抖阴社区

Chapter 8:Warn

226 8 0
                                    


NAPATIGALGAL ako sa sinabi niya,hindi ako makagalaw.Para akong rebulto dahil sa pagkabigla,tahimik kaming dalawa dito sa loob ng sasakyan niya.Halatang natigilan din siya sa sinabi niya.

"L-Lasing kalang" mahinang saad ko.

Kumunot ang noo niya ng mapabaling siya saakin,hinimas niya ang noo niya gamit ang daliri niya.

"I'm not drunk" pilit na sabi niya.

Hindi nga siya lasing dahil maayos pa naman ang pagkakalad niya kanina,hindi din siya madaldal.Si kuya kapag lasing ang daldal!

"Iuwi mo nalang ako.Mag-usap nalang tayo bukas kung hindi kana nakainom." narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.

Wala siyang nagawa kundi ang iuwi ako sa bahay namin.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay.Pinapakiramdaman ko parin ang tibok ng puso ko, walang nagbago gano'n parin ang tibok tuwing kasama ko siya.

Bumibilis.Bumaba siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotche niya.

"Saan ka galing,Hasryll?" napalingon kaming dalawa ni kuya Sean sa nagsalita.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang magulang ko habang nakahawak sakanilang bewang.

"U-uh...." kinagat ko ang loob ng pisngi ko dahil sa hindi ko alam ang sasabihin.

"My apologize po,tito and tita.Naiwan po si Xyrus sa bar,kaya inuwi ko nalang po si Hasryll dahil gabi na po." magalang na sabi niya sa magulang ko.

Tumaas ang sulok ng labi ni mommy habang nakatingin saakin ng mapang-asar,samantalang si daddy ay nagsalubong ang kilay.

"Wow,pasok ka muna Sean.Magkape ka muna,pampagising baka bigla kang antukin kalag nagmamaneho ka." napasinghap ako ng palihim ng hilain nalang bigla ni mommy si kuya Sean paloob ng bahay.

"Pasok kana,Hasryll." napalunok ako at tumango sa sinabi ni daddy. "Magpa-alam kayo sa susunod,muntik ng tawagin ng mommy niyo ang tito niyong sundalo para hanapin kayo ng ganitong oras."

Ngumiti ako at umiling.Kahit kailan talaga.

"Grabe naman po 'yon" natawa si daddy.

Sabay kaming pumasok ng bahay,nadatnan kaagad namin si mommy at kuya Sean sa sala na nagkwekwentuhan.

"Nililigawan mo ba si Hasryll?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni mommy,dali dali akong lumapit kay mommy dahil sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo,mommy?" nahihiyang tanong ko.

Umupo si daddy sa may tabi ni mommy,habang ang tingin ay nakay kuya Sean kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"Bakit?Noong kabataan namin ng daddy mo,grade eight naging kami.Ikaw,grade ten kana." umasim ang mukha ni daddy, samantalang si kuya Sean ay umiling habang nakangiti.

"Hon,wala pa sa legal age si Hasryll.She's still our baby!" sabi ni daddy.

"Ofcourse, she's still our baby kahit magkaroon pa siya ng baby" uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ni mommy.

Tanging si kuya at daddy lang ang hadlang sa pakikipag relasyon ko, samantalang si mommy ay gustong gusto.

"So,are you courting my daughter?" tanong ni daddy.

Napatingin saakin si kuya Sean ng seryoso bago binalangan si daddy at tumango.

"Yes,sir.I want your permission to court your daughter,sir." nagbaba ang tingin dahil sa sinabi niya,ramdam ko ang malakas na kalabog ng dibdib ko na kahit anong oras ata ay magwawala na.

Just  Another Badboy Inlove (Badboy Series 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon