抖阴社区

Chapter 1

200 5 26
                                    

Delikado

Tumalon talon ako sa sobrang kalasingan sa party na pinuntahan ko. It's one of my friends birthday party, sa bar ito ginanap, isa sa hilig 'kong gawin. I love hanging out with my friends, being wasted, doing nasty things, being wild for once in my life. I still remember how pure and prim lady I am before. Natuto lang ako ng ganitong bagay before I could enter college.


Inangat ko sa ere ang bote ng alak na wala ng laman. Tumawa ako nang bumunggo ako sa isang lalaki at agad ko siyang hinila palapit sa akin.



“Let's pretend I am a bitch.” Tumatawa na sambit ko dala ng kalasingan. Agad na parang nandidiri na nilayuan ako ng lalaking hinila ko.



“Pretend? Ayoko! Baka mamaya makulong pa ako.” Natatakot na sambit nito na nagpatawa sa akin. So he's a half. Half playboy, half goodboy. I like that.



Nahihilo akong tinignan siya ngunit agad akong nasuka sa dibdib niya. Tumawa ako at agad niya akong hinila paalis doon habang nandidiri. Dinala niya ako sa cr at galit na tumingin sa akin.



“My night isn't started yet, and you ruin it. Paano pa ako makakabingwit nito, ang baho ko.” Naiinis na sambit niya. Akmang maghuhubad ako para ibigay sa kaniya ngunit agad niya akong pinigilan.



“Seriously? Halos kapiraso ng tela nalang ang suot mo, huhubarin mo pa. Nasaan ang mga friends mo? Ihahatid kita sa kanila.” Ngunit nakatingin pa rin ito sa sinukahan 'kong damit niya. Umiling iling siya at hinila na ako para ihatid sa mga friends ko. Hindi ko siya masyadong maaninag pero malaki ang katawan niya at fitted ang black shirt sa katawan niya. No, I usually have a crush on someone who's not that muscular and manly. Madalas payat at mapuputi.



Hinatid niya ako sa mga friends ko habang pagewang gewang ako sa paglalakad. Shit, ang sakit ng ulo ko. Nakasalubong namin ang kaibigan ko at agad akong tumalon talon.




“There she is!” Parang batang sambit ko. Bumuntong hininga ang katabi ko at parang stress na hinatak ako palapit sa mga kaibigan ko.


“Lander Cruz?” Nagtatakang sambit ng friend ko. Huh? Lander Cruz name ng naghatid sa akin? Napatingin ako ngunit blurred talaga ito.



“Is she your friend?” Tanong ng lalaking sinukahan ko.



“OMG Naih! What the hell, sorry Lander sinukahan ka niya?”



“Yes, but I will just get changed.” Sagot nito. Ang bait naman pala. Nahilo akong muli at nakatulog sa upuan.



Halos lakad takbo ang ginagawa ko para lang hindi ma-late ngayon sa pagpasok. Sobrang nalasing ako kagabi at tinanghali ng gising. Hindi ako sanay na simple lang ang outfit ko pero kailangan ko magmadali ngayon. Sinukbit ko lang ang jacket sa balikat ko at nagmamadali sa pagpasok sa unang klase ko. Nagulat ako nang makitang hindi pa pala ako late. Agad akong umupo at inayos ang sarili ko.


Natulala ako nang makita na mayroong koreana na umupo sa harapan ko. Agad ko siyang kinalabit at binati. She seems so shy so I tried to approach her first. Sobrang ganda niya, nahihiya pa siya?



Napatingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa pagpuri ko sa suot niya, maging ang mga mata niya ay tinignang mabuti ang suot ko. Of course, we are a fashion design students so we must be aesthetically pleasing.



Nagkasundo kaming dalawa dahil sa pagiging jolly ko at kabaligtaran naman siya. She seems so amazed that I really love my skin color eventhough I'm not white as her. Lumaki ako na mayroong matatag na prinsipyo sa kung anong mayroon ako, hindi ko binababa ang sarili ko dahil tapos na ako doon.


Pieces of an Amaranth Affection(Fate Collides Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon