抖阴社区

TWENTY ONE

3K 54 18
                                    

HUMIGPIT ANG HAWAK NI MAXIMO sa railings ng ikalawang palapag ng bahay na yun. He quickly got up from bed when he heard that the youngest kid of Saavedra is here. He knew they were talking about his bestfriend, the only girl who is capable of easing his mind, his Zarria.

But as soon as he opened the door and was about to get down, he saw this unwanted scene. The way she soothe that varsity player. That should be him. Yung hihingi ng comfort dito. Yung bibigyan nito ng comfort at magpapagaan sa kaniyang kalooban dahil ganoon sila ni Zarria. Ganoon sila noon.

Maximo decided to turn his back on that scene. Ayaw niyang balutin nanaman siya ng pagsisisi. He just wanted her to be happy. Hindi dapat siya nakakaramdam ng kahit anong pagsisisi sa naging desisyon niya noon.

"Max? Where's Antonette?"

Anong alam niya sa babaeng yun. Ni hindi niya nga alam na naroon pala ang isang yun.

Gusto niyang mapamura. Naiinis siya ngayon pero hindi niya dapat pagbuntunan ang kahit na sino roon.

Nagkibit balikat si Maximo at pumamulsang umalis doon.

"Max!" Tawag pa nito sa kaniya ngunit nagdesisyon na siyang umalis doon.

Pagkababa niya ay sumulyap nanaman siya sa babae at sakto namang nagtama ang tingin nilang dalawa. Yakap yakap parin nito ang kasamang lalaki habang kaunting nakabuka ang bibig dahil siguro sa gulat na nakita siya nito doon.

He wore his serious face and went on his step afterwards. Nadaanan niya pa ang kaniyang mga kaibigan na kasama niyang nagtungo doon pero nagpatuloy lang siya sa paglabas ng bahay. He doesn't want to see Zarria with that guy anymore. Baka kung ano pa ang magawa niya.

"Max!" But Antonette ruined his plan, again!

Hindi ba titigil ang isang ito.

"Max!"

Talagang hindi siya hinintuan ng babae. Nangunyapit pa ito sa kaniyang braso. Nasa may tabing pool na sila nang lingunan niya ang babae. Handa na siyang magsungit dito ngunit sakto naman ang pag-exit nila Zarria at Devin sa kabahayan.

He decided to wear his famous smirk again. "Zar!" Taas niya ng kamay dito.

Naging seryoso ang mga mata ni Zarria ngunit mabilis lamang yun. Tumaas kasi agad ang kilay nito sa kaniya.

Otomatiko ang pagbaba ng tingin ni Maximo sa kamay nitong nakakapit din sa braso naman ni Devin.

Lumapit siya sa mga ito. He even heard Antonette's voice calling him but he shrugged her off.

Nakangisi siyang tumingin pababa kay Zarria. Basang basa ito at may towel na nakapatong sa balikat nito. "Wet look,Zar? I bet Zarrick will go nuts if he got to know about this. His little twin is partying with her wet look and I am sure that he doesn't know about it"

"Maximo!"

Ang sarap tingnan ng naiirita nitong tingin sa kaniya. Kung may pader man itong binuo sa pagitan nilang dalawa ay sisiguraduhin niyang mabubuwag niya yun.

Hinila niya ang kamay nito papunta sa kaniya kaya naman nawala ang pagkakakapit nito sa braso ni Devin. Naiinis siya sa pagkakadikit ng balat ng mga ito.

Devin wasn't shocked about his action. Parang inasahan na yun ng lalaki mula sa kaniya. He even shook his head slightly at him.

"What's your problem ba?!"

Hindi niya pinansin ang babae at tiningnan si Devin na nang-aakusa. "You brought her here without telling her brothers? Coward"

Nakuha niya ang gusto niyang reaksyon mula dito matapos masabi yun.

VLS 4: DESIRABLE TEMPTATION  (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon