ChellMasayang nakahiga ako sa kandungan ni Clara. Nandito kami sa bahay na tinutuluyan niya. Sakto wala akong pasok kaya pumunta muna ako rito.
Napapapikit nalang ako sa bawat haplos niya sa buhok ko.
"Chelline, hindi ka pa ba uuwi sa dorm niyo? Kanina ka pa rito." Turan nito. Napabangon ako mula sa kandungan at nakasimangot na nakatingin sa kanya.
"Pinapaalis mo na ba ako?"
"Kung gusto mong umuwi, umuwi ka. Baka lang kasi nag-aalala na ang mga kaibigan mo roon."
"Eh, mas okay na ako rito. Kasama ka." Masayang sambit ko bago yumakap sa kanya.
"Oo nga pala," Dagdag ko. "Kailan mo 'ko ipapakilala sa parents mo?" Alam kong iniiwasan niya ang gano'ng topic pero gusto ko lang malaman para naman makapaghanda ako.
"Chell..."
"Clara naman, kilala ka na ng buong pamilya ko. Baka naman pwede ko na rin makilala ang mga magulang mo." Inis na tumayo siya kaya napahiga ako sa sofa.
"Pinag-usapan na natin 'to, Chelline. 'Wag mo naman akong simulan."
"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ayaw mo akong pakilala sa kanila. Kinakahiya mo ba 'ko?"
Napayuko ito. "Hindi naman sa gano'n."
"Eh, ano?!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw.
"I'm not out yet!"
Nagulantang akong napatingin sa kanya. Bumangon na ako at tumayo sa harap niya.
"Nagsinungaling ka pala sa 'kin? Huh, Clara naman! Pinagmukha mo akong tanga! Umaasang darating ang araw makikilala ko na ang taong nagpalaki sa taong pinakamamahal ko. Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na sabihin sa 'kin?" Naluluhang tanong ko.
"Gusto kong sabihin sayo kaso hindi ko kaya..."
"Hindi mo kaya? Para saan pang naging pulis ka kung duwag ka naman pala!" Isang sampal ang natamo ko mula sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kaya napahawak ako ro'n.
"Chelline, buong buhay ko hindi ako nasibahan ng duwag at hindi kailan pumasok sa isipan ko 'yon. Dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko, ang hindi ko lang magawa ay 'yang hinihiling mo dahil sa oras na malaman ng magulang ko lalo na ng tatay ko na may karelasyon ako na babae, you have no idea what they're capable of," Tumulo na ang luhang kanina pang nagbabadya sa mga mata niya. Mariin akong lumapit sa kanya at niyakap. Hinagod-hagod ko ang likod niya. "Panigurado'y itatakwil ako ng mga 'yon dahil galing ako sa isang pamilya na walang kundi magpalago ng pera't yaman nila. Hindi man lang nila iniintidi ang kaisa-isa nilang anak. Chelline, hindi ko kaya dahil sa oras na mangyari ang ikinatatakot ko... baka mawala ka sa 'kin, hindi ko kakayanin..."
"Pasensya na, Clara. Shh... tahan na. I'm sorry, everything is gonna be okay." Pagtatahan ko sa kanya.
Sana nga.
Sana nga malagpasan namin ito...
Sherwin
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong sigawan sa labas ng dorm, wala na sa tabi ko si Amanda.
Mabilis akong tumakbo palabas pero naalala ko na namamaga pala ang paa ko kaya natumba ako sa sahig.
"Sherwin, ano'ng ginagawa mo d'yan?" Napansin kong nasa harapan ko si Jade. Nandito na naman pala sila sa dorm, ginawa na nilang tambayan 'to, eh.

BINABASA MO ANG
??????
Random[COMPLETED] [Edited] [Revised] 03.27.21 - 07.10.21 Cold and reserved, SHERWIN YUN, had always aspired to join the tennis team of HazChele University, but a twist of fate lands her to the university's famous volleyball team. There, she meets AMANDA Z...