抖阴社区

TWENTY

2.4K 44 5
                                    

Devin texted her about the party so she decided to just bring Elyse and the others together with her. Well, Pyper didn't want it at first because of one of her ex was technically going to the party too. Pinilit lang talaga niya ito at sinabing hindi naman siya aalis sa tabi nito. Sinundo sila ni Devin pagkatapos ng huling klase nila.

Imbis na sila ang magyayaya dito na lumabas ay sila ang nayaya ng lalaki sa isang pool party. Hindi kasi nasunod ang sanang plano nila dahil na rin nga sa pagiging heartbroken ni Cylden sa isang ticket.

"Devin, here!" Sigaw niya dito nang mapansin pa ang lalaking palinga-linga. Devin immediately approached them and he even carried her bag. Ang gentleman talaga nito. Isa rin marahil yon sa nagustuhan niya sa binata, wait, maybe she should not say that too early. Baka hindi nanaman niya mapigilan ang sarili niya at kung ano pa ang maamin dito.

"And the shining prince is finally here" pagkurot pa ni Elyse sa kaniyang tagiliran. She just raised her left brow at Elyse, giving her a warning to stop teasing her but Elyse really did not take that seriously. Ano pa bang aasahan niya. "When are you going to make it official? You're taking it too long,ha"

Napakamot tuloy sa batok si Devin at natatawa nalang na inakbayan siya. Humawak naman siya sa kamay nito na nakaakbay sa kaniya. "Don't make pansin to her" irap niya pa.

Elyse made a hiss. "Is it about her twin?" Si Devin ang tinatanong nito. Nagkibit balikat ang kaniyang katabi. "I can handle Zarrick if you want. I will divert his attention and make him only focus on me so you two could get your time-"

It was her turn to hiss at her. "As if he will make pansin of you, nuh"

"Ang ganda mo talagang kaibigan" sarkasmo ang mababakas sa boses nito. Sumakay na ito sa likuran ng sasakyan ni Devin samantalang siya naman ay sumakay sa passenger seat nito matapos siyang pagbuksan ng pintuan ni Devin.

Hindi niya muna nilagay ang kaniyang seatbelt at nilingon ang kaibigan na may idinudotdot na sa screen ng cellphone. "You just proved that I am a pretty friend of yours"

"Gah, Zarria! Whatever"

"You lost"

"Whatever"

Devin started the engine but a smile formed his lips after hearing their argument. Para talaga silang bata kung mag-away ni Elyse. Sina Pyper siguro ang ka-message nito. Dahil doon nga ay napili na lamang niyang sumali sa usapan ng mga ito. Panigurado naman kasing sa messenger app nag-uusap ang mga ito.

"Zarria, your seatbelt"

"Oh!" Doon niya lang naalala ang seatbelt niya. Inilagay niya muna yon bago niya pinansin ang cellphone niya. "Done" she informed Devin so he will stop worrying about her safety. Ito pa naman ang maingat niyang gwardya na parang ayaw talaga siyang magasgasan nito.

Nabasa niya ang mensahe ni Pyper sa group chat nila.

From Pyper: I'm still partying with my cousins. I will go there later, girls. Sorry.

Si Elyse ang unang nag-react doon.

From Elyse: What? You're always getting MIA these past days,ha.

Hindi siya makasingit sa usapan ng mga ito dahil bumalik sa takbo ng usapan ng mga ito ang umiiyak na GIF ni Cylden. Nahuli kasi ito sa pagbili ng ticket sa paborito nitong banda na magtutungo nga sa Pilipinas.

Natawa siya at napalingon kay Elyse na mabilis din ang pagpukol ng mata. Pareho silang natawa.

"We should help her. Baka hindi siya makatulog ng ilang araw dahil sa naubusan ticket"

Umiling siya. "I can't help her. Kuya Leandro just cutted my allowance last week"

"Because you spent your next month's allowance for a bag, Ria" si Devin na hindi talaga nagpapigil sa pagsingit. Sumama tuloy ang tingin niya sa lalaki. Nang sumulyap ito sa kaniya at madatnan nga siya sa ganoong lagay ay natawa lang ang lalaki sa kaniya.

VLS 4: DESIRABLE TEMPTATION  (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon