抖阴社区

Chapter 6

6 0 0
                                    

Wiped Of String.

"Nakita mo na ba yung bagong trending ngayon sa twitter?" 

Iyan agad ang bungad saakin ni Chaz pag dating sa bahay nila Arran. Sabay sabay muna kaming mag aaral ngayon para hindi kami masyadong mahirapan.

"Yung picture ng Night Seven kasama si Helena?" Si Arran naman ngayon ang nag tanong.

Kagabi habang binibisita ko ang twitter ko. Aksidente kong nakita ang bagong post ng page ng Night Seven.

Nakita ko ang ngiti ng pito kong kaibigan lalong lalo na si Nasser. Habang nakatingin silang lahat kay Helena na pinapagitnaan siya.

Hindi ko alam pero paki ramdam ko may naagaw siya saakin. Alam ko naman na sub lang siya ng banda. 

But I can't help but be jealous of her closeness to my friends. Pero alam kong kailangan ko ito agad pigilan para hindi na maulit ang nagawa ko kay Viven.

Hindi ko dapat pag isipan ng masama si Helena dahil wala naman siyang inaagaw saakin. Hindi lang talaga maiwasan na siya ang madalas makasama ng grupo dahil medyo iniingatan din kase ang career nila.

"Hala!" Napatingin ako kay Chaz ng bigla itong mag salita. "Tumahimik ka bigla? Nag seselos ka ba kase yung atensiyon nila na pupunta kay Helena?"

Agad akong umiling. "Hindi." Pag sisinungaling ko. "Nag tanda na ako sa nangyari sa pagitan namin ni Viven."

Gabi na pero nandito parin kami sa bahay ni Arran. Pero kahit isang text o chat mula sa mga kaibigan ko ay wala akong natanggap!

Nag sisimula na akong mag tampo kase kahit anong pigil ko mas pinapangunahan parin ako ng emosyon ko.

Tumayo si Chazz para kunin ang phone niya at nag aya ng picture.

"Hoy! Yung can beer makikita. Baka pag nakita nila Cryzon yung alak baka isipin nila umiinom tayo." 

Sila lang dalawa ang umiinom dahil hindi naman ako sanay.

Agad namang napag tanto ng dalawa kung anong ibig kong sabihin. Kaya niligpit muna namin ang coffee table bago mag selfie.

"Tag mo kami sa instagram!" 

Arran said before lying down on the sofa and just using his cellphone. Chazz and I, also lay down while she uploaded our picture on instagram.

Nag comment ako sa post ni Chazz dahil puro epic ang picture namin doon!

G_Noam: Epic of the day!

Lopez_A: The history! Ganda ko parin kahit Epic!

Sabay sabay kaming natawa dahil maraming nag react sa comment na iyon ni Arran. Dami talagang nag kakagusto sa kaniya.

Cha_zz: Magaling kase photographer niyo. Uwu.

Sabay naming binatukan ni Arran si Chazz dahil sa mga kalokohan nito. Pero ginantihan niya kami dahil ayaw niya talagang mag patalo!

Napakunot ang noo ko ng makitang nag notification ang instagram ko. Agad ko iyong pinindot at agad na nainis dahil nakita kong nag react si Marco sa mga post namin!

Paano ko 'to naging kaibigan sa instagram! Out of curiosity I stalked him.

Hindi pa man ako nakakatagal ng makita ang post niya na one day ago lang. Kumalabog bigla ang puso ko sa kaba dahil sa nakita kong picture!

Nakatalikod ako habang naka upo sa isa sa mga bleacher habang pinapanood ang mga nag lalaro na baseball team!

He's famous and has many followers. So, many are curious who the woman in the picture is!

Wiped Of String (Hopeless Series #1)Where stories live. Discover now