抖阴社区

Chapter 6

74 6 9
                                    

Unwind

Nagsimula na mag-training si Lander para sa football match niya this coming friday. Kapag nanalo ang team nila, sila na ang magiging official football team ng University namin. Tuwing free time ko, hindi niya pinapalagpas at talagang niyayaya niya akong manood sa kaniya sa training.

“What? Tutunganga lang ako dito?” Sabay irap na sambit ko. Napangisi siya at hinihingal na umupo sa tabi ko.

“You will be my official assistant from now on.” Natawa ako sa sinabi niya at nanggigigil na hinarap siya. Kinuha niya ang mineral water mula sa kamay ko at uminom doon.

“Seriously? Gagawin mo akong yaya mo dito. Hindi mo ako girlfriend para gawin mong personal assistant mo at tagapunas ng pawis mo.” Nandidiri na sambit ko, mas lalo siyang natatawa kapag iniirapan ko siya. Umiling iling siya at umaakto na nagpapapunas sa akin, naiinis na pinunasan ko na lamang siya ng pawis.

Habang naghihintay sa kaniya sa training na sobrang boring, nag-sketch ako ng mga gowns na gusto ko gawin someday. I will surpass the success of chanel or louis vuitton. Napangiti ako sa mga designs na ginawa ko, gumawa rin ako ng iba't ibang design ng bag and heels.

Bahagya akong tumingin sa training at nakita ko kung gaano kagaling na pinalusot ni Lander ang bola sa net. Napangiti ako at pumalakpak, nakaagaw naman 'yun ng atensyon ni Lander at agad akong kinindatan. Nagkamali pala ako ng ginawa, masyadong mahangin. Nevermind.

Natapos ang training nila at pinaghintay niya muna ako sa upuan habang naliligo siya. I was shocked when one of their opponent stood in front of me.

“Naih, right?” Sambit nito, agad akong napatingin sa kaniya at nanlaki ang mga mata. Shit, he's the flirty guy who wants to get my number. Binago ko pa ang name ko para 'di niya malaman. Paano niya nalaman ang real name ko?

“Oh, hi.” Naiilang na sambit ko. Sobrang tanga ko sa part na school mate ko pala 'to.

“I recently discovered that you purposely change your name when I asked you about it. Don't worry, I won't kidnap you or anything.” Natatawang sambit niya kaya napatawa rin ako, Damn ang charming naman nito ngumiti.


He seems so nice and charming. I like the vibe that he's expressing right now.

“Yeah, I'm Naih. I'm a fashion design student.” I said while smiling and he offered his hand to shake hands.

“I'm Gino, taking up Culinary Arts.” Napatakip ako ng bibig sa nalaman ko, I didn't expect that he loves to cook.

“Wow, aiming to be a chef?” Tumango siya habang nakangiti. “Yeah, planning to build my own restaurant.” Ngumiti ako at nagulat nang may biglang umupo sa tabi ko at inakbayan ako. Napatingin ako sa mga kamay sa balikat ko, papunta sa mukha ng pangahas na gumawa nito.

“Seems like you are both having a great time huh?” Sarcastic na sambit ng Italiano. Napairap ako at inalis ang pagkaka-akbay niya.

“See you around, Naih.” Sambit ni Gino at nagpaalam na.

“What was that?” Tanong nito. Hindi ko siya pinansin at naglakad na palabas ng gym at dumiretso sa kotse niya.


“Bakit ang bait bait mo sa kaniya? Tapos ako sinusungitan mo? Siguro crush mo ako?” Agad akong napalingon sa kaniya at inilagay ang dalawang kamay ko sa baywang ko habang umuusok ang ilong na nagalit sa kaniya.

“Excuse me, you're crossing the line. Hindi mo mare-reach ang standard ko sa lalaki at wala ako ni-katiting na level ng affection sa'yo.” Napatawa siya sa sinabi ko.

Pieces of an Amaranth Affection(Fate Collides Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon