抖阴社区

Chapter 15

34 2 1
                                        

Mabilis na lumipas ang mga araw at natapos na ang first semester namin. I celebrated Christmas with my family and friends as usual. Hindi kami nakapagkita ni Ive noong pasko dahil umalis sila ng family niya nang araw na 'yon.

It's December 31st now and abala kami ng fam ko sa pagluluto at paghahanda ng mga kakainin sa pagsalubong sa bagong taon mamaya. Busy si Rowen at Risha sa pagdedecorate habang kami naman nina Nanay ay busy pagluluto.

Alas otso na ng gabi nang matapos kami sa ginagawa namin. Kumain lang kami ng hapunan at dumiretso na sa kani-kanilang kwarto upang makapagpahinga kahit saglit. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ako ng damit bago humiga sa kama ko. I am massaging my head when my phone suddenly ring.

Ringtone ko 'yon kapag may tumatawag ah.

Sino naman kaya 'yon?

I immediately saw that it's Ive so I answered it.

"Hello?" I mumbled.

"Happy new year hehehe." He said and I chuckled.

"Mamaya pa. Masyado kang advanced."

"Gano'n na rin 'yon. Anyway, may free time ka ba bukas?" He asked.

"As in bukas? New Year's Day?"

"Oo nga! As in bukas na sunod ng araw na ito na tomorrow, ganern!" He said at natawa naman ako.

Siraulong ito!

"HAHAHAHA! May free time naman ako. Ano ba kasing gagawin?" Tanong ko.

"Invite kita sa amin. Go ka ba?" He asked.

"Oks lang naman kaso nakakahiya sa fam mo." Sabi ko.

"Sus. Parang others naman ito! Susunduin kita, ano? G na?" He asked.

"Ano ba kasing gagawin sa inyo?" Tanong ko.

"Malamang kakain. Ano pa bang gusto mong gawin natin doon?" Tanong niya at tila nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako.

Gago ka self, ano 'yang naiisip mo, ha?

"Ewan ko! Kaya nga nagtatanong ako e!" Saad ko.

"Attitude ka ha? Basta sunduin kita bukas siguro around 9am."

"Yeah, whatever!" I said then rolled my eyes.

"Yeah, whatever!" He mocked me then spoke again, "Baka rumupok ka mamaya, batiin mo si Vince ng Happy New Year HAHAHAHA!"

"Asa ka naman! Hindi na ako marupok! 'Tsaka huwag mo nga mabanggit banggit pangalan no'n, nakakakulo ng dugo!"

"Sus, minahal mo naman 'yon!" Pang-aasar nito.

"Tigilan mo ako Iverson, pagod ako ngayon baka hindi kita matantya." Inis na sambit ko.

"Kalma HAHAHA sige na nga pahinga ka na! Good night and see you tomorrow!" He said.

"Hmm. Good night din and kitakits!" I mumbled before I ended the call.

Nakatulog ako saglit at nagising ako sa alarm ko. 11:45pm na pala. Malapit na mag-alas dose kaya nag-ayos na ako ng sarili ko. Nang matapos ay dumiretso na ako sa salas upang makasama ang pamilya ko sa pagsalubong ng bagong taon.

"5..4...3...2...1... HAPPY NEW YEAR!" Sigaw namin at nag-ingay. Nagtatalon naman si Risha para daw tumangkad pa siya.

Nang matapos ay dumiretso kami sa hapagkainan at masayang pinagsaluhan ang unang pagkain namin sa taong ito. Nagpicture picture lang kami after. Nagkwentuhan at pagkatapos ay dumiretso na sa kanya kanyang kwarto upang mamahinga.

Keep on Turning Right (The Path Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon