SABRINA POV:Hinayaan muna ako ni Casper na makapag pahinga saglit bago kami mag umpisa sa Ensayo.
Wala ng atrasan to Sabrina, kailangan mo lang isipin na ikaw pa rin si Solana ang magaling na Assassin na walang ina'atrasan, nandito ka na sa sitwasyong ito ikaw na si Sabrina kaya kailangan mo ng panindigan at kailangan mong ito upang ma protektahan ang iyong sarili.
kung kinakailangan na pumaslang ka din dito upang mabuhay at ma protektahan ang mga pamilya ni Sabrina ay gawin mo, ipakita mo kung sino ka at i-labas mo kung ano ang nakatagong lihim sa pagkatao ni Sabrina.
Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha, pakiramdam ko may mahika ang burol na ito dahil mabilis lamang ako kumalma at balik normal na ang aking pakiramdam.
Tumayo ako at bumalik sa pwesto namin ni Casper at kinuha ang Espada.
"Handa ka na ba?" tumango ako kay Casper at humanda sa kung ano man ang susunod na hakbang niya.
Pinagmasdan at pinag'aralan ko ang bawat galaw ni Casper ng sa ganun ay mabasa ko kung paano siya umatake, alam kong hindi naman siya magtataka kung bakit marunong ako makipaglaban dahil sinanay naman si Sabrina nong bata pa kaya lang dahil babae siya wala pa rin saysay ang kakayahan at talento ng mga babae sa larangan ng pakikipaglaban lalo na si Sabrina dahil hindi ito nakitaan ng kahit anong Kapangyarihan.
Pinagana ko lahat ng pandama ko, sa pakikipaglaban kailangan alerto ka upang hindi ka maunahan ng kalaban, dapat pag-aralan mo kung paano basahin ang bawat galaw ng iyong kaaway ng sa ganun alam mo kung paano depensahan at iwasan ang kanyang mga atake.
Mabilis ang mga pangyayare at naramdaman ko na lang na kusa nang gumalaw ang aking kamay upang sanggain ang Espada ni Casper na nakatutok sa leeg ko.
Sinabayan ko lahat ng galaw ni Casper upang makabisado ko ang kanyang bilis at kung paano ko siya matatalo. kailangan alam mo ang kahinaan ng iyong kalaban dahil iyon ang gagamitin mong kalamangan laban sa kaaway mo.
Napangiti ako ng hiningal si Casper dahil hudyat na siya ay pagod na at dito ko siya mabilis na inatake ng hindi niya inaasahan, mahina si Casper sa tinatawag na stamina at mukhang ako pa ang mag i-ensayo sa kanya pagdating dito.
Tumalon ako at tinuhod si Casper sa kanyang panga at malakas na binalibag ng kamay ko ang kanyang braso kung saan ang kanyang Espada, Sa ensayong ito ang patakaran niya lamang ay magawa kong makuha ang Espada sa kanyang kamay, napangisi ako ng hindi man lang ako nahirapan na makuha ito sa kamay niya dahil kusa niya na lang itong binitawan.
"Aray! bitaw na Sabrina! babali'an mo ba ako ng kamay?" napangiwi si Casper ng bitawan ko na ang kanyang kamay.
"Ang hina mo naman kuya ey!" Sabi ko pa sa kanya at saka siya binilatan.
"Di ko akala'ing mas lumakas ka pa ngayon, Siguro kung may kapangyarihan ka baka hindi na kita kayang tapatan Sabrina." Sabay kaming umupo sa malaking bato sa ilalim ng malaking puno, nagpapasilong dahil tirik na ang araw at masakit na sa balat.
Si Puti ay hinayaan kong magpa gala-gala muna dito sa burol pero dahil may pagka sosyal ang kabayong iyon, ayon natutulog lamang kaysa mag lakwatsa.
"Wala naman kakwenta-kwenta kahit magkaroon ako ng kapangyarihan dahil wala pa rin naman itong silbi sa mundo natin. hindi kinikilala ang kakayahan naming mga babae kaya wala pa ring silbi ang kahusayan namin sa pakikipaglaban dahil ang tingin pa rin ninyong mga lalake sa amin ay mahihina at babae lamang." napabuntong hininga ako ng sa wakas ay may napag sabihan din ako ng saloobin ko at kay Casper pa talaga.
"Wag mong sabihin iyan Sabrina, sa totoo lang hindi naman mahina ang tingin ko sayo noon pa man, mas malakas ka kaysa sa amin Sabrina at iyon ang hindi ko matanggap dahil pakiramdam ko mahina ako dahil natalo ako ng isang Babae. kaya ko nasabi sayo ang lahat ng iyon, patawad aking kapatid." napatitig ako kay Casper ng marinig ko sa kanya ang lahat ng ito.

BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS A STUPID QUEEN
Historical FictionSolana Blaire Ocampo, isang pinakamagaling na Assassin at tagapagmana ng organisasyon. kinakatakutan ng lahat at yinuyukuan. pero isang araw ay namatay siya sa kamay ng sarili niyang Ama but She Reincarnated as a weak and stupid Queen. Queen Sabrina...