抖阴社区

Chapter 10:Trouble

229 10 1
                                    


UMUPO ako sa may arm chair ko,nadtanan ko si Marko na naka-upo parin sa tabi ng upuan ko.Hindi nalang ako umimik at tahimik nalang na umupo,kahit ang tingin ng mga kaklase ko ay nasa akin.

October na,ilang buwan nalang ay bakasyon nanamin.Malapit naring umalis sila kuya dito sa school,wala pang sinabi si kuya kung saan siya mag-aaral ng college.Si kuya Sean kaya?

Ngumiwi ako ng may tumamang libro sa mukha ko,mabuti nalang hindi nahulog 'yung suot kong salamin.Nagtawanan sila sa ginawa ni Ayanna,hindi nalang ako umimik dahil alam ko namang sinadya nila 'yon.

"Stupid,alam ng may girlfriend ang tao hinaharot pa.Saan kaba nagmana?Hindi naman ganyan si Xyrus,anak ka siguro sa labas." muli silang nagtawanan,wala pa ang a.p teacher namin kaya nagagawa nanaman nila ang gusto nila.

"If ako sayo,iwasan mo na si Sean.Hindi siya makakabuti sayo,hindi mo pa siya lubusang kilalala.Lahat silang apat,kahit sarili mong kapatid ay pinagtataguan ka nga." mariing bulong na sabi saakin ni Ayanna. "Tsk.Tsk.Wala ka palang alam,poor you.Niloloko kana nga hindi mo pa alam, you're so stupid talaga."

Walang salitang lumabas sa bibig ko.Nagtawanan lang sila ng bumalik ulit si Ayanna sa upuan niya.Nakatulala lang ako habang iniisip ang sinabi niya,palalihim si kuya kaya hindi ko alam ang mga ginagawa niya tuwing umaalis siya sa bahay ng pasado alas dyes ng gabi.

"Sabi sa eh,hindi mo sila kilala." napalingon ako sa katabi kong si Marko.Nakangisi siya habang pinaglalaruan ang ballpen sa may kamay niya,umiling iling pa ito habang nakatingin saakin.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" mahinang bulong ko.Mas lalong lumawak ang ngisi niya sa tanong ko,dumukwang siya at bumulong sa tenga ko.

"Secret" gusto kong ihampas kay Marko ang notebook na nasa desk ko dahil sa sagot niya.Sakrikasto ko siyang tinignan na siyang ikinatawa niya.

"Baka kung sabihin ko,ikaw pa mismo ang lumayo sakanila.Imbes na sila lumayo dahil mapapahamak ka,baka ikaw pa lumayo." mahinang bulong niya,mabuti nalang may sari sariling mundo ang mga classmate ko.

"A-ano?Sabihin mo na" kinakabahang sabi ko.

Pumaskil sa labi niya ang nakakalokong ngisi,hinila niya ang arm chair ko palapit sakaniya kaya hindi ko maiwasang mapasinghap.

"Pumapatay sila,illegal ang trabaho nila.Marami silang kaaway sa labas ng underground nila,kabilang na doon si Bryz." nilalaro niya ang buhok ko habang sinasabi 'yon.

"Hindi sila tunay na estudyante dito,kaya takot na takot ang mga estudyante dito dahil alam nila ang totoo.Dalawang taon na simula noong nakapagtapos sila ng pag-aaral,nineteen palang sila nakapagtapos na sila." pagpapatuloy niya.

"Silang apat ang may pinakamataas na pwesto sa underground,pero si Sean ang nangunguna.Marami silang illegal na ginagawa.Kung hindi ikaw ang lalayo,mapapamak ka.Ayaw nilang lumayo sayo dahil nakilala ka ng grupo nila Bryz." napanganga ako sa gulat,namamawis ang mga palad ko dahil sa hindi malamang dahilan.

Umayos ulit ng upo si Marko ng dumating na ang subject teacher namin.Buong klase akong tulala,hindi ko alam ang gagawin ko.Sana hindi ko nalang inalam ang mga pinagsasabi nila,kaya pala sa tuwing nakikita nila sila kuya Sean napapa-atras sila.

"Hasryll" napaigtad ako sa gulat ng biglang may humawak ng balikat ko.Naka kunot ang noo ni kuya habang nakatingin saakin.

"Kanina kapa namin tinatawag,tulala kalang dyan." lumunok ako at dahan dahan na tumango.

"M-may iniisip lang" saad ko.

"Tara na,gutom na ako" naunang naglakad sila kuya,kasabay ko nanaman si kuya Sean sa paglalakad at hawak niya nanaman ang bag ko.

Just  Another Badboy Inlove (Badboy Series 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon