Hoping someone to reciprocate your feelings was completely too difficult. You just can't force someone to love you back and for Zarria's situation, she just hope for Maximo's happiness even though it was against her heart's will. You don't know when will life slap you so hard and on that moment, Zarria felt the world crumpling down. She imagined herself on that worst situation before and handling it lightly but she did not expect the shattered truth she got.
Mas malala.
Sobra-sobra.
Mas masakit.
Hindi niya kaya. Hindi niya pala kaya.
"Zarria!" Nakangiting mukha sa kaniya ng kaniyang pinsang si Janice ang bumungad sa kaniya pagkatapos niyang maligo. "I was calling you multiple times already. Bakit ngayon ka lang sumagot?"
Tulala siya sa screen ng kaniyang ipad. Naroon parin at on-going ang kasasagot niya lang na tawag nga mula sa pinsang si Janice. Ewan ba niya. Parang hindi parin masink-in sink in sa utak niya ang nasilayan niya kanina sa condo.
Maximo.
"I hate him" sunod sunod na luha na ang kumawala sa kaniyang mata. Hindi niya na mapigilan ang paghi-hysterical. Si Janice naman sa kabilang linya ay nabigla sa biglang paghagulgol niya.
"What the hell? Why are you crying?! Ganoon ba kalala si Tita sa bakasy-"
"I saw him, Janice. I...I saw him"
Naguguluhan parin ang pinsan niya. "Sino? Sinong nakita mo? Bakit hindi mo nalang kasi diretsuhin?!" Maging ito ay naging aligaga na rin. Hindi magawang patahanin ang pag-iyak niya mula sa kabilang linya.
"I heard him. How...how-" muli nanaman siyang naiyak ng malakas.
Hindi tuloy alam ni Janice kung ano ang gagawin niya. Hindi naman kasi nito magawang sabihin kung sino ang tinutukoy nito hanggang sa pumasok sa isip niya ang partikular na tao na nag-iisang nagpapaiyak dito.
"Maximo?!"
Nagtungo nga siya kanina sa condo unit ni Zarrick. But, she did not expect what she saw earlier. 'Yong akala niya mangyayari lang sa mga drama series na pinanonood niya. Hindi niya inexpect na mararanasan niya rin.
"It's too hard for me to see you. Ang hirap mong hawakan na walang pagpipigil. Ang hirap mong makasama na hindi nagugulo ang buong isip ko. Why don't we just be happy? Fck those limitations! I want to be with you. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ikaw lang. I love you", and Maximo hugged that woman in front of her, 'yong babaeng akala niya wala lang. Hindi isang sagabal para sa kaniya kasi si Maximo 'yon! He wouldn't fall for anybody else! Mas malaki pa nga 'yong posibilidad na sa kaniya ito mahulog pero sa babaeng ito?! Paano? Kailan nag-umpisa?!
And then she told him that line, "Huwag mong pigilan, Max. Doon din naman tayo pupunta,diba? Para saan pa ang pagsubok natin na magwork ito? Sinabi ko naman sa'yo, mahuhulog at mahuhulog ka rin sa akin"
So, they've been seeing each other? How did it start? Kailan? Bakit wala manlang siyang kaalam-alam?
Antonette seems to enjoy his hug, grabe makakapit ang bruha! Mas lalo tuloy kumulo ang pag-aalburuto ng puso niya. Ang hapdi na. Hindi na niya makaya ang sakit.
Tatalikod na sana siya nang marinig niyang muli si Maximo na nagsalita pa. Ewan ba niya. Bakit pa niya mas piniling pakinggan ang walang kwentang nanulas sa labi nito.
"I love you. I will do anything just to have you"
"So, this Antonette, who you did not expect to tame him is obviously there too and ruined everything with you and Maximo? Oh, wala pala kayo ni Maximo in the first place, cousin"

BINABASA MO ANG
VLS 4: DESIRABLE TEMPTATION (ON HOLD)
RomanceThere are reasons that make us bleed but still stubbornly holding onto it. Zarria hates dramas but she loves living with it. Zarria can get whatever she wants. She was born with a golden spoon on her mouth. Who would dare to reject her, right? Oh, m...