抖阴社区

                                    

Nasabunot ni Helena ang sariling buhok na parang frustraded na sa buhay.

"Pero kaibigan ka lang!" Sigaw niya.

Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil wala akong maintindihan sa nararamdaman niya. Kailanlang siya dumating sa buhay namin kaya paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon?!

Ayos naman kami nung panahon na wala pa siya. Wala kaming nagiging problema nung kami palang ang mag kakasama.

"Pero ako naman yung nauna eh, ako naman talaga yung nauna.... sa lahat."

Sumingit lang naman talaga siya at pinipilit kung ano yung akin. Para siyang inggit na inggit sa kung anong meron ako ngayon.

Para siyang hindi makukuntento kapag hindi niya nakuha ang mga bagay na meron ako. Gusto niya rin mag karoon, higit sa lahat. Gusto niya akong agawan.

That's how I feel about her attitude. She was desperate to get everything she couldn’t get.

"Hindi lahat ng nauna may karapatan! Hindi lahat ng nauna pinipili. Ako na nga yung pinili nag bubulag bulagan ka parin! Oh. My god. Wake up!"

Tinamaan ako sa sinabi niyang iyon. Napatunayan iyon ng pinili nila si Helena kumpara saakin. Na hindi porket ikaw yung nauna ikaw na yung laging uunahin.

Minsan pa nga kung sino yung kadarating lang, mas sila pa yung pinipili. Hindi nila iniintindi yung mararamdaman namin.

Yung sinanay ka tapos bigla ka nalang hindi pipiliin. Umalis ako mula sa pag kakasandal sa hood ng kotse saka siya sinampal ng malakas.

Para magising siya sa katotohanan at maliwanagan. Nagulat siya sa ginawa ko habang nanlalaki ang mga mata. Hawak hawak pa niya ang kaliwang pisngi habang nakatingin saakin.

Pero imbis na matauhan mas nag pumilit pa ito sa kung ano man ang pinag lalaban niya.

"Tanggapin mo nalang kase na hindi ikaw. Hindi magiging ikaw! Kase kaibigan kalang!"

Natawa pa ako ng marinig siyang umiiyak. Sampal lang umiiyak na siya. Dapat pala sinamahan ko narin ng pag sabunot sa medyo mahabang niyang buhok.

"Ako dapat iyon. Ako dapat ang nasa posisyon mo. Dapat ako yung tinatawag nilang baby. Dapat saakin lang sila close!

Nandidiri akong napatingin sa kaniya habang siya ay hawak parin ang kaliwang pisngi.

"Tanga ka ba? O bobo? Alin ka don? Kung naiinggit ka. Mag hanap karin ng tatawag sa'yong baby."

Inirapan lang ito nito bago pinahid ang luha. "Isusumbong kita kila Nasser."

Napailing iling nalang ako. Nawawala na talaga siya sa sarili niya. "Go on! wala na akong pakialam!"

Umalis na si Helena at doon ko palang inilabas ang kanina ko pang pinipigilan na hining. Napasandal ako sa kotse ng maramdamang na nginginig nag tuhod ko dahil sa pang hihina.

Napa ayos lang ako ng tayo ng makitang papalapit saakin si Arran at Chazz.

"Narinig namin lahat!" Parang proud na proud na sabi ni Chazz. "Hindi na pala kailangan ng tulong namin."

"Naabutan namin kayong nag sasagutan. Balaka ka sana naming tulungan, pero mukhang hindi mo na yata kailangan iyon." Si Arran naman.

"She's crazy." Sabi ko nalang.

Dumeretso kami sa condo unit ni Arran imbis na sa kaniya kaniya naming bahay. Pero nag paalam muna ako at dinahilan nalang na may project kaming gagawin.

Nasa malayo ang bahay nila Arran kaya kumuha siya ng condo na medyo malapit lang sa school kahit papaano.

Tumambay kaming lahat sa sala bago buksan ni Arran ang TV niya.

"Manood tayo ng netflix."

Pag katapos niya sa panonoorin namin ay sa kusina naman siya nag tungo. Bumalik ito saamin bago kami tanungin.

"Nagugutom ba kayo?" Sabay kaming umiling ni Arran habang nakatingin parin sa pinapanood. "Great! Uminom nalang tayo."

Ilang minuto pa bago bumalik si Arran na may dala ng tatlong can beer at mga chips.

Habang nanonood ay umiinom din kami. Kaya nakakaramdam na kami ng konting hilo at tama dahil sa alak.

Napairap pa ako ng sundin namin ni Arran ang gusto ni Chazz. Itinaas namin ang can beer at pinikchuran iyon, kamay at can beer lang ang kita saamin.

Habang abala sa pag liligpit ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Pero wala pa akong oras para silipin iyon.

Naligo muna ako dahil naiinitan na talaga ako. Buti nalang at mag ka seize lang kami ni Arran kaya nakahiram ako sa kaniya ng damit.

Dalawa ang kwato sa condo niya at medyo may kalakihan. Kaya napag desisyunan nalang namin na iisang room nalang ang gamitin namin.

Nakita kong tulog na ang dalawa habang nakadantay sa isat isa. Inayos ko muna ang sarili ko bago humiga.

Hindi pa man ako nakaayos ng walang habas ang kumakatok sa pinto. Agad na napabalikwas ang dalawa dahil sa narinig.

Lahat kami ay napalabas ng kwarto at ako na ang nag prisinta na buksan ang pinto. Gigil na gigil talaga ang kumakatok na parang gusto ng sirain ang pinto.

Nanlalaki ang mata kong tinignan ni Nasser ng makita na siya ang nasa harapan ko.

Pero hindi niya ako pinansin at basta nalang siyang pumasok sa loob na parang may hinahanap.

"Gosh!" Nagulat na sabi ni Arran.

Nakatayo lang ang dalawa habang  nakatingin sa lalaking humahalughog ng condo unit ni Arran.

"Where's that fucking Marco!"

Kumunot ang noo ko at nainis dahil sa inaakto niya ngayon. Wala namang Marco dito! Saka anong karapatan niyang basta nalang pumasok dito pag katapos ng ginawa niya saakin?!

"Walang Marco dito!"

"Ano yung naka post na kasama niyo siya?!"

Kahit nalilito ay tinignan ko amg cellphone ko. Tinignan ko ang mga notification sa phone ko.

Nasamid ako sa sarili kong laway ng makitang ni post ni Chazz ang picture habang hawak namin ang can beer. Naka tag kami at kahit hindi kasama si Marco ay naka tag din!

May naka caption pa talaga!

Cha_zz: With Him!

Wiped Of String (Hopeless Series #1)Where stories live. Discover now