Lima lang kaming kakanta at pang huli ako sa kanila. Papakantahin muna ang tatlo saamin bago tawagin ang special guess.
Sayang talaga at hindi manlang ako mapapanood ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman kase pwedeng pigilan sila.
Hindi lang naman kase saakin umiikot ang mundo nila. Nakakahiya naman siguro kung lahat ng gusto ko ipag pipilitan ko sa kanila.
Minsan kailangan niyo lang talagang intindihin ang isat isa. Ayoko silang mawala kaya ayokong masakal sila saakin.
Kaso nakakatampo parin sila. Hindi manlang nag text o tumawag saakin.
Lahat ay sinasabihan namin ng goodluck bago humarap na entablado. I know how nervous they are, because I feel that way now.
Pag katapos ng kasamahan namin na kumanta ay ang guess na ang susunod. Nagulat pa akong napatingin kila Chazz at Arran ng ipakilala ang guess na si Helena Tuazon.
Mas nanlumo pa ako ng makita ang buo kong kaibigan na kasama niya! Walang labis at lalong hindi nag kukulang.
Para silang isang banda na kakanta sa maraming tao ngayon.
Kaya ba hindi sila makakasama dahil kay Helena? Ito ba ang sinasabi nilang... importante.
Mas gusto ba nilang samahan si Helena kumpara saakin? Kaya ba agad silang tumanggi dahil kay Helena!
Agad na tumulo ang luha ko lalo na ng makitang ang saya saya nilang lahat. They even mouthed to Helena a Goodluck.
Everything is neat and clean. From Nasser to Helena's singing. Sila sana ang balak kong tumugtog para saakin... pero... humikbi ako at wala na akong paki alam kung ano ang iisipin ng dalawa kong kasamahan.
Wala narin akong paki alam sa makeup ko. Hinawakan ni Chazz at Arran ang balikat ko para aluin ako. Humarap ako sa kanila at doon umiyak sa balikat nila.
Saka lang ako tumahimik ng tapos na ang performance nila. Para akong tinakasan ng lakas ngayon dahil sa mga nangyayari.
Sobra akong nasaktan hindi dahil sa mas pinili nila si Helena. Mas nasasaktan ako ngayon dahil hindi manlang nila ako tinanong kung ano ang gagawin ko nung mga panahon na nag papasama ako sa kanila.
"Congratulation Helena. Ang galing mo talaga!" Sabi ni Jethro.
Ngumiti sa kaniya pabalik si Helena. "Thank you guys! You know this mean a lot for me!"
Nasa madilim kaming parte kaya hindi nila ako nakikita! Nilampasan lang nila ako!
Sobrang sakit at ang bigat sa pakiramdam ng ginagawa nila saakin. I was still not satisfied because followed them secretly.
"Stop this Noam. Kakausapin nalang natin sila kapa------"
Tinignan ko lang si Arran at ng wala silang magawa ay sinundan na lang din nila ako. Pumasok sila sa isang room at aksidente naman na hindi nasara ng mabuti ang pinto.
Sumilip ako at parang may kumurot sa puso ko ng makita kung gaano sila kasaya para kay Helena.
Hinaplos pa nila isa isa ang buhok nito na parang bata! Saakin lang nila ginagawa iyon!
"Meron pang kakanta, tara na para makanood tayo!" Suhestyon ni Matthew.
Nag mamadali kaming umalis dahil baka maabutan nila kami. Sakto at pang apat na ang naka salang at susunod na ako.
Nawalan nga lang ako ng gana dahilsa nakita ko kanina.
Konting pagitan lang at nasa gilid na namin sila Nasser para manood. Pero kahit papaano ay malayo parin kami sa kanila, kaya hindi nila kami pansin. Lalo na at madilim pa ang back stage.

YOU ARE READING
Wiped Of String (Hopeless Series #1)
RomanceNoam Guevarra is a little sister of prosecutor Niro Yhail Guevarra. Also Fritz Guevarra. And a friend who have a dream in music Nasser Guerero. But the cycle of their lives will change with bad news that will change the flow of their story. Hopelss...
Chapter 11
Start from the beginning