抖阴社区

ELEVEN

2.4K 51 2
                                    

Isang kalabit sa balikat ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Zarria. Tulala kasi siya sa labas ng bintana ng kanilang sinasakyan mula pa kaninang magsimulang umandar 'yon paalis sa kanilang Hacienda. Si Cage pala ang kumalabit sa kaniya. Taas baba ang dalawang kilay nito sa kaniya habang hawak sa kaniyang harapan ang isang slice ng pizza at isang milktea.

"Eat na. Ikaw nalang ang hindi pa kumakain sa amin. Masyado kang abala sa mga nakakahilong puno na nadaraanan natin"

Sumulyap siya sa harapan ng kotse, tila tahimik yata ngayon ang mga kasamang lalaki. Walang makulit na boses ang pumupuno sa sinasakyan nila, hindi katulad nang magpunta sila sa Villa Larra na puno ng tawanan at kulitan ng dalawang sina Maximo at Cage.

Himala nga at tumabi si Cage sa kaniya ngayon. Boring raw kasi siyang katabi sabi nito dahil hindi siya makwentuhan ng s*xual na bagay. Si Maximo kasi ang madalas niyang katabi kung hindi available ang kaniyang kakambal ngunit driver si Zarrick ngayon at hindi siya nito matatabihan. Si Nick naman kasi ang laging nakapwesto sa passenger seat at trono na yata nito ang pwestong 'yon. While Maximo stayed on their back, alone there and she didn't give a damn about him and what he's doing right now.

Wala na rin kasi ang mga babae, may ibang sasakyan ang mga ito at hindi na rin naman ni Zarrick tinangkang pasabayin ang mga ito sa kanila dahil na rin marahil sa kaniya.

Mula kasi nang mangyari ang pamamahiya sa kaniya, o tamang sabihing pananakit ni Maximo sa kaniya ay hindi na niya tinangkang makisama pa sa mga ito.

Habang ang mga ito ay abala sa panonood sa movie room ay nasa kwarto siya at doon nagkulong kahit pa mangilang beses siyang tinawag at kinatok ni Cage. They also decided to have a bonfire last night but she pretended to be sleepy and closed her door so no one could enter and see her bathing herself with books. Naglagi na lamang kasi siya sa kaniyang kwarto at nagbasa ng kung ano-ano na kinuha niya sa library ng kanilang mansyon. Si Zarrick din ay nagtangkang yayain siya ngunit wala din nagawa sa pagmamatigas niya.

Kahit na hindi niya man maamin sa sarili, kahit papaano ay umasa siyang magtutungo si Maximo sa tapat ng kaniyang pinto upang suyuin siya ngunit hindi rin naman nangyari dahil halata namang abala ang lalaki sa kasamang babae nito. He was obviously having her as his meal after the bonfire. Mga malalandi.

"Kain na. You want the pizza with hot sauce or not?"

"He can't handle spicy food" hinintay niyang sabihin 'yon ni Maximo tulad ng lagi nitong ginagawa ngunit matigas na talaga ang loob ng lalaki para sa kaniya.

"Sure" dahil sa inis ay nasabi niya na bago pa niya mabawi ay nilagyan na nito ng hot sauce ang kaniyang hawak na slice ng pizza. Napamura tuloy siya sa kaniyang isipan, palihim na sinamaan ng tingin ang nasa kanilang likuran.

Nakatitig sa kaniya si Cage at itinango ang hawak niyang pizza kaya naman wala siyang nagawa kundi ang kumagat doon ngunit agad ding siyang nagsisi nang humapdi ang kaniyang dila dahil sa anghang. Agad niyang ibinalik kay Cage ang pizza. May nag-abot naman ng tissue sa kaniya at doon niya iniluwa ang nakagat ng bahagi nito.

Sunod sunod ang naging pag-sipsip niya sa milktea. "It's too spicy!" Inis niyang baling kay Cage na tawa ng tawa sa kaniya.

"Feeling strong ka kasi, hindi mo naman kasi kaya. Minsan kapag hindi talaga kaya, huwag nang ipilit dahil walang magandang dulot" alam niyang may kalakip na ibang paratang 'yon. Dmn him.

"Pahingi pa ng tissue!" She glared at Cage. Inilahad niya ang kaniyang palad sa harapan nito. "Tissue pa!"

Nginuso nito ang kanilang likuran. Umirap siya sa hangin nang marinig ang kaluskos doon. "Huwag na pala. Thank you nalang, Cage"

VLS 4: DESIRABLE TEMPTATION  (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon