SOLANA/SABRINA POV:"Paumanhin, ngunit hindi ko lamang mapigilan ang aking sarili na matuwa ng makita ko ang aking paboritong kapatid." nakangiti kong saad ng dumako sa akin ang mga paningin nila ng bumungisngis ako ng malakas.
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Israel sa akin ang nakatatandang kapatid nina Casper at Sabrina..
"Lunaaa... Hindi ako makapaniwala na nandito ka sa ating kaharian. ibig ko din sanang sumama kay casper para sunduin kayo ngunit may importanting pinagawa sa akin si Ama., mabuti at nakarating kayo nang matiwasay na walang panganib na nangyare sa inyo." mahaba niyang salita,.
Ma efort yarn? baka nga siya pa ang mastermind kung bakit may sumugod sa aming mga bandido!.
Pa simple akong napaismid dahil sa ka plastikan ng kapatid ni Sabrina.
"Mabuti nga talaga at sa sobrang matiwasay ng paglalakbay namin ay Muntikan na kaming makitilan ng buhay Kuya!." alam kong halata ang boses ko na may pagka sarkastiko pero hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainis sa barakudang ito..
"A-ano!??.... may nag tangka sa buhay ninyo? Casper? Ina? kamusta kayo wala bang may nasaktan sa inyo.?" napairap ako sa kawalan dahil pwedeng pwede ko na ito isabak sa pagiging artista. tsk! galingan mo pa Israel yung mapaniwala mo talaga ako.
"Meron... si kuya Casper muntik ng mamatay!"
"Sabrina!.."
napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Casper sa tabi ko.
"bakit ka ba naninigaw?" pairap kong tanong sa kanya.
"mag dahan-dahan ka nga sa pananalita mo! pag may nakarinig sa iyo ay ikaw lang din ang mapasama." mahabang litanya niya sa akin.
"nagsasabi lamang ako ng totoo Kuya, bakit? sa tingin mo ba hindi ka matitigi kung naubusan ka ng dugo sa katawan dahil sa sugat mo!." Nakaharap na ako sa kanya habang nagsasalita.
dahil totoo naman kahit maliit pa yung sugat niya pero kung naubusan siya ng dugo eh mamatay talaga siya.. lalo na dito sa mundo nila ay hindi uso ang hospital dito kundi manggagamot lang ang tanging tinatakbuhan nila.
"Mati--ti... anong salita iyon?" nakakunot pa ang kanyang noo ng tanungin niya ako sa salitang ginamit ko.
"Matitigi.. mamatay iisa lang iyon. iniba ko lamang pagkat narinig ko lamang iyon kay Anisa." Buti na lang at pumasok sa isip ko si Anisa kaya may dahilan ako sa ginamit kong kataga.
Ikaw naman kasi Solana hindi ka talaga nag-iingat alam mo namang matalino ang mga tao dito.
Mamaya maisipan pa nilang tuluyan ng nawala si Sabrina.
"Parang gusto ko nang palitan iyang si Anisa at kung anu-ano na ang Naririnig mong mga hindi magandang salita..." Mabilis akong napalingon kay Emmanuel ng marinig ko ang kanyang sinabi.
Tamo! Napahamak pa si Anisa dahil sa bibig na to. Bakit ba kasi napakadaldal ko na, dati rati naman hindi ako ganito sa pinanggalingan kong mundo..
"Biro lamang iyon Ama! Kawawa naman si Anisa kong mawalan siya ng trabaho nang dahil lamang sa akin, at isa pa mahirap na makahanap ng taong mapagkatiwalaan..." Mahabang litanya ko.
Totoong mahirap makahanap ng mapagkatiwalaan sa mundong ito.
Hindi mo Alam kong sinu-sino ang tuso at tirahin ka ng patalikod dahil kahit sarili mo pang pamilya dito na buo mong pinagkatiwalaan ay maari ka nilang traidorin para lamang sa pansariling kagustuhan.

BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A STUPID QUEEN
Historical FictionSolana Blaire Ocampo, isang pinakamagaling na Assassin at tagapagmana ng organisasyon. kinakatakutan ng lahat at yinuyukuan. pero isang araw ay namatay siya sa kamay ng sarili niyang Ama but She Reincarnated as a weak and stupid Queen. Queen Sabrina...