niya na nagpatawa sa akin nang mahina. Natawa rin siya sa naging reaksyon ko.



“Oh? Kulang ka siguro sa boys. Marami ako irereto sa'yo!” Malakas na sambit ni Cassy na alam kong narinig ni Lander. Nararamdaman ko ang titig sa akin ni Lander.



“Cassy.” May banta sa boses na sambit ni Lander. Agad na napatingin sa kaniya si Cassy.



“What? Single naman si Naih ah. Being single is always ready to mingle!” Sinamaan siya lalo nang tingin ni Lander pero umiwas lang ako ng tingin.




My phone vibrated. Alam ko na nag-send sa akin si Lander ng message dahil nakita ko siyang nagta-type ng message sa phone niya. Hindi ko ito tinignan at binilisan ang pagkain para makaalis na doon.



Nagpaalam si Lander na gagamit ng comfort room kaya ginamit ko 'yong pagkakataon para tumakas at iwasan siya. Hindi ko lang siya kayang harapin sa ngayon, alam ko na wala naman siyang kasalanan at hindi ko rin napatunayan na may babae nga siyang kasama.



Wala rin dapat sa akin kung mayroon nga dahil wala naman kaming relasyon. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit ko. Ano naman kung mayroon siyang babae?



I just focus in my classes. May balak din akong mag-part time job pagtapos ng mga klase ko. I want to enhance my skills in designing a clothes. O hindi kaya ay papasukin ko ang modeling. I shouldn't waste my time..




Nang matapos ang mga klase ko. Pumunta ako sa library para gumamit ng internet connection. I open my macbook and search for a website which is currently hiring.



Nakahanap ako ng hiring na company na naghahanap ng assistant sa isang specific department. It is also a famous clothing brand, so I immediately grab the opportunity to send my application.



Nag-email ako na naghahanap ako ng part time job na makakatulong sa akin na magkaroon ng experience when it comes to my chosen degree. I just hope they will acknowledge my application.



Napagpasyahan ko na tignan ang phone ko at nakitang maraming messages sa akin si Lander. Tinanong niya kung bakit ako umalis agad, ihahatid niya raw ako sa klase ko.



Napatahamik ako nang marinig ang usapan ng ibang students na kakapasok lang ng library.



“They look so adorable together. Sadly, Lander might just took her as a past time.” They said. Pinag-usapan pa nila na mula raw sa Engineering department ang kasama nitong babae. Nasa iisang department pala sila..




Lumabas na ako ng library na pakiramdam ko sobrang bigat ng loob ko. I didn't realize that my feet brought me to the Engineering Department. Doon nakita ko ang mga estudyante na abala sa pakikipagkwentuhan habang nagpapakita sa isa't isa ng mga plates nila.



Naglakad ako papasok sa building nila. Naabutan ko si Lander na seryosong nagi-sketch ng plate niya sa room nila at katabi niya ang isang maputint babae na kinukulit siya sa silya niya.



Mukhang nagkukwentuhan silang dalawa at mukhang nasisiyahan si Lander na nakikinig. Nakikita ko pa kung paano haplusin nung babae ang braso niya.



Tumalikod na ako sa kanila at dire diretsong nilisan ang building nila. I didn't realize that the heaviness of my heart is too much that I didn't bother the long walk. Naglakad lang ako hanggang sa terminal ng bus kahit na sobrang layo nito.



Namamanhid ang aking paa sa layo nang nilakad ko. Umuwi ako sa bahay at agad na binagsak ang sarili sa kama. Maybe, I became so attached to him that I forget his reputation with girls.



I became so smitten to him. Inaamin ko na nahulog ang loob ko sa kaniya, masyado akong nasanay sa presensya niya. I was too defensive at first but I'm no different among his girls. I still fell on his bait.



Nakatanggap ako ng mga messages from Lander pero hindi na ako nag-abala na tignan at basahin pa ang mga ito. It is better to ignore and stay away from him.




Natulog ako nang maaga nung gabi na 'yon. I need more time for myself. Maaga akong nagising. Ayoko mag-assume pero pakiramdam ko, pupuntahan niya ulit ako sa bahay para isabay ako sa pagpasok. Kaya mas minabuti ko na lamang na agahan ang pagpasok sa klase kaysa sa normal na oras nang pag-alis ko.




Nagpunta muna akong library para makigamit ulit ng wifi. Binuksan ko ang laptop at tinignan kung mayroon nang reply ang email ko sa isang company na hiring.



Halos mapatalon ako sa tuwa nang nabasang inaanyayahan nila ako para sa job interview bukas. Sabado bukas kaya wala na akong klase, next week na rin ang exam ko para sa finals that means makakapagtrabaho talaga ako dahil matatapos na ang school year next week.




Mas pinili ko na 'wag isipin ang nararamdaman ko kay Lander. Mas itinuon ko ang pansin sa job interview para bukas. Ilang minuto bago ang klase ay agad na akong pumunta sa room namin. Naabutan ko si Lander na naghihintay doon. Pinagtitinginan siya ng mga students na dumadaan sa hallway.




Hindi ko siya pinansin at agad na nilagpasan siya. Bigla niya akong tinawag at hinawakan ang braso ko para pigilan ako. Napahinto ako sa pagpasok sa klase ko at tinignan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Inangat ko ang tingin sa kaniya sa malamig na paraan.




Wala akong emosyon na pinakita sa kaniya.



“Naih please let's talk..” Nagmamakaawa na sambit niya. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya. Hindi pa ako sumasagot, biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.



Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin pero nagmatigas siya. Mas hinigpitan niya 'yon.



“Bitiwan mo ako.” I said in a cold tone.



Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at agad ko 'yong sinamantala para makatas sa mga titig niya.



Para akong matutunaw sa paraan nang pagtitig niya sa akin kanina. Parang gusto kong bumigay at pagbigyan siya sa gusto niya. But I have to consider myself. What would I feel if I will later on realized that I'm just one of his girls?




Hindi ako sumabay sa kanila sa lunch kaya dumiretso ako sa field para doon magdisensyo ng mga damit sa sketch pad ko, katulad nang madalas kong gawin. I know it's a bit therapeutic since I can manage to divert my attention.



May mga nakikita akong naglalaro pero kampante akong wala si Lander doon dahil alam kong may klase siya at nasa cafeteria siya para mag-lunch.



Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin. He gently touched my sketch pad and I can see the amused look in his eyes the moment he saw what I'm doing.



“You are really good at this. I wonder what are you bad at?” It was Gino. Natuwa naman ako sa papuri niya. Ngumiti ako at ipinakita ang designs ko sa kaniya.



“You think this will pass as one of the designs of Chanel?” I asked jokingly. Napaisip siya at hinawakan ang baba na animo'y talagang nag-iisip.



“Hmm.. Of course!” Natutuwang sambit niya kaya natawa ako. Mambobola rin pala ang isang 'to.



“Well, the designer itself can pass to be one of the Chanel's model.” He said confidently kaya umiling iling na lamang ako.



“Sabi mo 'yan. Maniniwala ako sa'yo.” Natawa siya sa sinabi ko. Nagkwentuhan kami habang nagsa-suggest siya ng mga details na maaari kong idagdag sa sketch ko.




I must say that Gino is my ideal guy. The one who is charming in a gentleman way. He won't act as a possessive boyfriend without the label. He will always give you butterflies by his own way of flooding you with compliments.



He doesn't look like the type of guy who will make a girl cry. Lander isn't my ideal, so it wasn't really a big deal that I fell for his words. I can easily move on from that..



Habang nakaupo kaming dalawa sa damuhan ng field. Biglang may tumayo sa harapan namin. Sa sapatos palang nito alam ko na kung sino 'to. As usual the Lander who always act as if he owns you.



“Naih..” Malamig na sambit nito. Tumayo ako at niligpit na ang mga gamit ko. Nagmamadali ako na makaalis doon. Nagtataka man ay tinulungan ako ni Gino.



“Let's talk, baby please..” Lander said without hesitation. How dare he call me like that in front of Gino!



“No!” I said with finality. Ngunit hinigit niya ang braso ko para mapigilan ako. Hinawakan naman ni Gino ang kabilang braso ko.




“Dude, ayaw niya raw.” Gino said. Naramdaman ko ang talim ng tingin ni Lander sa kaniya.



“Bakit ka nakikialam?” Lander said trying to contain the calmness in his voice. Hinila ako ni Gino dahilan para mas magalit si Lander at halos mapasigaw ako nang sinuntok niya si Gino sa harapan ko.



Agad kong dinaluhan si Gino na dumudugo ang ilong dahil sa pagkakasuntok ni Lander. Pagalit kong tinignan si Lander.



“Why did you do that!” Asik ko sa kaniya. He looks so hopeless.


“I just want us to talk.. you have been ignoring me.” He said with sadness in his voice. Namumula rin ang kaniyang mga mata.



“This is too much, Lander.” I said showing the disappointment to him. Umiling iling siya at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Pinakita ko sa kaniya na sobra akong na-disappoint sa ginawa niya. I can see how scares he is. Ngayon ko lang siya nakitang ganito..

Pieces of an Amaranth Affection(Fate Collides Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon