Wiped Of String.
I don’t know how I will feel. Because in the end, only Chazz and Arran were with me.
Hindi rin kase makakasama ang buo kong mga kaibigan. May gagawin daw silang importante.
Hindi ko pa man nasasabi kung saan ako pupunta pero tumanggi na agad sila. Hindi ko alam kung ano bang importante ang gagawin nila kumpara saakin.
Kaming tatlo lang naman kase ang nakakaalam na sumali ako sa event sa maynila. Malaking stage din iyon para saakin.
"Bakit naman mas sinamahan pa ni Nasser si Helena kesa sa'yo?" Takang tanong ni Chazz.
Umiling ako. "Hindi ko alam."
Naka punta na kami sa studio kung saan may gaganapin na event. A staff member took us to a makeup room.
Agad na inayos ng dalawa ang gamit ko. Sila narin ang mag aayos saakin dahil hindi alam nila Mommy ang mga pinag kaka abalahan ko sa buhay.
"Anong kakantahin mo?"
Tanong ni Arran habang inaayos ang makeup na gagamitin saakin. Hindi na ako naka sagot ng dumating ang isang lalaki pero naka bihis ng pang babae.
"Who's Noam Guevarra?"
He's gay. Hindi lang dahil sa pananamit nito kung hindi pati narin sa paraan kung paano siya mag salita.
Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Ako, po." Magalang na sabi ko.
Tumaas ang kilay nito saakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko nabastusan ako sa ginawa niyang 'yon!
Pero dahil ginagalang ko siya pinilit ko nalang na hindi mag salita. Baka kase imbis na maka tapak ako sa stage ay hindi na mangyayari dahil lang sa sinagot ko siya.
Isa narin ito sa pag kakataon para maipag patuloy ko ang pangarap ko na naudlot dahil sa takot.
"Get ready and. When you hear your name, then you will come out."
"Opo."
Tinignan pa ako nito ng isang beses at lumabas na. Pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigilan na pag hinga.
"Ang sungit!" Pag rereklamo ni Chazz.
Nag tawanan lang kaming tatlo. Pare-parehas lang kasi ang iniisip namin tungkol sa manager na iyon.
Agad akong inayusan ng dalawa na mula sa buhok at sa katawan ko. Si Chazz ang umaayos sa buhok ko habang si Arran naman sa makeup.
Halos ilang oras din akong inayusan ng dalawa bago kami pumunta sa susuotin ko.
"Ang galing ko talagang mag makeup. Maganda na si Noam pero mas napa ganda ko pa!" Proud na proud na sabi ni Arran.
"Ayos na ba ito?"
Sabay kaming napatingin ni Arran kay Chazz ng mag salita ito. Hawak na nito ang isang dress na kulay itim na mukhang hindi aabot hanggnag tuhod. Not to mention na backless iyon!
"Will you let me wear that kind of dress?"
Hindi ako makapaniwalang naka tingin sa kaniya. She just nodded at me. I just sighed because I knew I couldn't do anything.
Natapos na kami at muli kaming binalikan ni madam Jopay. Iyong manager na kung makatingin saakin kanina, para sabihin na stand by na kami.
Ganon nga ang ginawa naming tatlo. Pumunta lahat ng naimbitahan sa gilid ng stage. Pero hindi kami kita ng lahat ng manonood.
"Mayroon daw special guess." Pag imporma saamin ni Arran.
Kumunot ang noo ko. "Sino daw?"
Nag kibit balikat lang siya dahil nag sisimula na ang event.

YOU ARE READING
Wiped Of String (Hopeless Series #1)
RomanceNoam Guevarra is a little sister of prosecutor Niro Yhail Guevarra. Also Fritz Guevarra. And a friend who have a dream in music Nasser Guerero. But the cycle of their lives will change with bad news that will change the flow of their story. Hopelss...