抖阴社区

Chapter 35

3.4K 156 21
                                        



Sherwin

"Bebelabs ko! Na-miss kita!" Sinalubong ni Jade si Haley ng yakap. Kararating lang nila at ito ngang si Jade na una pa kaysa sa amin.

"Bakit nangitim ka? Nag-swimming ba kayo ro'n?" Tanong ni Devin kay Bal.

"Hindi. Nagbabad lang naman kasi sa araw 'no, parusa 'yon sa amin dahil may ginawang kalokohan itong mga 'to. Nadamay pa ako." Napahalukipkip si Bal at napanguso.

"Eh, kasalanan ba namin na binabastos si Haley do'n? Mabuti nga nasapak ko 'yong lalaking 'yon." Mabilis na nagbaling ang tingin ni Jade kay Chell.

"Ano kamo? May nangbastos kay Haley?" Halata sa boses niya ang inis.

"Joke lang, eh. Hindi naman bastos, pinagtripan lang siya ng mga uhigan naming kakaklase."

"Aba't gago 'yon, ah! Sabihin mo sa akin, Chelline kung sino 'yon!"

"Hoy, Jade! 'Wag ka ngang magpaniwala rito kay Chell. Hindi naman totoo 'yong sinabi niya. Tss, selos na selos ka na naman."

"Wala siyang karapatang magselos." Seryosong sabi ni Haley, bago itinulak papalayo si Jade. Lumapit ito kay Lia at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Bakit wala? Kayo na hindi ba?"

"Hindi." Biglang nanlumo ang itsura ni Jade sa sinabi ni Haley.

"Oh my! Hahaha. Ang lakas mong makapag-bebelabs d'yan, hindi naman pala kayo." Pang-aasar nila.

Ramdam ko ang pagkadismaya ni Jade, kaya nilapitan ko 'to. Hinila ko siya papalayo nang hindi pinapansin ang pagtawag nila. Nang makalayo kami, doon bumuhos ang luha ni Jade, napabuntong-hininga ako at tinapik ito sa likod. Kawawang Jade.

"Bakit sabi mo kayo na?" Tanong ko sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang luha bago tumingin sa lapag.

"Sinabi ko lang 'yon para ma-ipamukha sa inyo na... na gusto ko siya." Nagtaas baba ang kanyang balikat habang nagsasalita.

"Bakit mo ginawa 'yon? Hindi mo naisip ang sasabihin sayo ni Haley. Ano ba ang nangyari?" Pinilit kong kumalma para sa kapakanan ng isang 'to.

"Hindi niyo 'to alam pero, n-nakipagbet ako kay Ranzel."

"Ano?" Gulat na napatingin ako sa kanya.

"No'ng una, nagustuhan kita pero hindi ko sinabi sayo dahil alam kong mas gusto mo si Amanda. Hindi ka matalo ni Ranzel kaya sa akin siya pumunta, at natalo ako sa laro namin. I'm desperate at that time kaya pumayag ako sa bet niya," Nag-angat ito ng tingin sa akin. "Si Haley ang gusto niyang saktan ko dahil siya ang pinaka-vulnerable sa inyo, madali siyang maging biktima. Kinalaunan, iba na ang nararamdaman ko para kay Haley. Unti-unti akong nahuhulog sa kanya kaya I cancelled the bet between Ranzel and I. Pero nalaman ni Haley ang about doon, humingi ako ng huling date sa kanya dahil sabi niya ayaw niya na niya raw akong makita. Galit na galit siya sa akin."

Nakatingin lang ako sa kanya pagkatapos ng mga sinabi niya.

"Maniwala ka, Sherwin. Mahal ko na si Haley kaya nga tinalikuran ko na si Ranzel, eh." Kaya siguro nag-iba ang pakikitungo ni Haley sa kanya, pati na rin sa amin.

"Humingi ka sa kanya ng tawad." Saad ko.

"Ilang beses ko nang ginawa 'yon, walang epekto sa kanya. Hindi ko alam kung susuko ba ako o hindi."

"Jade, kapag mahal mo hindi mo susukuan. You need to do everything para mapunta siya sayo. This coming sembreak? Suyuin mo siya, hanggang sa maging kayo. Malaki ang naging epekto ng away niyo ni Haley sa kanya, kaya mapapansin mo ang pag-iba ng ugali niya. Ibig sabihin lang no'n, natutunan ka rin niyang mahalin."

?????? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon