“Ano ba?” Asik ko sa kaniya.
“Hindi ako gumagawa ng isang bagay na libre. Dapat suklian mo ang ginawa ko kagabi.” Nakangisi niyang sambit.
“Hindi kita inutusan na tulungan mo ako kagabi. Wala akong utang na loob.”
“Woah. Ikaw na nga ang tinulungan? Okay. Just do something for me.” Pinandilatan ko naman siya ng mata ngunit hindi siya natinag. Mukhang wala akong magagawa para tigilan ako ng isang 'to ah.
“Alright.”
Niyaya niya akong sumakay sa kotse niya at dinala niya ako sa isang restaurant na halatang para sa mayayaman. So it's a date then?
“Hindi mo nalang sinabi na interesado ka sa akin at gusto mo akong ka-date. Shame on you, torpe.” I said while flipping my hair. Napatingin siya sa akin na parang natatawa. Manghang mangha siya sa mga sinasabi ko. I know how stunning I am.
“I think we have a misunderstanding here. Yes, you're stunning. But I'm not here to date you, in an hour someone who's obsessed with me will come right away. I need you to pretend as my girlfriend.” Seryosong sambit niya. Tinitigan ko siya na parang isang malaking katangahan ang sinabi niya. Napatawa ako.
“Seriously? Pretend to be your girlfriend? Uso pa ba 'yun?”
“I badly need this. She's my ex-girlfriend, after what happen to us, she couldn't get over my charms--” I cut him off by gesturing him to stop.
“That part is censored. I don't need a detailed information, dude.” Nagpipigil siya ng tawa nang sinabi ko 'yun. Tumango tango ako.
“Fine. I'll do it, but I'll never do this again.” Napangiti siya at agad na hinawakan ang kamay ko. Halos mapatalon ako sa ginawa niya.
“Ang bilis mo naman--” Napahinto ako nang biglang may lumapit sa amin. She's sexy, of course one of his flavors.
“Lander? Sino siya?” Maarteng tanong nito.
“My girlfriend, meet Naih.” Nakangising sambit ni Lander. Hayop 'to. Naglahad ako ng kamay habang pekeng nakangiti. Ano ba 'tong pinasok ko. Kung wala lang akong utang na loob sa hayop na 'to, hindi ako papayag sa ganito.
“I'm Naih, Lander's girlfriend.” Halos masuka ako sa sinabi ko. Ngumisi naman si Lander nang nakitang naiirita ang babae sa harapan namin.
“You can't do this to me.” Naiinis na sambit nito. Padabog na umalis ito sa harapan namin at agad na hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Lander.
“Feelingera.” Bulong nito na rinig na rinig ko naman.
“What? Excuse me?” Naiinis na sambit ko.
“Kung iinom ka kasi, 'wag ka susuka kahit kanino. Ang weak naman pala.” Napatayo ako sa sinabi niya at masama siyang tinignan.
“It's not my fault. Dapat hindi ka lumapit.”
“Ikaw ang humila sa akin. Lasing ka nga talaga.” Umiiling iling na sambit niya. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling lumabas ng restaurant. Ngunit bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya.
“Hey, hindi mo pa nauubos ang pagkain.”
“I can't even stand seeing your face. Nawalan na ako ng gana.”
“Woah. Bakit galit na galit ka sa akin?”
Siguro dahil babaero ka. Ngayon ko unti unting nalalaman kung gaano siya kabilis magpalit ng babae. He even used me to break a woman's heart. I can't stand being with someone like him. Hinila niya ako papasok at kumain kami. Tahimik lang ako habang kumakain at ramdam ko ang mga titig niya.
“May I have this dance?” Napatingin ako sa palad niya na nakalahad sa akin ngayon. Inirapan ko lamang ito ngunit siya na mismo ang kumuha ng palad ko at inilagay niya sa kaniyang balikat.
Nagpunta kami sa dance floor at hindi ko man lang siya tinatapunan ng tingin. Kaya inanggulo niya ang kaniyang mukha sa direksyon kung saan ako nakatingin para makuha ang atensyon ko. Sobrang layo rin ng pagitan namin pero hinila niya ako palapit sa kaniya. Pilit akong lumalayo pero hindi niya ako hinahayaan.
Now Playing: Meant 2 Be by Sizzlesat & Max Kiroyan.
“Cause baby tell me what you see in me, that makes you wanna be with me forever...” Pagkanta niya at binulong niya mismo 'yun sa tainga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Hindi maikakaila na miyembro nga siya ng banda. Ang ganda ng boses niya.
Delikado. Lahat ng mahuhulog sa kaniya ay nasa delikadong sitwasyon. He won't be responsible of the acts he have done to make a girl fall in love with him. I won't be one of them. Hinding hindi ako mahuhulog sa bitag mo, Lander Cruz. Mahuhulog ako sa bitag ng pangarap ko, pero hinding hindi sa katulad mo.
I won't let myself get drown by the thought of you.
Tinitigan ko siya at nginitian. Ikaw ang mahuhulog sa akin. I will make sure that I am your greatest downfall.

BINABASA MO ANG
Pieces of an Amaranth Affection(Fate Collides Series #4)
Romance"The problem here is the intensity of your passion, you already forgotten the quality of love I'm willing to give you. I'm done with your half measures."-Lander Cruz
Chapter 1
Magsimula sa umpisa