抖阴社区

Chapter 23

24 1 1
                                    

I saw two persons kissing each other,

But the worst part is...

...it's Ive and Kelley.

Anong ibig sabihin nito?

Akala ko ba mahal niya ako?

Bakit?

Bakit ganito?

Nakita ko ang gulat sa mata ni Ive nang magtama ang paningin namin at agad niyang inilayo sa kanya si Kelley.

Gusto kong sampalin si Kelley.

Actually, gusto ko silang sampalin ni Ive.

Do I even need to hear their explanation? Kitang kita ko na e.

I can't believe that I'm feeling this type of pain again but the worst part is that's because of him.

It's because of Ive.

Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mata ko at ngumiti sa kanya sabay naglakad papalayo. Sumunod naman sa akin si Yenne at hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may humawak sa kamay ko upang pigilan ako.

"Honey." Bungad nito sa akin pero hindi ko siya inimikan. Pilit kong tinigasan ang puso ko, ayokong makapagbitiw lang ako ng salitang kahit ako e masasaktan kapag narinig ko.

Tumingin si Ive kay Yenne na parang sinasabing bigyan niya kami ng time na mag-usap. Tumingin muna sa akin si Yenne at tumango naman ito sabay hinigit agad ako ni Ive papunta sa itaas ng bahay nila. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napatingin siya sa akin.

"Kaya kong maglakad mag-isa." Malamig na sambit ko at napabuntong hininga naman siya bago naglakad ulit. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.

Bakit ba rito pa kami mag-uusap?

Kwarto niya yata ito dahil puro gamit niya ang naririto. Isang taon na kaming magkarelasyon pero ngayon lang ako nakapasok dito sa kwarto niya dahil hindi naman kami natambay masyado rito sa kanila. Kapag napunta kami rito sa bahay nila ay hanggang sa salas lang nila kami napwesto o tumatambay.

Pero hindi yan ang importante ngayon. Dahil naiinis at nasasaktan pa rin ako sa nakita ko kanina.

Of all people and of all occasions, ngayon pa talaga?

Ngayong first anniversary pa talaga namin?

Isinara niya ang pinto bago niya ako hinarap. Tinitigan niya ako at agad na pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Honey..." tawag niya pero tinitigan ko lang siya nang masama.

Psh, lakas ng loob ah!

Patawag-tawag pa ng Honey.

"Let me explain first, honey. Please, don't cry and don't get mad." Mahinahon niyang sambit pero wala akong maramdaman.

Feeling ko pinagtaksilan ako nang harap harapan.

"Sige, magpaliwanag ka." Sabi ko sa kanya at pinipigilang maluha muli. Kailangan ko magtimpi kahit nanginginig na ako sa sakit at galit.

"Hindi ko siya hinalikan, hon. She initiated the kiss and hindi ako nag-kiss back, promise. It just happened na saktong dating mo, iyon ang nasaksihan mo. Hon, believe me." pagsusumamo nito.

Keep on Turning Right (The Path Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon