抖阴社区

Chapter 25

4K 176 4
                                        




Sherwin

Dapat pala hindi nalang ako pumayag na sumama kay Izhang dito. Kung alam ko lang na nandito sila pinilit ko nalang sana si Izhang na ituloy nalang ang date namin.

Kainis naman, hindi ko talaga kayang makita ang mga mukha nila. Ngayong ipapakilala ako ni Amanda sa mga magulang niya, hindi ko naman ine-expect na ganito kadami ang bisita ng Kuya niya. Sabagay, mayaman sila at marami silang mga kasosyo sa mga negosyo nila.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nagbaling dito sa kasama ko na hawak-hawak ang kamay ko.

Ngumiti ito bago lumapit sa isang table. Doon ko napansin ang dalawang matanda na kamukhang-kamukha ni Amanda, lalo na ang babae. Ito yata ang mga magulang niya. Katabi nito ang isang lalaking maskulado kung manamit at singkit na mga mata.

"Shobe!" Humiwalay sa 'kin si Amanda bago lumapit sa lalaking singkit at agad itong niyakap.

"Kuya! I miss you!" Masyang sambit nito. Nakangiting nakatingin sa kanila ang mga magulang nila.

"I miss you too, Shobe. Ang laki mo na, ha?" Pang-aasar ng Kuya niya.

"Ilang buwan mo lang akong hindi nakita, eh." Napatawa naman ang kapatid nito sa sinabi.

"Amanda, hija. Nǐ shènzhì bù wènhòu wǒmen ma?" Hindi ko naintindihan ang sinabi ng tatay niya. Narinig ko lang ay 'women' baka related sa babae.

"Wǒ xiǎngniàn nǐmen." Nakangiting lumapit ito sa dalawa bago binigyan ulit ng yakap.

"Mukhang may kasama ka, shobe." Baling sa 'kin ng Kuya niya.

Bigla naman akong kinabahan, na sa 'kin na ang atensyon ng mga magulang niya at ang kapatid nito.

Lumapit ito sa 'kin bago humawak sa braso ko. "Mom, Dad, and Kuya. Meet Sherwin, my girlfriend." Bakas sa mukha nila ang gulat maliban nalang sa Mommy niya na nakangisi.

"N-Nice to meet you po." Utal na sabi ko. Gago kasi, eh. Kinakabahan ako.

"Kailan pa?" Biglang nag-iba ang mood ng tatay niya, dumoble tuloy ang kaba na araramdaman ko. Baka nga bumigay ako rito. 'Yung mga kasosyo nila busy sa mga usapan at kain.

"Last last week, Dad." Sagot ni Izhang.

"Pwede ko ba siyang makausap saglit?" Tumango si Amanda sa kanya. Saglit akong napasulyap sa kanya bago tumingin sa Daddy niyang sumeryoso ang mukha.

Naglakad kami sa may gilid kung saan kita pa rin namin sila Amanda.

"Ikaw pala ang kinukwento ng asawa ko. Sherwin Yun, tama?"

"O-Oho."

"Isa lang ang tanong ko sayo. Mahal mo ba ang anak ko?"

"Syempre po."

"Hanggang saan 'yang pagmamahal mo sa anak ko?"

"Hanggang kamatayan ho." Dapat pala hindi ko na sinabi 'yon. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung ano ang binabalak niya.

"Mabuti naman." Akala ko makakahinga na ako ng maluwag pero akala ko lang 'yon. "Pero 'wag ka muna magpakasaya, hindi ibig sabihin no'n ay pumapayag na ako sayo para sa anak ko. May mga pagsubok ka munang kailangan lutasan." Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Ho? Ano ho 'yon?"

"Malalaman mo mamaya." 'Yon nalang ang sinabi niya bago iniwan ako mag-isa.

Ano na naman ba itong pinasok ko?




Kagaya nga ng inaasahan ko, hindi na natuloy ang date namin ni Amanda. Nagtagal pa kami ng ilang oras sa bahay nila hanggang sa gumabi. Nadismaya naman ako do'n, sayang lang pala ang hinanda ko.

?????? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon