抖阴社区

Special Chapter:

264 8 2
                                    

"MA'AM,si Ivan po umalis nanaman." napalunok ang guard nila ng makita ang hitsura ng kanyang amo.

"Saan siya pumunta?" seryosong tanong ni Hasryll.Tumayo siya kinauupuan niya habang ang dalawang kamay niya ay nasa bewang.

"Ma'am,h-hindi ko po alam.M-may ibinigay po siya sa aming kape kanina,hindi naman po namin alam na may halong pampatulog." umismid si Hasryll at tumango.

"Sige,salamat." saktong pagka-alis ng guard nila at siya namang pagdating ni Sean.

May hawak siyang suitcase sa kanang kamay neto.Naka suot siya ng salamin,ngumiti si Sean nang makita niya si Hasryll.

"Hi,baby." ngumiti si Hasryll at sinuklian ang halik ni Sean.

Sa mahigit ilang taon nila bilang mag-asawa ay nabiyayan sila ng tatlong anak na lalaki.Ang panganay nilang anak na si Conard ay nagmana kay Hasryll na mabait,pero nakuha niya kay Sean ang pagiging malamig niya sa lahat.

Ang pangalawa naman nilang anak na si Ivan ay ang pinaka maligalig,siya ang pinakapasaway sakanilang anak,walang araw na hindi sila napapatawag sa school neto.

At ang kanilang bunsong anak na si Joreil,kung pasaway si Ivan ay mas pasaway naman siya.Lagi niyang pinagtritripan ang isang classmate niyang babae.

"What's wrong?" tanong ni Sean habang hinahalikan niya ang gilid ng tenga nang kaniyang asawa.

"Si Ivan,umalis nanaman.Sean,ano bang gagawin natin kay,Ivan.?Maaga tayong tatanda sa pinaggagawa niya.Nagkulang ba tayo sa pag-aalaga sakaniya?" humina ng humina ang boses niya.

Hinawakan ni Sean ang pisngi niya. "Ofcourse not,baby.He's eleven now,alam niya na ang ginagawa niya.But,don't worry i will deal with him." nalukot ang mukha niya dahil sa sinabi ni Sean.

"Sean,wala pa siya sa legal age.Baka mag mangyaring masama sakaniya." singhal ni Hasryll.

"Walang mangyayaring masama sakaniya, don't worry about him wala namang ibang pupuntahan 'yon kundi sakanila Quinee." bumuntong hininga si Hasryll at tumango.

"I want a baby girl." mahinang bulong ni Hasryll.Napatitig si Sean sakaniya,malungkot na ngumiti si Sean.

"Ang sabi ng—. . . . we will adopt." pagputol kaagad ni Hasryll sa sasabihin ni Sean.

"Yes,if that makes you happy." niyakap ni Hasryll ang bewang ni Sean tsaka siya tumingkayad upang mahalikan ang labi ng kaniyang asawa.

"I love you."

"I love you too,baby."










"LOOK,husband, she's so pretty and adorable." mahinang tumawa si Sean dahil sa sinabi ng asawa.

Matapos sabihin ni Hasryll na gusto niyang magka-anak ng babae ay nag ampon sila ng legal.Pumayag ang dalawang anak niya pero si Conard ay walang sinabi.Nag ampon sila ng legal,pati ang apelido ni Sean ay ibinigay sa bata.

Hindi na pwedeng magbuntis si Hasryll dahil hindi niya kayang manganak ng normal, kailangan siyang i- cesarean,lahat ng anak nila ay cesarean.

"Woah,is that our new sister?" manghang sabi ni Ivan habang nakatingin sa bata.Tumagilid ang ulo ng bata habang tinitignan ang tatlong lalaking kadararing.

"Gago,takot ata sayo." tumawa ng malakas si Joreil.

"Joreil anak, your mouth." kunwaring napatakip si Joreil kaya napasimangot si Hasryll na siyang ikinatawa ni Sean.

Napatingin sila sa batang babae ng bigla itong tumayo.Nasa tatlong taon palang ito,ngumisi si Ivan ng makita niyang deretcho ang bata kay Conard,hinawakan ng batang babae ang pants ni Conard.

"U-up . . . Up" tumagilid ang ulo ni Conard habang nakatingin sa bata,inaabot ng batang babae ang kamay niya.

"Huy,buhatin mo daw." sabi ni Joreil.

"I'll change my clothes." napatanga ang bata ng hindi siya pinansin ni Conard,napalabi siya kasabay ng panunubig ng mata.

Tumayo si Sean sakaniyang upuan at binuhat ang bata. "Hush now,love.He's just going to change hes clothes, don't cry."

"Si kuya talaga, kahit kailan." umiiling na saad ni Ivan.Nagkibit balikat lang naman si Joreil bago umakyat para magpalit nadin ng damit.

"Bakit gano'n si Conard?Ayaw niya ba kay baby Jasmine?" tanong ni Hasryll habang hinahaplos ang pisngi ni Jasmine.

"No, he's just shock,give him time." walang nagawa si Hasryll kundi ang tumango,hinalikan ni Sean ang noo niya.







Years passed.Nasa college palang si Conard, samantalang si Ivan ay mag co-college palang si Joreil naman ay nasa grade eleven na,si Jasmine naman ay kasalukuyang nasa grsde eight palang.

"Kuya Joreil" masayang bati ni Jasmine ng makita niya ang kapatid niyang papasok ng bahay nila.

"Huwag ka munang lumapit sakin,madumi ako,Jasmine.Baka madapuan ka ng germs." sumimangot si Jasmine.

"Ay,sige kuya,ligo well." napatingin silang dalawa ng pumasok si Conard at Ivan.Napasinghap siya ng makita niyang may pasa si Conard sa pisngi.

"Hala,mommy. . .daddy!" napatawa ng malakas si Ivan dahil sa inasta ni Jasmine,lumapit siya dito at ginulo ang buhok tsaka niya ito hinalikan sa pisngi.

"Lakas mo maka sigaw,hindi naman ikamamatay 'yan ni kuya eh." mas lalong lumaki ang mata ni Jasmine.

"Kuya,huwag kang magsalita ng gan'yan." tumawa ng malakas si Ivan at pinisil ang pisngi niya.

"Why,anak—WHAT HAPPENED TO YOUR FACE CONARD ASTRIELLE?" nabalot ang buong sala ng katahimikan dahil sa boses ng daddy nila.

Maski si Joreil na sana ay aakyag na pero hindi niya na ituloy dahil sa sobrang takot.

"Jesus,what happened,Conard?Sinong may gawa neto sayo,your face. . . .namamaga." hinaplos ni Hasryll ang mukha ng anak.

"I'm okay,mom.It's accident." walang pag-aalinlangan na pumunta si Jasmine sa kusina nila upang kumuha ng yelo at ibinalot ito sa damit.

Pagkarating niya sa sala ay wala na ang ibang tao,tanging si Conard nalang ang meron.Nanginginig siya sa takot at kaba,si Conard lang ang hindi niya close sa tatlong lalaki.

"K-kuya" na-utal na sabi niya,inaabot niya ang panyo na may ice. "A-ano uh. . . . ilagay mo po sa pisngi mo." akmang aalis na siya ng hilain niya ang pulsuhan ni Jasmine.

"Ikaw ang maglagay,masakit ang kamay ko." kumurap kurap si Jasmine at tumango.Kinuha niya ang panyong may ice at dahan dahan niyang idinampi sa pisngi ni Conard.

"Bakit kaba nanginginig?" tanong ng kuya niya.

"Nakakatakot ka kasi kuya." deretchong saad ni Jasmine.Tumaas ang sulok ng labi ni Conard dahil sa sinabi ni Jasmine.

"Bakit ako nakakatakot?"

"Kasi . . . ang tahimik mo po,tapos kapag nakikita mo ako laging salubong po ang kilay mo,nakakatakot ka po talaga, parang nangangain ng tao." nag-init ang pisngi ni Jasmine matapos niya iyong sabihin.

"You're such a adorable,huh." mahinang saad ni Conard. "I'm not gonna eat you, don't worry I'll try to get closer to you." nanlaki ang mata ni Jasmine.

"Talaga po?" mahinang natawa si Conard.Ngumisi siya at tumango,dahil sa sobrang tuwa ni Jasmine ay nayakap niya si Conard,nagulat si Conard sa ginawa ni Jasmine.

Para siyang malalgutan ng hininga dahil sa yakap ni Jasmine.What is this?

"Hoy,kakain na daw,mamaya na kayo maglambingan." napabitaw si Jasmine sakaniya,ang pula ng mukha niya,tumakbo papunta si Jasmine sa kusina.

"Fuck you." singhal ni Conard kay Ivan.

"Past,hindi ako pumapatol sa kapatid." humalakhak si Ivan matapos sabihin 'yon.


















***

Tapos na,thank you all.Kapag maraming marami na akong time,gagawan ko ng series anak ni Hasryll at Sean.

Thank you sa lahat ng nagbasa,thank you.Pasensya na sa wrong grammar,edit ko po mali ko.Salamat.




? Tapos mo nang basahin ang Just Another Badboy Inlove (Badboy Series 1) Completed ?
Just  Another Badboy Inlove (Badboy Series 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon