抖阴社区

Chapter 15

14 0 0
                                    

Napapaikit Ako sa tuwing pinag lalaruan ni Nasser yung buhok ko. Na rerelax ako sa tuwing ginagawa n'ya yon, para akong hinehele ng mga kamay nya.

"Punta ka mamaya ah." Bulong sakin ni Nasser habang naka dukdok sa leeg ko.

Sasagot na sana Ako Ng may biglang tumawag sa kaniya. Biglang umupo si Jethro katapat namin ni Nasser.

"Tara na daw sabi ni coach." Sabi nito habang umiinom ng tubig.

Tumango si Nasser. "Sige sunod ako."

Pagkasabi nya non ay umalis na agad si Jethro. Umayos na ng upo si Nasser Saka tumingin saakin. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Practice lang kami, hatid nadin kita sa next sched mo. Punta ka mamaya ah." Sabi nito na may paninigurado.

I immediately nodded. "Oo pupunta ako." Then I gave him a reassuring smile.

Binigyan Ako nito ng halik sa noo na medyo ikinagukat ko. Dahil first time n'ya lang gawin saakin 'to bilang manliligaw nya.

Pagkatapos akong ihatid ni Nasser sa next pasok ko ay naging lutang ako. Pakiramdam ko mamatay ako sa kilig! Ganito pala pakiramdam pag hindi na kaibigan turing sayo ng gusto mo. Kung hindi mahal ka na n'ya talaga bilang babae.

Hindi na kami nag kasabay ni Nasser at nauna na sa event nila sa gig dahil na move ng mas maaga. Kaya nag text nalang s'ya saakin na mauuna na sila at sumabay nalang ako Kila Arran.

Agad akong inakbayan ni Arran ng makita ako. "Tara daw! May session tayo." Malaking ngiti saakin ni Arran.

Agad na kumunot ang noo ko sa kaniya. "Huh?"

"Birthday ni Chazz! don't tell me you forgot his birthday?" Nakataas na kilay na sabi ni Chazz.

Nanlaki ang nga mata ko at napasapo sa noo. Paano ko nakalimutan na birthday pala ni Chazz! Tapos nasabay pa sa gig nila Nasser!

Pero if sasaglit lang naman kami iinom ay paniguradong makakaabot pa ako sa gig nila.

"N-ngayon na ba mismo? Eh diba hindi naman tayo pwede sa mga bar kase hindi naman tayo makakapasok don. If nakapasok man, need natin na kasama sila Nasser dahil malaki connection nila sa mga bar."

Lumaki bigla ang ngisi nito. "Sa sementeryo daw tayo."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at kinabahan. For sure pag nalaman 'to ni Nasser malalagot ako! At lalong lalo na mga kuya ko!

Pero wala na akong nagawa dahil birthday yon ni Chaz. And no choice ako dahil ayoko naman na mag tampo sila sakin. Basta sasaglit nalang ako at hindi ako gaanong iinom.

"Uyy saan kayo pupunta?" Tanong ni Jethro ng maka salubong namin sa back gate. Hindi na kami sa main gate dumadaan dahil madaming dumadaan doon.

Siguro hindi sya naka sabay kila Nasser dahil may inaasikaso pa ito.

"H-huh Wala, wala may pupuntahan lang saglit." Medyo kabado kong sabi

Medyo matagal syang sumagot na parang may pag dududang tumango. "Sigee, Basta mamaya wag kayong makakalimot sa gig, Lalo ka na Noam. Baka samin mabaling galit ni Nasser pag wala ka don."

Tumango ako at medyo nakaramdam ng konsensya. Pina ngako ko talaga sa sarili ko na sasaglit lang ako. for sure Chaz and Arran will understand that I won't be around for long. Right?

Nilakad lang namin ang papasok sa sementeryo. Napa sapo ako sa noo, bakit naman sa simenteryo pa nila naiispan na mag inom.

Alam ko naman na bawal sa mga bahay Namin o nila Chaz at Arran. Sure naman Ako na available Ang bahay Ng iba.

Wiped Of String (Hopeless Series #1)Where stories live. Discover now