抖阴社区

Chapter 8

5.8K 253 10
                                        




Sherwin

Natapos ang laban nila natalo ang team nila Drei. Akala ko nga matatalo sila Toni dahil kinakabahan 'yung isa ng mga nakaraang rounds. Tambak sila kanina kala Drei ng sampu. Pero nagawa pa ring habulin ni Toni ang score. Magaling talaga si Toni, lahat ng palo niya pasok. Si Bal kahit middle blocker marunong siyang magset, dahil tinuruan ko siya dati.

Ginising ko na 'yung katabi ko na nakahiga na sa hita ko. "Hmm—anong oras na ba?" Nag-iinat na tanong niya. Hindi na mainit ng sikat ng araw dahil maya-maya lang magdidilim na.

"Mag-ala cinco na. Napasarap ka yata ng tulog?" Nginitian ako nito.

"Syempre, masarap 'yong hinigaan ko, eh."  Agad akong napalunok at nag-iwas ng tingin. Parang double meaning ah.

Narinig ko siyang tumawa. "Pumunta ka na doon. Start na ng laban niyo." Tumingin ako sa kanya.

"Goodluck." I smiled at her at walang pasabing hinalikan sa noo. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon but something is just pushing me to do it.

Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti.

Lumapit na ako kay Chell na may ngising nang-aasar. "Huy—ikaw ah! Yiee!" Inirapan ko lang siya at tumingin sa kalaban namin. Ranzel is smirking at me while Jade is looking at me intently. Para bang binabasa niya ako.

Hindi naman ako kinakabahan, hindi lang ako kampante na mananalo kami hindi dahil si Chell ang kasama ko kung 'di dahil ayokong mapahiya kami, at makamit ni Ranzel ang matagal niya nang inaasam.

I hesitated at first pero tinanggal ko 'yung damit ko kaya narinig ko silang napahiyaw. Mga siraulo. Alam ko namang hindi makikita ang tinatago ko dahil natatakpan ito ng sports bra ko.

"Oh my!"

Hinagis ko 'yung damit sa gilid at tumingin sa harap. Katapat ko si Jade na ngayo'y nakatingin sa katawan ko.

Dumaan siya sa gitna kaya napayuko ito dahil nakaharang ang net. "Hmm—ngayon lang kita napagmasdan ng malapitan. And I see that you're quite—a face." Tinaasan ko siya ng kilay.

She chuckled while brushing her hair. "How is that you always look so great, even with a short and sports bra?" Amusement is evident in her face.

"Stop with your nonsense comments." Nakakairita naman ang babaeng 'to.

"It's not nonsense if it's the truth. I don't lie. Sinasabi ko lang kung ano ang totoo at kung ano ang nakikita ko," Lumapit siya sa akin ng kaonti. "And I can say, I'm quite liking the view here." Malagkit siyang nakatingin sa 'kin pero walang epekto 'to sa akin.

"May the best team win?" Inilahad niya ang kamay sa harap ko at tinignan lang ito. Nagdadalawang isip pa ako pero kinuha ko na. Magsasalita na sana ako pero hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Goodluck." She whispered right in front of my ear. Naramdaman ko nalang na dinampian niya ako ng halik sa pisngi.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako naka-react. May ngisi sa kanyang labi bago bumalik sa pwesto niya.

Aish! Bwisit!

"Hoy! May nagseselos!" Dinig kong sigaw ni Stacy. Napalingon ako sa pwesto nila at napansin si Amanda. Napayuko ako dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

Tangina mo self!

"Hey, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Chell. Hindi ko napansing katabi ko pala siya. Tumango nalang ako sa kanya dahil ayoko nang magsalita.

"Sherwin, 1. Ranzel, 1." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngumuso lang siya sa isang direksyon at gano'n nalang ang inis ko ng makita ko si Ranzel, ninakawan ng halik si Amanda. Mabuti nalang naka-ilag si Amanda kaya sa pisngi siya nahalikan.

?????? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon