Isang buwan na ang nakalilipas mula nang maging kami ni Ive. I cherished every litte moment I spent with him.
Nakapagdiwang na kami ng first monthsary namin two weeks ago at nagkaroon lang kami ng simpleng celebration. Simple in a way na we just spent the whole day with each other but still, we appreciated the moment we've created.
Ang nakakaalam pa lang ng relasyon namin ay sina Calix at Nialle. Hindi naman sa gusto kong ilihim sa friends ko, wala lang talaga akong chance na ikwento. Busy na kami e, malapit na kami grumaduate.
Tsaka hindi naman sila nagtatanong, edi hindi ko kinekwento.
Ipapakilala ko naman ulit si Ive sa kanila bilang boyfriend ko pero hindi nga lang ngayon. Ineenjoy na lang muna namin 'yung moment namin together.
Dami naming arte pero hayaan mo na HAHAHAHA malalaman din naman nila.
Nasa kwarto ako ngayon dahil katatapos ko lang magbihis. Paalis ako ngayon dahil pupunta ako sa bahay nina Moe. Birthday niya kasi ngayon.
Susunduin ako ni Ive dito sa bahay. At ang alam pa lang din ng pamilya ko ay best friend ko lang si Ive. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero siguro sa graduation day na lang.
Mayamaya ay tinawag na ako ni Kuya kaya naman lumabas na ako ng kwarto at nakitang naroon na si Ive. Naabutan ko sila na nagkekwentuhan about something siguro sa campus nila.
"Bro, alis lang kami ulit. Hatid ko na lang si Ren dito para hindi ninyo na siya sunduin." Sabi ni Ive kay Kuya at tumango naman ito.
Buti nga hindi na nang - aasar si kuya sa amin, ewan ko kung anong nakain niyan at hindi na nang - aasar.
"Sige lang. Mag-iingat lang kayo palagi at ayusin mo pagpapatakbo ng motor mo. Marami pa namang naaaksidente sa motor ngayon." Paalala ni kuya kay Ive.
"Sure thing. I'll keep your sister safe." Sabi ni Ive at kinilig naman ako.
Taenang harot ko naman ngayon.
"Sus 'wag mo na ingatan 'yan, chaka naman 'yan HAHAHAHAHA biro lang!" Natatawang sabi ni kuya sabay salag sa mga hampas ko. Si Ive naman ay napapatawa lang.
Epal e.
"Leche ka talaga kuya! Mas chaka ka! Alis na nga kami." Sabi ko sabay higit kay Ive.
Kung ano ano pang sinasabi ni Kuya, kainis siya. Sinisira mood ko.
"Hoy panget, sabihin mo kay Moe pengeng handa HAHAHAHA jk! Pasalubong namin ha!" Hirit ni kuya.
"Asa ka!" Sagot ko at nakarating na kami ni Ive sa labas.
Nakita kong nakatawa pa rin siya habang napapailing.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang HAHAHA! Natatawa lang ako sa inyong magkapatid." Sagot nito.
"Baliw 'yon si kuya e. Hindi naman ako chaka 'di ba?" Tanong ko at nakita kong kumunot ang noo ni Ive habang ang kamay naman ay inilagay sa chin niya na tila nag - iisip.
Luh? Nag-isip pa.
Inirapan ko siya at nakita kong napatawa siya.
"Hala joke lang HAHAHA ito naman! Galit ka?" Tanong nito.
"Hindi, natutuwa ako, SOBRA!" Sarkastiko kong tawa at tumawa na naman siya.
"Hindi ka naman chaka, Renee." Sagot nito.

BINABASA MO ANG
Keep on Turning Right (The Path Series #2)
RomanceTHE PATH SERIES #2 [unedited] - COMPLETED (Story of Renee Libero) "I will keep on choosing the right thing to do for you to be happy. I will keep on turning right even though everything's seems so wrong and the worst is the only thing left." --- Hav...