抖阴社区

Chapter 21

24 1 1
                                    

Ilang araw na lang at malapit na ang aming graduation. Sa katunayan ay three days na lang before our Graduation Day kaya nae-excite talaga ako and at the same time nalulungkot dahil mami-miss ko ang pagiging isang college student.

Mami-miss ko yung stress ng pagiging student. Groupings, bonding with friends and classmates, events or programs, pati 'yong mismong campus.

Ang 2nd monthsary namin ni Ive ay sa mismong Graduation Day ko rin kaya naman mas doble ang saya at excitement na nararamdaman ko. Balak ko na rin siyang ipakilala formally sa parents ko. Naeexcite ako dahil feeling ko ay medyo luluwag o gagaan na ang pakiramdam ko kapag nasabi ko na kina Tatay at Nanay ang totoong status namin ni Ive.

Sana lang ay matanggap siya nina Tatay bilang boyfriend ko at hindi bilang best friend ko lamang.

NARITO kami ni Ive ngayon sa kwarto ko. Nakapwesto siya sa study table ko habang ako naman ay nakahiga sa kama at busy pagi-scroll. Busy siya dahil may ginagawa siyang school work na need niya ipasa bukas.

He looks so stressed and exhausted. Hindi pa kasi tapos ang pasok nila kaya may mga pahabol pang requirements.

Next academic year, siya naman ang ga-graduate sa course niyang engineering. I'm so happy and excited for him.

Pumunta ako sa kanya at minasahe ang balikat niya. Napatigil naman siya saglit at tiningnan ako sabay ginawaran ng isang ngiti.

"You okay? Gusto mo tulungan na kita? Mukha ka ng stress, Hon." Sabi ko sa kanya at hinawakan naman niya ang kamay kong ipinangmamasahe ko sa kanya.

"I'm fine, Honey. Kaya ko na ito. 'Tsaka matatapos na ako rito. Sorry pala, dinala ko pa rito 'yung gawain ko. Gusto kasi kitang makasama e." Saad niya at ngumiti naman ako.

"Sus, okay lang. Importante naman 'yang ginagawa mo kaya ayos lang. Teka Hon, kuha muna kita ng maiinom sa kitchen. Ano ba gusto mo? Coffee, juice or water?"

"Water na lang, Hon. I need to freshen up my mind." Sagot niya sabay halik sa kamay ko.

Sweet talaga nitong lalaking ito.

"Alright. Wait lang ha? Kuha lang akong water. I'll be right back." Sabi ko sabay kiss sa kanya sa pisngi.

"Tsansing pa nga!" Biro ni Ive at napailing na lang ako sabay irap sa kanya.

Kunwari pa siya, gusto niya rin naman kapag nilalambing ko siya.

Matapos kong kumuha ng tubig ay inilapag ko ito sa study table. Ininom naman niya agad ito at nginitian ako.

"Thank you, Hon." Sabi niya at ginantihan ko lang siya ng ngiti. Umupo ako sa hita niya at sumandal sa may leeg niya.

Ang bango naman ng lalaking ito. Parang nakakaadik e.

"Hon, stop smelling me. Baka amoy pawis na ako, nakakahiya." Sabi niya habang nakayakap sa akin ang free hand niya pero patuloy pa rin sa pagtatype sa laptop ang kabila niyang kamay.

"Hindi ka naman mabaho. Ang bango mo nga ihh." Sagot ko sabay ayos pa ng upo ko sa lap niya, "Bango bango naman ng Honey ko! Pa-kiss nga!"

Waaaah! Gustong gusto ko talaga ang pabango niya! Hindi nakakasawa amuyin e!

Umupo ako ng nakaharap sa kanya habang nakapulupot ang legs ko sa bewang niya. Kini-kiss ko ang pisngi niya nang paulit ulit at napapatawa naman siya sa ginagawa ko. Nang magsawa ay niyakap ko siya at sumandal sa balikat niya. Patuloy ko pa ring naamoy yung scent niya, sobrang manly talaga. Mayamaya ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako.

Keep on Turning Right (The Path Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon