MAINGAY ang mga tao na andito ngayon sa loob ng bahay.Birthday ng kuya ko ngayon kaya marami kaming bisita,kabilang na doon ang mga kaibigan nita.
Naka-upo lang ako sa may gilid habang pinapanood ko ang taong nagsasaya ngayon,hindi ako sanay na makihalubilo sa ibang tao kaya lagi akong mag-isa.
Busy sila mommy at daddy sa mga bisita,si kuya naman ay andoon sa mga kaibigan niya.Madalas kong makita ang mga kaibigan ni kuya na pumupunta dito sa bahay pero hindi ko sila kinakausap.
"What are you doing here?" napaigtad ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko.
Nakatayo doon si kuya habang ang tatlo niya namang kaibigan ay nasa likod niya.
"Kumakain po," napatingin ako sa may plato kong wala ng laman.Hindi ko manlang namalayan na wala na palang laman ang plato ko.
"Wala ka bang kakilala?" sabat ng isa sa mga kaibigan ni kuya,ang pagkaka-alam ko Zoren ang pangalan niya.
"Wala po,eh!" ngumiwi ako ng palihim ng umupo silang tatlo sa may bakanteng upuan.
"Wow,boring siguro ng buhay mo." ngumiti ako sa sinabi ni kuya Mike, kaibigan din siya ni kuya.
"Hindi naman po." humalakhak si kuya Zoren at kuya Mike sa sinabi ko.
"Anak ng tupa,ang galang galang mo samantalang 'tong kuya mo hindi." sinamaan ni kuya si kuya Zoren dahil sa sinabi niya.
"Matulog kana,Hasryll." bumusangot ako sa sinabi ni kuya.Tinapik ni kuya Mike ang balikat ni kuya.
"Maaga pa,Xyrus." umiiling na sabi niya.
Napatingin ako sa isang kaibigan nilang tahimik,parang walang pake sa paligid.Siya ang pinakamatahimik sakanilang apat,ang pangalan niya ay Sean.
Umiwas ako ng tingin ng mapatingin siya saakin. Eighteen na sila,at nasa grade twelve na sila.Ako naman ay Sixteen palang,grade ten palang ako.
"May manliligaw kana ba, Hasryll?" binatukan ni kuya si kuya Zoren dahil sa sinabi niya.
"M-meron naman p-po." umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sagot ko.
"Hoy,bata kapa Hasryll.Your lover will pass by me first, before you answer them." umugong ang malakas na tawanan sa mesa namin dahil sa sinabi kuya.
Wala namang reaksyon si kuya Sean,nakahawak lang siya sa baso niyang may lamang alak habang nakakunot ang noo.
"Kuya naman," pintik niya ang noo ko dahil sa pag-aangal ko.
"Ilang taon kana ba?" tanong naman ni kuya Zoren.
"16 po" sagot ko.
Tumango silang dalawa ni kuya Mike sabay baling kay kuya Sean pero agad din nilang inalis ang tingin sakaniya.
"Bata kapa pala,pero ayos na'yan.Itong kuya mo,grade nine humarot." umasim ang mukha ni kuya Zane dahil sa sinabi ni kuya Zoren.
"Gago" pasinghal na saad niya.
"Pumapatol kaba sa mas matanda sayo?" nakangising tanong ni kuya Mike.Pabirong sinuntok ni kuya Zane ang braso ni kuya Mike.
"Gago ka,tigilan niyo nga si Hasryll.Bata pa 'yan,nag gagatas pa'yan bago matulog." nanliit ang mata ko sa sinabi ni kuya,tumawa ang mga kaibigan niya.
Napatingin ako kay kuya Sean ng marinig ko ang tawa niya.Nakakainis talaga 'tong kapatid ko.
"Wait lang po, bathroom lang po ako." nahihiyang paalam ko,narinig kopa ang tawanan nila kahit nakalayo na ako sa mesa namin.
Nakakainis talaga.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa salamin.Inayos ko ang takas kong buhok bago lumabas ng bathroom.
Biyernes ngayon at sabado bukas kaya walang pasok.Lumabas ako ng banyo, matutulog nalang ako kaysa makihalubilo sakanila kuya.
"Ay,sorry po." natataranta kong sabi dahil may nabangga ako habang papunta sa sala namin.
"Okay lang." napa-atras ako ng marinig ko ang boses niya,napatingala ako.
Si kuya Sean.
"S-sorry kuya,uhm. . . alis na ako sorry po ulit." nagmamadali akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.
Agh,ang dami kong kahihiyan ngayong gabi.
ALAS DYES ako nagising kina-umagahan.Naabutan ko pa sila mommy at daddy na kumakain ng breakfast kasama si kuya.
Tinanong pa nila ako kagabi kung bakit daw hindi ako nagpaalam sakanila na matutulog na ako, pero ang tanging sagot ko ay pagod ako kaya natulog ako kaagad.
Umalis din sila mommy at daddy matapos nilang kumain, pupunta daw sila ng meeting nila kahit sabado naman.
Itinaas ko ang paa ko sa sofa at pinacross ito,naka suot lang ako ng kulay puting oversized t-shirt at maiksing short,dahil sa haba ng damit ko parang wala na akong short kung titignan.
Naka messy bun ang buhok ko,at naka suot ako ng eyeglass habang nakatingin ako sa sa loptop ko na nasa mesa dito sa may sala.
"Ano ba,kuya?Hinaan mo nga 'yang pinapanood mo." pasinghal kong sabi,tinignan niya muna ako bago pinahinaan ang tv.
Nanonood ako ng k-drama,tapos kona lahat ng projects ko kaya pwede na akong mag relax.
"Hello world . . ." malakas na sigaw ni kuya Zoren,hindi ko 'yon pinansin at tinuon ang paningin ko sa may loptop ko.
Halos mapatalong ako sa gulat ng may maghagis saakin ng square na unan.Napatingin ako sa may gawa no'n,umiwas siya ng tingin at umupo sa may tabi nila kuya Zane.
Nginitian ko ng awkward si kuya Sean dahil sa ginawa niya.Kinuha ko ang unan na hinagis niya saakin at inilagay yon sa ibabaw ko.
"Anong pinapanood mo, Hasryll?" biglang tanong ni kuya Mike sabay upo sa tabi ko.
"K-drama lang po." maiksing sagot ko.Nagulat kaming dalawa ng may sumingit sa upuan na inuupuan niya.
"Paganon ka,makikinood ako." ngumisi si kuya Mike kay kuya Sean dahil sa ginawa niya.
"A-ay,nood kalang kuya." nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko, humalakhak ng malakas si kuya Mike.
"Kuya zone," humalakhak silang lahat sa sinabi ni kuya Mike, samantalang ako ay naguguluhan sakanila.
****
Under editing 💋( /^ω^)/♪♪

BINABASA MO ANG
Just Another Badboy Inlove (Badboy Series 1) Completed
RomanceShe's just ordinary girl.If we think about it she seems to have the happiest family in the world, but no.The Zaponte's family have a rule,and this rule is "Bawal magkaroon ng anak na babae". Itinago nila siya para hindi siya mahanap ng kalaban nila...